Chapter 35

174 3 0
                                    


Napasigaw ako nang malakas niyang sinuntok si Steve.

"PUTANG INA KA!"galit na galit na sigaw niya dito at muling sinuntok sa mukha.

Napa-iyak ako sa takot."Ethos tama, may sakit siya."sigaw ko sa kanya.

Bumaling ang galit na tingin niya sa'kin, he was fuming mad na konting konti na lang makakapatay na siya.

Sobrang dilim nang mukha niya, umiigting ang panga dahil sa sobrang galit. Malalim ang kanyang hiningang pinapakawalan bago marahas na binitiwan ang kwelyo ni Steve at malalaking hakbang ang ginawa papalapit sa'kin at walang ingat na hinawakan ang braso ko at kinaladkad.

Walang tigil ang pagtulo nang aking luha hanggang makarating kami sa sasakyan niya, marahas ang pagbukas niya sa pinto.

"Get inside."sobrang lamig na utos niya, napahikbi ako at dahan dahang pumasok sa loob ng sasakyan.

Napaigtad pa ako nang malakas niyang sinara ang pinto. Mariin kung kinagat ang aking pang-ibabang labi upang maiwasang hindi mapahikbi ng malakas dahil sa takot at kaba.

Pumasok siya at matalim akong tinignan.

"Seatbelt."mariin niyang utos.

Nanginginig na kinuha ko ang seatbelt at kinabit 'yun sa'kin, at nang makita niyang naikabit ko na ito ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.

Nakahinga ako nang maluwag nang makarating kami sa bahay, Akala ko madidisgrasya pa kami sa lakas ng pagpapatakbo niya. Lumabas siya at malakas na binuksan ang pinto kaya dahan dahang lumabas ng sasakyan.

Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko pa rin ang galit niya dahil sa klase ng pagkakahawak niya sa pala-pulsuhan ko habang kinakaladkad ako papasok ng bahay.

May bumati sa'ming kasambahay pero napa-urong sila nang makita ang mukha ng kanilang amo. Nang makarating kami sa aming kwarto ay sa'ka lang niya binitiwan ang aking pulso kaya nasasaktang hinimas ko ito dahil sa sakit.

Magsasalita na sana ako pero napatili ako sa sobrang gulat ng binato niya sa sahig ang lampshade namin. Hindi pa siya nakontento, pinagbabasag niya lahat ng gamit na makikita niya sa kwarto.

Napahawak ako sa aking tiyan habang umiiyak sa takot. Ayoko nito, please tama na Ethos.

"PUTANGINA."he screamed angrily."FUCK IT, AHHH."napapikit ako nang mariin ng pinagsusuntok niya ang pader dahil sa sobrang galit.

Hindi ako makapagsalita dahil sa kaiiyak.

"Punyeta, siya pa rin ba?"napamulat ako nang marinig ang basag na boses habang tinatanong ako.

He's crying.

"SIYA PA RIN BA HA? TANGINA, SAGUTIN MO 'KO."galit na sigaw niya.

Napahagulhol na umiling ako."H..Hindi, b..binisita ko lang naman siya kasi may sakit siya."umiiyak na sagot ko.

He laughed sarcastically habang patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha."Binisita? Yes, you did visit him cause you still care for him, you still have feelings for him cause if don't have, you will never visit him kahit naghihingalo pa siya dahil sa ginawa niya sa'yo, sa atin noon pero ano? Binisita mo siya kasi mahal mo pa rin siya."akusa niya sa'kin kahit hindi naman totoo, why he can't just see na siya ang mahal ko?

He harshly wiped his tears."Tangina, parang ako pa 'yjng mang-aagaw dito."nasasaktang sambit niya."Parang ako pa 'yung naging hadlang sa inyong dalawa dahil nabuntis kita."

I wiped my tears bago dahan dahang lumapit sa kanya."That's not true, Ikaw ang mahal ko. Please, maniwala ka naman oh."Akmang yayakapin ko siya pero mabilis niyang iniwas ang kanyang katawan.

The Greek has Fallen(Greek Series #1)Where stories live. Discover now