Chapter 26
"Atty. Manjarrez," pagtawag sa akin. I stretched my arms as I yawned. Tumingin ako sa secretary ko kahit sa totoo lang ay antuk na antok pa rin ako dahil sa dami ng binasa ko kagabi. Ewan ko ba... minsan gusto ko na magpa-seminar sa mga tao. Like... please don't get married unless you're a hundred percent certain. Mahal magpa-annul. Saka mahirap. Nakaka-stress. Nakaka-ubos ng hiya minsan. Halos iparada na sa korte lahat ng issue niyong mag-asawa.
Pwede naman maglive-in muna... Tapos kung ayos, e 'di magpakasal na. Hindi iyong papa-kasal tapos 'di naman pala compatible magsama sa bahay forever—biglang ayaw pala sa ganyan, hindi pala ganoon kahaba ang pasensya sa ganito. Ending, laging nagbabangayan.
Sakit sa ulo kahit 'yan ang pinili kong trabaho.
Ewan ko ba kung bakit ako napunta rito. Siguro kasi attracted ako sa kaguluhan. Gusto ko na maraming iniisip para walang time magmuni-muni tungkol sa mga bagay-bagay.
"Ma-dedelay lang daw po 'yung next appointment niyo," sabi niya.
I nodded. "Okay," I said, stretching my arms. I yawned again na nahawa na siya sa akin. I was about to ask her to get me a coffee, but figured out that I needed to stand up and to walk around and to stretch a little. Feeling ko talaga anytime ay makaka-tulog na lang ako.
"Pa-call na lang ako kapag nandyan na. Punta lang ako d'yan sa coffee shop," I told her. Alam niya naman kung saan ako pupunta.
I grabbed my purse and walked outside of the office. I had a small private practice with five of my friends from law school... super unlikely, to be honest. Never kami naging classmates sa buong law school. Naging close lang kami nung review center. I chose a different review center—iba sa usually kinukuha ng mga ka-batch ko. Most of them opted to go to review centers known for producing the topnotchers.
Me? I just wanted to elsewhere.
Iyong wala akong kakilala.
Iyong walang magtatanong sa akin kung nasaan si ganyan.
I just wanted some freaking peace dahil hindi ko alam kung paano ako magrereview na may mga ganoong bagay na gugulo sa isip ko.
Nung una, dalawa lang kami. Walang gustong sumama sa amin kasi gets naman namin na hindi advisable magtayo ng firm lalo na kung wala ka pa namang napapatunayan. But we already tried the law firm life... and it was draining as hell. Feel ko tumanda ako ng ten years sa isang taon ko roon. Granted na marami akong natutunan talaga, I just didn't think that it was worth all the headache and the fact that I got hospitalized three times that year dahil sa sobrang pagod.
I had to make a change or else feel ko iyon ang papatay sa akin.
So, I built my practice with my friend. During the first two months, wala kaming client. As in. Notaryo lang ata ang nagawa namin. And then we had one client... At dahil nag-iisa lang siya, siya ang focus naming dalawa. I guess natuwa siya sa resulta. It's true that word of mouth is the best advertisement. She told her friends about us.
And the rest was history.
We're not some big shot firm, but we're good with our practice. We control our time—and I believed that that's the best part of it.
Dumiretso ako sa coffee shop. It was busy that morning. Pumila ako. I usually just order my iced latte... but since mahaba iyong pila, I decided to shake things up a little. Naka-tingin lang ako sa menu habang nagdedecide kung ano ang oorderin ko.
After I ordered, sakto na mayroong umalis kaya naman pumwesto ako roon habang naghihintay sa order ko. Most people in the coffee shop were professionals working in the vicinity. They all looked stressed... very familiar dahil feel ko ganyan din ang itsura ko dati.
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Romance(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...