Chapter 18 - Pag-ibig Nga Kaya?

140 10 9
                                    

2k reads na po ang BENCH XXXL. Thank you guys for your usual support. 'Wag po kayong magsawa sa pagsubaybay sa buhay ni Ben Tiyan. This chapter is dedicated to blackchaprincess, my new partner sa bookclub. Hope you like it.

Aw. Parang sa'kin nagpropose si Webster. Hindi ako makamove-on. Naiinis ako. Ewan ko kung bakit. Pero parang sumisikip ang dibdib ko ngayon. Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa utak ni Armalite girl. Hindi kasi siya nagsasalita. Naputulan na yata ng dila. Nakatitig pa rin nang malagkit sa kanya si Webster. Sa tingin ko mukha naman siyang sincere sa mga sinabi niya kay Beatriz. Ako? Tama. Umaasang the feeling is not mutual.

Nakakabingi ang katahimikan. Pa'no na naman kaya matatapos ang eksenang 'to? That, I don't know. Umeksena kaya ako?

"Sorry Webster huh, pero may iba na siyang mahal at ako 'yun."

Aw. Hindi ko kaya. Baka lait-laitin na naman ako ni Webster o di kaya'y masuntok na naman niya'ko.

"Nagpapatawa ka ba? 'Sa tingin mo ba ipagpapalit niya 'tong mukhang 'to sa chubby cheeks mo? 'Wag mong sabihin na mas gusto niya 'yang tiyan mong malaki kesa dito sa abs ko? Umalis ka na nga diyan baka mabangasan ko pa 'yang mukha mo!"

Nevermind. Hindi na'ko eeksena. Baka mabangasan pa nga 'tong chubby cheeks ko. Hayaan na lang nating dumaan ang anghel para tapusin ang tagpong ito.

Ayun sakto ang dating nila pero hindi sila mga anghel. Kelan pa naging anghel ang alagad ni Webster.

"Dude, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinahanap. Tawag ka ng principal.", ang wika ni Yohan na ikinagulat ni Webster.

"Huh? Bakit daw? May ginawa ba'ko?", ang tanong niya na parang kinakabahan at napapakamot ng kanyang ulo.

"Wala naman dude. Wala ka pa namang pinapatira sa'min. I don't think he's calling you just because of something bad.", ang sagot naman ni Tom.

Nakahanap ng chance na tumakas sa eksena si Beatriz habang nag-uusap ang tatlong mokong. Kumaripas na siya ng takbo. Sinundan namin siya ni Ruby. As usual, tulad pa rin ng dati hindi ko siya mahabol-habol. Sa isang iglap lang ay nawala na siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung saan nagtungo.

Malapit na dumating si Binibining Centeno pero wala pa rin si Beatriz. Ngayon pa naman ipapasa yung tula. May nagawa kaya siya? Sabi naman niya kanina may nagawa naman siya kahit papano. E ano kaya nangyari sa kanya? Baka nga talagang nashock sa mga nangyari kanina.

Dumating na ang teacher namin ngunit wala pa rin si Armalite girl. Naku patay na. Buti na lamang hindi mahilig magcheck ng attendance si Ma'am; yung tipong magtatawag ng pangalan. Lagi siyang nagpapaassignment, 'pag wala kang pinasang assignment sa kanya meaning absent ka that day.

Isa-isa niya kaming tinawag para basahin sa klase ang mga ginawa namin tula ng pag-ibig. At dahil Chan ang apelyido ko, mas mauuna ko kesa kina Ruby at Beatriz. It's my turn pero wala pa rin siya. Gusto ko sanang iparinig sa kanya ang ginawa ko dahil para sa kanya talaga 'to. Nalulungkot ako ngayon. Siya lang ang gusto kong makarinig nito pero siya pa ang wala. Mula sa kaibuturan pa naman ng aking may sakit na puso ang nakasulat dito sa papel na'to. Nasa'n ka na kasi Armalite girl?

First kiss, unang halik
Ninakawan ako ng pilit
Hindi ko alam kung ako'y kikiligin
O maiinis sa galit

Nang sabihin mong ako'y gusto mo
Natulala at walang masabi
Hindi mawari kung anong gagawin
Ang suntukin ka o halikan din

Pag-ibig man ito o hindi
Ang tanging gusto lang
ikaw ay maging mabait
Baka sakaling ikaw di'y ibigin

"Magaling Ms. Mercado. Hindi ko alam na may talent ka naman pala sa pagsulat. Gumamit ka ng salitang Ingles pero dahil sa maganda naman ang nilalaman nito, pagbibigyan ko.", ang papuri ni Binibining Centeno kay Armalite girl.

Sumasakit ang dibdib ko. As in, ganito yung nararamdaman ko 'pag aatakehin ako sa puso. 'Wag po ngayon Lord God. Please. Kaya ko pa'to. Medyo hindi lang ako naaliw sa mga narinig ko sa tula ni Beatriz. Oo. Nagseselos na kung nagseselos. Pero masakit talaga. Ibig sabihin ba nun bibigyan niya ng chance si Webster? At ako no chance at all? At ang mas masaklap pa, first kiss? So meaning pag hinalikan ko siya 2nd kiss na lang ganon. Ang sakit naman! Teka ano ba pinuputok ng butse mo Bernard? E ang torpe mo naman diba? Sana matapos na ang araw na'to nang makaraos na'ko sa heartache na'to.

"Uy Taba!", ang tawag sa'kin ni Armalite girl nang makita niya 'kong lumabas sa CR.

"Ikaw pala Beatriz.", ang matamlay kong sagot sa kanya.

"Oh, ba't parang matamlay ka? May problema ka ba?"

"Huh? Wala naman."

"Sigurado ka?"

"Ah hindi, kasi masakit yung dibdib ko.", ang matamlay ko pa ring wika habang isinesenyas ko ang kamay ko sa aking dibdib.

"Huh? Talaga? Masakit 'yan? Kailangan ka bang dalhin sa ospital?", ang tarantang niyang tanong sa'kin.

Tinanggal niya ang kamay ko sa aking dibdib at pinalitan ito ng kanyang kamay. Nabigla ako sa kanya. Hindi ko akalain na gano'n na lamang ang pag-aalala niya sa'kin. Ilang segundo rin niyang idinantay ang kanyang kamay sa dibdib ko.

"Ang bilis ng tibok ng dibdib mo. Sobra. Alam mo kung ano 'yan? Love attack yan. E kasi naman, nasobrahan kayo ng kasweetan ni Ruby kanina. Magpalitan ba naman ng matatamis na salita sa pamamagitan ng tula? O my golly wow! Gusto ko na kayong pagbabatuhin kanina eh!", ang kalokohang sagot na naman ni Armalite girl.

Akala ko pa naman talagang nag-aalala siya sa'kin. Kung alam lang niya na ano ang dahilan kung bakit sumasakit ang dibdib ko ngayon. Well, the hell she cares naman.

"So narinig mo yung tula ko?"

"Oo naman. Medyo namiss ko lang 'yung 1st 2 lines pero narinig ko naman 'yung iba. Ang ganda nga eh. Lalo na naman sigurong maiinlove sa'yo si Ruby niyan."

Seriously? Ang slow talaga nitong Armalite girl na'to. Friends lang kami ni Ruby. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kami nung babaeng 'yun. Ay teka, hindi ko pa nga talaga nasasabi sa kanya. Kasi tuwing magsasabi ako, bigla na lang sumusulpot 'to si Ruby. I think, this is the moment. Before ako magsabi ng feelings ko sa kanya, I need to clear things up.

"Beatriz, hindi talaga ka...", ang naputol ko na namang wika nang nagpaalam na si Armalite girl sa'kin.

May practice ang Athletics team ngayon. Kaya kumaripas na naman siya ng takbo patungo sa field. Hindi ko na naman nasabi ang sasabihin ko sa kanya. Malas talaga. Teka lang. Naalala ko. Kateam nga pala niya si Webster, that means magkikita na naman sila ni Beatriz. Makakascore na naman 'yung mokong na 'yun. Samantalang ako negative pa rin.

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon