JANE:
1 week na ang lumipas at madalang ko nalang siya nakakausap at nakakasama, todo rin kasi ang practice nila, pati din si Ella at Lester. Kaya naman ang kasama ko ngayon I mean palagi ay si Franz.
"Tulaley ka nanaman!" napabalik ako sa realidad sa sinabi ni Franz. "Alam mo napapansin ko lagi ka nalang tulaley! Yung true bes, okay ka lang ba?" tanong ni Franz.
"Oo naman, ano ka ba. Kumain ka nalang diyan at wag mo akong problemahin."
Tapos ko na lahat ng activities para sa intrams sa Wednesday. Si Jerome, busy sa pagprapractice nila ni Cass sa Intramurals, kagaya din ng lovers na si Ella at Lester.
"Franz, uwi na tayo." pang aaya ko.
"Why naman? Akala ko ba hihintayin mo si Papa Jerome mo?"
"Mukhang matagal pa yun eh, ni hindi nga makapagreply." inis ko wika sakanya at saka inayos ang bag ko.
Sabay kaming lumabas ni Franz pero, napatigil kami dahil makakasalubong namin sila. Hinawakan naman agad ni Franz ang kamay ko. Napatingin din siya saakin.
"Mahal akala ko ba sasabay ka saakin?" tanong niya, pagkatapos niya ako halikan sa noo.
"Aah Jerome, kanina ka pa nga namin hinihintay eh."
"Mahal? Sorry, inutusan kasi kami ni Ma'am na bumili ng tubig, patapos na din naman kami. Sabay na tayo okay." paliwanag niya, maglalakad na sana siya pero nagasalita ako.
"No need Jerome, sabay na kami ni Franz. Tapusin mo muna yan, at kapag tapos na ang lahat ng yan. Maaari ka ng sumabay saakin ulit." sagot ko sakanya at hinila si Franz.
Nakakainis siya! Ang galing niyang mag alibay! Damn!! Kasama niya nanaman ang Cassandra na yun? Halos araw araw na silang mag kasama at nagkikita hindi pa ba sila nagsasawa? Ako ba na girlfriend niya hindi niya manlang magawang kumustahin, o replayan man lang!
"Shit! Shit! Shit!" napaupo nalang ako dahil sa inis. "Franz, ewan ko pero nakakaramdam na ako ng selos. "
Inakbayan naman niya ako. "Normal lang yan gaga! Malamang girlfriend ka diba? Ano bang sabi ko sayo? Na bantayan mo ang boyfriend mo at ang Cassandra na yun. Pero anong ginawa mo? Ayaw ni Je diba? Pero pinilit mo siya! Haaay.. Janey! Sinisira kayo nung babaeng yun."
Dapat talaga nakinig ako kay Franz, umpisa palang may na sesense na ako sa Cassandra na yan pero hindi ko pinansin.
Pagdating ko ng bahay ay humilata nalang ako, kanina pa ako tinatawag ni Yaya pero hindi ko siya pinapansin, at kanina pa din Ring ng Ring ang phone ko.
"Elizabeth may bisita ka." sigaw ni Manang, sino naman ang bisita kong yan?
"Pakisabi po wala ako!" sagot ko pabalik.
Wala ako sa mood para makipag usap sa kahit kanino.
"Bubulukin mo ba yung bisita mo sa baba? Maawa ka naman sakanya anak! Muli pagdating mo at ngayon, ay kanina pa siya nandito." paliwanag ni Yaya. "Bumaba ka na diyan!"
Haaay!! Sino naman kasi ang taong bibisita saakin, hindi naman si Ella kasi for sure magkasama sila ni Lester ngayon.
Hindi na ako nag ayos bumaba nalang lang ako, pababa palang ako ay nakikita ko na ang bisita ko.
"Anong ginagawa mo dito?" mabilisan kong tanong sakanya habang nakatong tong pa din ang aking mga paa sa hagdan.
Wala ako balak lapitan siya or what!
"Mahal! Let me explain okay."
"Explain what Jerome? Diba nga sinabi muna kanina, na inutusan lang kayo ni Ma'am. Maliban doon ano pa bang kailangan kung malaman?"
BINABASA MO ANG
Once upon a love story (Janerome)
FanfictionOnce upon a time you fall inlove. Once upon a time you was hurt. Once upon a time you cryed. Once upon a time you moved on. and Once upon a time you become strong. But Once upon a time his back and Once upon a time you fall inlove again. Sab...