Chapter 4: Teen---danger

476 21 2
                                    

Chapter 4: Teen—-danger


"Bawal magsalita, what?" pag-uulit ni Dylan, isa sa mga bagong dating dito.


"I can do it naman since one araw lang naman eh," giit naman ni Bea.


"Kaya ko rin, as long as, may WiFi dito," sabi ni Trish.


Tumingin kaming lahat sa isang lalaki, kay Lance, "Ikaw walang sasabihin?" tanong ni Ate Helen.


"Ah, wala. Pucha, akala ko ba bawal magsalita ngayon?!" daing naman niya.


Di na namin siya pinansin. Yes, kanina, inexplain lahat nung kambal yung kung anong bawal gawin ngayon, at eto ang mga bagong dating na halatang umaatungal sa trip ng HYO ngayon dahil halatang-halata naman sa mga mukha nila na napipilitan lang silang sumunod.


Kanina rin, habang papunta sa kanya-kanyang kwarto, sinabi sa'kin ni Ate Helen na dapat ay magkaroon ako ng dalawang kasama sa kwarto ko para magkasya lahat ng dumating na kasing-edad ko. Iisa nalang raw kasi ang available na room na maayos pa, kaya sa halip na iparenovate ang iba pang mga rooms, napag-usapan ng kambal na dagdagan nalang ang mga kama.


Kaya ganito, ang kasama ko sa kwarto ko ay sina Bea at si Trish tapos sa kabilang available room naman ay yung mga boys... dapat. Pero, umayaw si Dylan dahil "dapat" daw ay may kasamang isang boy sa kwarto namin. So, ang nangyari, nandun pa rin si Dylan sa isang available room at si Lance ay napunta sa room namin at si Trish naman ang kasama nung kapatid niyang si Dylan.


Nagtawanan kaming lahat noon nung 'di maipinta ang mukha ni Dylan nung narinig niya yung ginawang pagbabago nila Ate Helen at Ate Elena.


Iniwan na kami ng kambal sa bawat kwarto naming at ang mga bagong dating naman ay nagsimulang ayusin ang kanya-kanyang gamit. Habang tinutulungan ko si Bea habang nagpapasok ng mga damit niya sa de-hilang aparador sa ibaba ng kama niya.


"Seriously Viel, bawal magtalk today? Ang hard naman nito eh, gosh!"


Mula sa 'di namin pag-iimikan, bumulong sa'kin si Bea. Maiinis na dapat ako dahil sa arte ng kanyang pagsasalita pero naalala ko palang conyo siya from the very beginning na nakilala ko siya, o nakilala "namin" siya kaya ayun, inintindi ko nalang.


"Eh sa wala tayong magagawa, 'yun ang sabi nila kaya kailangan natin silang sundin," sabi ko habang nakangiti sakanya.


Habang tinutulungan ko si Bea na ayusin ang mga gamit niyang sangkatutak sa dami na akala mo'y dala na niya ang buong bahay niya, si Lance naman ay nakahilata sa kama, parang tapos na siyang mag-ayos at magligpit ng mga gamit niya, at hawak hawak niya ang kanyang tablet.


"Lance, tapos ka ng mag-ayos?"  tanong ko


Tumingin lang siya sakin at biglang nilihis ang kanyang tingin. Problema nun? Siya na nga kinakamusta, siya pang may ganang 'wag mamansin. Ang bipolar naman nito, kani-kanina lang, masaya siya ah tapos ngayon ang sungit. Hay nako, isa pa nga.

The Truth about 11:11 {TO BE REVISED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon