Kabanata 9

560 11 0
                                    

SHORT UPDATE

Occtavia's POV:

Nang maihatid ako ng tatlo sa mansion namin ay agad akong bumaba sa sasakyan nila, nagpasalamat muna ako sa paghahatid nila sa akin at dahil 'nadin sa oras na inilaan nila.


Gusto pa sana akong ihatid nung tatlo hanggang sa loob ng mansion para daw siguradong safe ako, ngunit tinanggihan ko sila dahil may guard naman na naka bantay dito sa village tsaka kaya ko 'ding ipagtanggol ang sarili ko.



PUMASOK ako sa maliit na entrance ng mansion kung saan may maliit na gate sa gilid, katabi ang malaking entrance ng mansion na pasukan ng sasakyan namin.


"Hello kuya bert!" bati ko sa gwardiya na nagbabantay.

"Ay ikaw 'ho pala ma'am jewelle,!" sabi niya sakin bago nagmadaling buksan yung gate. "Saan po kayo galing ma'am, hinahanap po kasi kayo ng kapatid nyo kagabi, mabuti nalang po sinabi ni ma'am olivia sa kapatid ninyo na may ginawa kayong school project."


Pumasok ako bago ako tuluyang sumagot sa kaniya.

"Yes po mang bert gumawa po kami ng project nila ally sa house nila medyo marami-rami din po yung ginawa namin kaya ngayon lang po ako umuwi." tanging sagot ko

"Ah ganun po ba." sagot nya na tinguan ko naman.

Nag-usap pa kami ng mang bert ng ilang minuto bago napagsyahang pumasok sa loob.


Krang...

Tinignan ko kung sino yung tumatawag laking gulat ko ng mabasa ko ang caller.


Coach Matt is calling...


"Y-yes coach? Napatawag ka po!" panimulang tanong ko.


"Good morning jewelle, I just want to invite you para sa darating na 30 days free trial ng taekwondo."


"Sure sir! pero kelan po ang start nitong program ninyo?"


"This saturday balak ko din sanang humingi ng permit para sa ayala malls natin gawin itong program."


"T-this saturday sir...wait let me check my schedule, titignan ko po muna kung may masasagasaan akong meeting. I will inform you nalang po later sir."


"Okay, aasahan ko ang iyong pakiki-isa dahil ikaw lang naman ang inaasahan kong 3rd Dan Blackbelts na pwe-pwede sa rank nyo."



Nagpa-alam ako sa kaniya bago ko tuluyang ibinaba ang linya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa bahay.


Dumeretso ako sa coffee table kung saan malapit sa swimming pool area. Binuksan ko ang laptop ko bago ko tinignan kung pwede ako sa sabado.


Agad akong nag text kay coach para ipaalam na pwede ako sa araw ng sabado.


Nang makapag-sabi na ako sa kanya ay agad akong dumeretso sa aking kwarto para maligo.


Dumeretso ako sa cr at nagsisimulang hubadin ang aking kasuotan, nilagyan ko muna ng tubig ang bathtub bago ako pumunta sa shower upang mahimasmasan. Bawat patak naman ng tubig ay naaalala ko ang ginawa sa akin ng tatlong magkakapatid tila may kiliti sa akin tyan kapag naiisip ko ito.


Nang malagyan ng tamang tubig ang bathtub ay agad ko itong nilagyan ng pampabango bago ko ito winasiksik at pinabula. Agad akong lumusong dito at inihiga ang aking katawan. Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan dahil sa maligamgam na tubig at mabangong amoy nito.



Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Agad akong nag open ng tiktok para makibalita kung may bagong chismiss.
"Ano nanaman ba itong bagong issue na nanapak itong si  ——" sabi ko sa isipan. Natatawa na lamang ako dahil muka akong baliw dito na tumatawa.


Nang makontento na ako sa pagbababad ay umahon nadin ako at nag shower muli para magbanlaw. Lumabas ako sa bathroom at pumunta sa aking walking closet.


Namili ako ng maisu-suot ngayon at napili ko ang simpleng dress na kulay lila. Naglagay din ako ng kaunting kolerete sa muka at nag spray ng pabango bago ako pumunta sa kama.



Binuksan ko ang smart tv at pumunta ako sa netflix upang manood ng Senior Year, kumuha din ako ng cookies upang may makain ako habang nanonood ako ng palabas gumawa din ako ng kape sa coffee machine upang hindi ako antokin habang nanonood.



"Occtavia," rinig kong pagtawag sa'kin  bago binuksan yung pintuan.

"Mom,?" sagot ko nang makitang sya pala ang nagsalita sa labas ng pintuan ko "Why, mom is there anything wrong?" sabi ko nang mapansin kong meron syang problema.


"N-nothing, anak...?



"Mom, hindi po ako naniniwalang wala lang yan dahil halata po sa muka ninyo." pinagka-diinan ko ang huling salita na sinabi ko.


"Wala nga ito!" sabi nya ngunit maya-maya lang ay dinugtungan nya ito. "Eh kasi naman pansin ko lang na hindi ka na gaanong nagkwe-kwento about sa nangyayari sayo. Kaya nalulungkot ako dahil nagdadalaga kana talaga." malungkot na sabi niya



"Mom, don't be sad," pang-aalo ko sa kanya. "Okay ano po ba ang gusto ninyong malaman tungkol sa akin?" seryosong tanong ko.




"Do you have a boyfriend na ba?" tanong niya, kaya halos masamid ako sa sarili kong laway dahil hindi ko inaasahan ang tanong nya, ang akala ko ay tungkol sa academics or sa kaibigan ko na madalas king ikwento sa kanya.


Nang hindi ka'gad ako nakasagot ay bigla uli siyang nagsalita.



"Wait don't tell me na...meron na nga?" tukso nya.




"HELL NO, 'ni hindi nga sila nanliligaw sa'kin tapos kami na agad!"  sagot ko sa pang-aasar niya huli ko na namalayan kung ano yung nasabi ko. Agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa pagiging pasmado nito


"Whatttt....theee...fvckk...did i say??? Does my mom hear that? Oh hell, occtavia of course she hear that may tenga kaya si mom! and ang lakas ng boses mo, i mean ako.



Sana ay hindi gaanong narinig ni mom ang sinabi ko dahil paniguradong aasarin niya ako.


"Wait, tama ba ang narinig ko?" tanong niya kaya halos mamutla na ako dahil muka ngang narinig niya ang sinabi ko.


"And what do you mean 'sila'? Ibig bang sabihin nito ay hindi lang isa ang natitipuhan mo?" litong dugtong na tanong niya.


NOW I'M DEAD...




Notice:
Pasensya na po kung matagal-tagal akong hindi nakapag update ngayon lang po kasi ako nagbabalik wattpad sana po ay maunawaan nyo po. At sana din po ay wag kayong magsawang suportahan ang storyang ito.


C L A R R I O U S

My Passion Love (ON-GOING) (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon