I Love You, Goodbye

20 1 0
                                    


Mahal ko si Truze at sabi nya mahal na rin ako. Pero isang araw nadiskubre ko na may relasyon sila ni Kath, ang BFF ko. Oo, aaminin ko. Masakit isipin na ang taong mahal na mahal mo ay boyfriend pala ng bestfriend mo. Tiniis ko yun, halos lahat ng atensyon ko nakatuon na sa pag-aaral, graduating student na ako. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng graduation ko. Pagkatapos ng graduation, nakipag-usap ako kay Truze.

"Truze, mahal na mahal parin kita. Please ako nalang." naiiyak kong sabi.

"I'm sorry, pero mahal ko si Kath." sagot niya.

"But I can't live without you! I can't live without you Truze!"

"Stop it, Sheena. Please, pabayaan mo na kami ni Kath"

"Sige. Kung yan ang gusto mo, kung yan ang ikasasaya mo pagbibigyan kita pero gusto ko lang sabihin na masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko, kung di dahil sayo, hindi ako matututong magmahal ng ganito. Wag mong pabayaan ang sarili mo ha. Alam mo namang kagagaling mo lang sa isang operasyon dahil sa sakit mo sa puso. Pakisabi na rin kay Kath na alagaan ka nya ng mabutibat pakisabi narin sa kanya na salamat sa pagiging isang Bestfriend nya sa akin. Sige Truze, I LOVE YOU, GOODBYE"

Aalis na sana ako pero lumingon ulit ako sa kanya at binigay ko ang scrapbook na ginawa ko at sinabing,

"Wag kang mag-alala. Hindi ako manggugulo sa relasyon nyong dalawa" sabi ko sabay alis.

(Truze POV)
Tinanggap ko yung scrapbook na binigay ni Sheena pero hindi ko muna yun binuksan, umuwi muna ako sa bahay at nagbihis.

Pagbukas ko sa scrapbook nakita ko yung picture naming dalawa na naka-akbay ako sa kanya. Inilipat ko na yung pahina at nakita ko naman yung picture naming tatlo Ako, Si Sheena at Si Kath, habang nakita ko yung sunod-sunod na litrato, naiiyak na ako pero pinigilan ko yun. Sa pinakahuling pahina may CD na nakalagay dun, kaya pinlay ko iyon sa DVD.

*Sa CD*

(Nakaupo si Sheena)
"Ahmmm. Hi, Truze (kumakaway) kumusta ka na? Sinadya ko talagang mag-record nalang. Hindi ko na kayang magsulat eh, nanghihina na ang katawan ko. Gusto ko sanang sabihin na mahal na mahal kita kahit saktan mo pa ako. Hinding-hindi parin magbabago ang nararamdaman ko para sayo at kahit buhay ko pa ang kapalit gagawin ko para sayo, ganun talaga kita kamahal. Naaalala mo pa ba yung araw ng operasyon mo? Nangangailangan ka ng Heart Donor, dahil ito lang ang magpapahaba ng buhay mo kaya sinakripisyo ko yung sariling puso ko para sayo. So bale exchange tayo ng heart. Inalagaan ko tong puso mo pero hindi na talaga pwede. Hindi na talaga kakayanin nitong puso, hirap na hirap na talaga ako. Bibigay na talaga sya eh. Pero wag kang mag-alala atleast ako yung nagsakripisyo para sayo kaya sana mag-promise ka na alagaan mo ang puso ko, mahalin mo yan ha. Masaya na ako kahit hindi mo mahal ang totoong ako, ang buong pagkatao ko atleast inalagaan mo at minahal mo ang puso ko. Mahal na mahal kita. Sorry sa tingin ko hindi na ako aabot sa wedding nyo ni Kath at sa mga anak nyo. Sayang hindi ako maging ninang. Pero wag kang mag-alala makita lang kitang masaya, masaya na rin ako. Sige. Dito nalang. Tandaan mo ha na Mahal na Mahal kita. Paalam."

*CD Video End*

Habang pinanood at pinakinggan ko yun. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko akalain na isasakripisyo nya ang sariling puso nya para sa isang gagong katulad ko. Agad akong tawag sa bahay nila. Baka maabutan ko pa sya. Sana hindi pa huli ang lahat.

"Hello. Sino po sila?" mangiyak-ngiyak na sagot ng katulong sa kabilang linya.

"Nasan si Sheena?" tanong ko. Matagal-tagal pa bago sumagot ang katulong.

"Sir, nung dumating si Maam Sheena sa bahay agad syang nawalan ng malay kaya agad namin syang dinala sa hospital. Pero, Sir, sabi ng doctor. Hindi na daw sya lumalaban. Marahil ay pagod na sya. DOA (dead on arrival) po."

Nung narinig ko yun. Nanghina talaga ako. Hindi ko alam na nabitawan ko na pala ang phone na hawak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagsisisi ako kung bakit ko sya sinaktan. Kung hindi dahil sa akin baka buhay pa sya ngayon. Ngayon mas nalaman ko na mas mahal ko talaga sya.

"Sana maging masaya ka, Sheena. Sorry sa lahat-lahat na ginawa ko. I love you, Goodbye."

--------------END------------------

Makikita mo talaga ang halaga ng isang tao sayo. Kapag nawala ba sya. Pero sana hindi pa huli ang lahat. Dahil kahit anong gawin nyo. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon