Chapter 16

1K 35 1
                                    

Sorry sa late update :) tinapos ko lang po ang A Perfect Love Story. Dear readers kapag may time kayo pabasa naman nyan. Pavisit nalang po profile ko :) Completed na po 'yan. Dream Big! My dear ♥

KERK

Napatingin ako sa pinto. Pumasok si Nancy. Ngumiti siya sakin at ngumiti din ako pabalik. Parang namumutla siya. Parang kinakabahan na ewan.

"A-ako..na munang magbabantay sa kanya, magpahinga kana muna. Kerk." Wika nito at umupo sa couch.

Sakto lang pala ang pagdating niya. Pupunta ako kana mama. Dadalawin ko ulit sila.

"Okay. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik din ako agad. Salamat." Sagot ko at tinapik ang balikat niya.

"Salamat dahil nakilala kita. Napakabuti mong kaibigan." Dagdag ko

"Wala 'yun. Ano ka ba? Responsibilidad ko namang bantayan ang mga pasyente. Lumakad kana kung saan mo gustong pumunta, babantayan ko siya. Wag kang mag-alala." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. Nagpaalam na ako sa kanya. Napansin ko lang, simula nung nabasa nya ang mga sulat parang nakakaiba na ang kanyang kilos.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking jacket at napatigil ako nang may madapang babae sa harap ko. Agad naman siyang tumayo at sinigawan ang lalaking tumulak sa kanya.

"ANO BA, EDWARD! BAKIT MO AKO TINULAK?! NAKAKAHIYA! NADAPA PA AKO! WALA KA MAN LANG BA KONSENSYA? NAKAKAHIYA! AISH!" Hindi umimik ang lalaki.

Teka? Sila na namang dalawa? Yung magkaibigan?

Humarap sa akin ang babae.

"Sorry po. Sorry p-----"

Natigil siya sa pagsasalita.

"Ah, eh.. H-hello!" Dagdag niya at parang namula ang kanyang pisngi. Yumuko siya.

Humarap siya kay edward. Ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad.

"Edward, nakakahiya! Sa dinami-dami ng tao sa mundo! Bakit sa harap pa niya ako nadapa! Tanggap ko pang tinulak mo ako sa maraming tao, okay lang din na pagtawanan nila akong lahat pero sa harap niya? Grabe! Sana niready ko ang kahihiyan ko bago mo ako tinulak sa harap niya!" dinig kong wika ng babae. Ang weird talaga nilang dalawa. Lagi ko nalang sila nakikita sa tuwing lalabas ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang makarating na ako sa parking area. Pakiramdam ko nawalan na ako ng ganang magpunta kana mama. Parang ayokong iwan si Terra. Hindi naman sa wala akong tiwala kay nancy pero iba ang pakiramdam ko ngayon. So I decided to go back. Pagbalik ko, andoon pa rin ang dalawang weird. Ts!

Binuksan ko na ang pintuan at naabutan kong hawak ni nancy ang suero.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at gulat na napatingin siya sakin.

"A, w-wala. Tinitingnan ko lang." Sagot niya at lumapit sakin

"Bakit bumalik ka?" Nancy

"Nawala na ang mood ko sa pamamasyal. Sa paggising nalang niya." Sagot ko

"Okay. Wala na akong dahilan para bantayan siya. Andito ka naman na e. Sige, labas na ako." Sagot niya atsaka lumabas na ng kwarto.

Ibinagsak ko ang aking sarili sa sofa. Tinitigan ko ang ceiling. Hay.

"Kerk." Napaupo ako sa sofa.

"Doc."

"Kerk, nagpunta ako sayo para sabihing 28 days nalang ang natitira. Magigising na siya. Alam mo na ba ang iyong gagawin?"

"Ang non sense para sakin ng tanong mo Doc francis."

"Bakit? Wala ka pa bang plano sa paggising niya?"

"Marami akong plano para samin..hindi ko lang alam kung magagawa ko ang mga iyon dahil hindi naman niya ako makikilala."

"Kerk, sa una lang naman niya ikaw hindi makikilala. Kinabukasan o makalawa, kilala ka na niya." Wika ni doc sabay tapik sa balikat ko.

"Simulan mo ng bilangin ang araw." Dagdag pa ni doc at lumabas na. Hay.

Kinuha ko nalang ang mga sulat at nagulat ako nang mabasa ko ang pangalan ng nasa papel.

From: Terra Kumiko

So, sinagot niya ang sulat ng hilaw niyang secret admirer? Ts! Binasa ko na ito.

February 7, 1997

Minamahal kong Junn,

  Oo. Tama ka. Malapit na ang araw ng mga puso. Alam mo ba kung anong nangyari sa akin noong isang taon? Parehas tayo ng naranasan. Badtrip. Wala man lang nagbibigay sakin na rosas. Nakakainggit nga ang ibang babae. Ang saya-saya nila dahil nakakatanggap sila ng tsokolate. Sana nga, wala ng araw ng mga puso. Naa-out of place lang ako pero noong sinabi mo sa akin ang karanasan mo, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. May karamay pala ako sa pagiging malungkot.

    Junn, nais kong malaman mo na itinatago ko ang mga sulat mo. Hindi ko ito itatapon dahil ito ang pinakaunang beses na may nagbibigay sa akin na sulat. Maraming salamat sa pagbibigay mo ng halaga sa akin. Huwag kang mag-alala tinatanggap ko ang nararamdaman mo para sa akin. Papahalagahan kita katulad ng pagpapahalaga mo sa akin.

                    Nagmamahal,
                        Terra

Ibinalik ko na ang sulat sa kahon. Gusto niya rin si Junn. May nararamdaman din siya para dito. Hay. Natatamad na akong basahin ang mga sulat nila! Nakakaantok! -_-

++++++++++

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon