15

151 7 0
                                    


JEROME:

Pagkatapos niyang lumabas ng room ay napaupo nalang ako. Damn this life! Sucks! Everything was falling apart, habang patagal ng patagal nasasaktan ko siya. I know, maling sigawan ko siya ng ganun, pero natakot ako. Natakot akong sa punto at sitwasyong iyon ay masabi ni Cassandra ang lahat.

"Shit pare! Pinaiyak mo si Jane! Gago!" sigaw saakin ni Macky na isa sa mga nanligaw at naging barkada ni Jane.

"Tsk! Girlfriend mo yun, eh bat siya ang kinampihan mo? Two timer ka pala. Hindi mo deserve si Jane." sigaw din ni Lyka.

"Hoy! Cassandra ano masaya kana? Tanggalan kaya kita mata diyan! Kibago bago muna, kilandi landi mo. Nakakasira ka ng relasyon lumayas kana dito." inis ng litanya ni Joanna, tibo yan.

"Hoy tibo! Wag mong kung pinagsasalitaan ng ganyan, kung meron mang may problema dito ang Jane na yun. Palibhasa napakaselosa." sagot ni Cass.

"Malamang girlfriend kaya may karapatang magselos! Eh ikaw ang anong karapatan mo? Ni hindi ka nga kagandahan eh." sagot ni Joanna

Hindi na sumagot pa si Cassandra.

"Kita muna yang girlfriend mo? Mygad Jerome, yan ba ang ipagpapalit mo saakin?" maarte pa niyang tanong.

"Are you happy now? Nasisira na kami? Ano pa bang gusto mo? Damn! Cass wag mo siyang idamay!" galit kong sagot sakanya ng pabulong.

"Nag-uumpisa palang ako." sagot niya.

Napatahimik kami sa pagpasok ni Ma'am.

"Nasaan si Ms. Enriquez?" bungad niya saamin.

"Lumabas po ma'am." sagot ni Joanna.

"Okay by the way, pakisabi sakanyang siya ang napiling Emcee for the Mr and Ms."

Ano bang klaseng Joke ito?

Cassandra:

Good Idea ma'am buti naman siya ang napili para maipamukha sakanyang ako ang kapartner ng boyfriend niya at for sure puputok sa galit yun.

Yung kanina? Tsk! Gusto ko talaga siya sampalin nun, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hinayaan kong sila ni Jerome ang mag away mismo, para sa huli ako parin ang kawawa sa paningin ng lahat at ng saganun ay maghiwalay na silang dalawa. At hindi naman ako nainform na madami palang FANS ang babaeng yun dito.

Ang akin ay akin, walang aagaw ng kahit ano saakin.

The 2 day of the Intramurals:

Kakatapos lang ng lahat ng game, at nandito kami ngayon lahat sa GYM dahil nagaganap ang awarding.

"Best Player for Basketball is Ms. Enriquez" siya nanaman, hakot awards siya tsk! Mas bagay niyang maging tibo.

Natapos naman agad ang awarding at tinawag na kaming lahat ng contestant para magbihis.

"Ready?" tanong ko kay Jerome pero hindi niya ako pinansin.

Okay lang! Hindi din naman sila nagpapansinan ng Jane na yun eh.

After 2 hours:

Third Person Point of view (ako po muna ang maglalahad ng mga pangyayari.)

"Goodafternoon! To my dearest advisers, other faculty teachers, schoolmates, classmates, friends, ladies and gentlemen. Let me introduce to you the different contestants for our Mr and Ms Dalton University" pagkabati nun ni Jane ay nagsilabasan na ang iba't ibang contestant from different sections.

"Contestant number one from 1st year Diamond Ms. Angelina Montano together with Mr. Leo Abuema" napalakpakan ang mga tao. "They believe that even if they are just a first year, they can bit the other higher year."

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon