Kaagad akong humingi ng tulong para madala sa ospital si Shanella. Nanginginig ako sa sobramg takot, sumama na rin si Sir Shawn sa amin. Kanina pa at hindi pa ako kinakausap ni Shawn, masama ang tingin niya sa akin. Ilang beses ko ng sinubukan na magpaliwag sa kanya pero hindi siya nakikinig. Hindi ko sinasadya na masaktan si Shanella, nandito kami ngayon sa labas ng room kung saan inaasikaso si Shanella ng mga doktor. Nilapitan ko si Shawn at hinawakan sa may kamay.
"Shawn, hindi ko sinasadya ang nangyari, nadala lang ako sa inis ko sa kanya. Nadala lamg ako ng emosyo ko dahil binuhusan niya ako ng tubig-" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang nagmura ng malutong.
"Shit!" aniya.
"S-shawn!" Mahinang sambit ko sa pangalan niya."My, God Erin, binuhusan kalang tapos sinaktan mo siya kaagad ng ganoon?! Alam ko naman na galit si Shanella sa iyo because of me pero sana nag-isip ka rin! Ano na ang mangyayari ngayon iung sakaling makalabas ang issue na ito? Pagpyestahan na naman tayo ng mga medya. At hindi lang iyon, may presscon tayo mamaya tapos gumawa ng ganitong problema?!" Bakas sa kanyang boses ang galit. Hindi na ako sumagot pa at yumuko nalang. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito.
Maya-maya pa ay lumabas na ang Doktor na gumagamot kay Shanella.
"How is she, Doc?!" nag-alalang tanong ni Shawn.
"She's fine. Hindi naman gaanong malala ang sugat niya. Tinahi na namain ito at okay naman siya," nakangiting sabi ng Doktor.
Sumabat naman ako sa kanilang usapan. "Mabuti naman kung ganoon, pwedi ba namin siyang makita?" tanong ko naman.
"Yeah, sure!" sabi naman ni Doc.
Kaagad kaming pumasok kung nasaan si Shanella. Nang makita niya ako ay biglang sumama ang tingin niya sa akin.
"Anoa ng ginagawa mo dito? Pagkatapos mo aking saktan may mukha kapang ihaharap sa akin?! Get out!" Sabay turo niya sa pintuan. Napaiyak naman ako at dahan-dahan na lumapit sakanya. Hindi ko lubis akalain na msasaktan ko ang aking kaibigan ng ganito. Kahit na ilang beses pa akong manumpa sa aking sarili na hindi na ako makikipagbati sa kanya at hindi ko magawa.
"Shanella, sorry hindi ko-"
"Hindi mo sinasadya? Of course, intention mo na saktan talaga ako. Wala naman aking ginagawa sa iyo pero tingnan mo itong ginawa mo sa akin. Umalis ka ditong babae ka! Alis!" sigaw pa niya sa akin.
Napatingin naman ako kay Shawn na tahimik lang at nakatingin sa akin.
Hindi ko masisisi si Shanella kung bakit nagalit siya sa akin. Mali naman talaga ang ginawa ko. Dapat hindi ko siya pinatulan. Lumabas na ako para hundi siya magalit. Sa labas ko nalang hinintay si Shawn, medyo matagal tagal din siya sa loob.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko siyang papalapit na sa kinaroroonan ko. "Let's go! We need to hurry. Baka nandoon na ang mga media sa opisina at naghihintay sa atin," ani ni Shawn.
Sumunod naman ako sa kanyang likuran. Halos mabingi ako sa katahimikan habang nagbabyahi kami. Bakit ba nagalit sa akin ng ganito si Shawn? Hindi ba dapat ako ang kinakampihan niya?
Nang makarating kami sa opisina ay naroon na ang mga media na naghihintay sa amin. Ngumiti kaagad si Shawn na tila walang nangyari.
Sumusunod lang ako kay Shawn.
Inabot ko sa kanya ang sabon na ipapakita niya sa telebisyon at naupo siya sa isnag bakanteng upuan kaharap ang mga reporters.
"Magandang araw, Mr. Shawn, so nandito kami dahil ang sabi ay may bago kang product na iallabas and we heard na beauty product ito. Maari ba naming makita at malaman kung ano iyon?!" tanong ng reporter.
"Well, bago ang lahat magandang umaga po sa inyo lalo na sa mga nanunuod sa atin. I'm Shawn, the new CEO of Arzilla Group. Here's the product na tiyak kong tatangkilikin ninyong lahat. Ilang dekada na ang nakalipas ng mawala nag sabon na ito dahil nga namatay na ang mga magagaling na gumawa nito." Ipinakita ni Sir Shawn ang sabon at namangha sila sa kanilang nakita. "See? Alam ko na gusto niyo aking tanungin kung totoo ito and the answer is yes. This soap is the most effective compare to other soup. Pampaputi ito ng katawan at mabango. From now on, magsisimula na ako sa pagbenta nito at maaari niyo aking e message kung gusto niyong bumili," masayang sabi ni Sir Shawn.
Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya.
Halatang masaya siya ngayon sa soap na bagong product namin.
"Mr. Shawn, pwedi po ba naming malaman kung sino ang gumawa ng soap na 'yan? Maraming nagmemessage sa amin at interested na malaman kung sino ang nag imbento ng bagong products ninyo. Kamag-anak daw ba ng mag-asawang namatay sa aksidente?" ani ng isang reporter.
Bigkang tumulo ang luha ko. Alam ko na kung sino ang tinutukoy nila, ang aking mga magulang. Gusto ko sannag sabihin sa kanila na hindi namatay sa aksidente ang nga magulang ko kundi pinatay sila ng kanilang boss noon.
"Gusto ko man sabihin kung sino ang gumawa ng soap na ito ay hindi pa sa ngayon. Darating din ang panahon at makilala niyo siya!" sagot naman ni Shawn.
Napakunot ang aking noo. Bakit hindi niya ako pinakilala sa mga tao? Bakit hindi niya sinabi na ako ang may gawa ng sabon na iyon?
"And ang tungkol sa mag-asawang namatay sa aksidente katulad ng sinasabi niyo, ayaw ko na sanang marinig iyon. New generation na tayo at ilang dekada na ang nakalipas. Kalimutan na natin ang dapat na kalimutan. Sana tangkilikin niyo ang bago naming produkto dahil pinapangako ko na hindi masasayang ang pera ninyo. This soap is so effective and even me ay gunagamit ako nito." Ngumiti siya sa harap ng camera. Hindi na rin nagtanong pa ang mga reporters sa kanya. Ang akala ko ay ipakilala niya rin ako bikang bagong partner nila sa negosyo. Napatingin sa akin si Shawn at ngumiti, pinilit ko na gantihan din siya ng matamis na ngiti.
Nagpapicture pa sa kanya ang mga reporters habang hawak ang sabon na gawa ko.
Inamoy pa nila uto at sobrang namangha sila sa bango. Nakaka proud dahil sa amoy palang ay gusto na nila, ngunit na dissapppint ako dahil hindi nila alam na ang babaeng nakatayo sa tagiliran na parang tuta ay siyang gumawa ng sabon na iyon.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Lust
RomanceWARNING‼️ READ AT YOUR OWN RISK! ANG ISTORYANG ITO AY MAY MGA KATAGANG SOBRANG SENSITIBO.