CHAPTER 24

197 3 0
                                    

"Everyone, let's enjoy this night. Muling nakabangon ang ating komoanya at naging number 1 na naman ulit tayo. Tumataas ang ating sales at maraming mga tao ang nag-uunahan para lang makabili ng products natin. Godd job sa ating lahat, to all hardworking employees and to me!" Sabay taas ni Shawn sa basong hawak niya na may laman na wine. Nagsipalakpakan naman ang mga kaworkmate sabay taas din ng kani-kanilang mga baso. Napangiti naman ako dahil naging successful ang ptoducts na ako mismo amg gumawa. Nagheld kami ng party dito sa loob ng opisina para i celebrate ang napaka gandang balita. Nakakatuwa at nakakaproud dahil biglang tumaas ang sales namin. Ngayon, tinitingala na naman kami ng mga tao at tiyak na nag-iisip na naman ang mga kalaban ng Kompanyang ito kung paano nila kami mapapatumba.
Nandito lang ako sa isang sulok habang nakaupo ng mag-isa. Si Shanella naman inom na inom talaga siya. Si Shawn  nakikipag-usap sa mga head at ako tanging juice lang ang laman ng baso ko.
Maraming investors ang invited ngayong gabi kaya napaka proffesional kung gumalaw ang mga tao.
Bigla aking tinawag ng kalikasan kaya kaagad ako nagpunta ng banyo. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa akin  kung dati ayaw ko na may makaalam na anak ako ng mga taong magagaling gumawa ng sabon ngunit ngayon gusto kong ipakilala na ako ni Shawn. Gusto ko na malaman nila na ako mismo ang gumawa ng sabon na iyon. Pero bakit parang tinatago niya? Bakit parang ayaw niyang ipaalam? Paano kung mas lalong sisikat ang Kompanya nina Shawn at gawin din nila sa akin ang ginawa sa mga magulang ko?!
Napahawak ako sa aking sentido. "Ano ba naman 'yang iniisip mo Erin? Ang sama ng tingin mo kay Shawn ha! Mahal ka niya at hindi ka niya tatraidorin!" sabi ko naman sa aking sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay kaagad na aking lumabas ng banyo. Hinanap ng mga mata ko si Shawn pero hindo ko siya nakita. Nasaan na kaya siya?
"Ahmmm...excuse me, napansin mo ba si Sir Shawn?" tanong ko sa akung ka workmate na si Angelo.
"Ay, hindi ko napansin Erin e. Baka pumasok sa office niya," sagot naman nito.
Ngumiti lang ako kay Angelo. "Sige, salamat!" wika ko sabay lakad paalis.
Hinanap ko siya sa buong paligid pero wala aking Shawn na nakita. Naisipan ko na puntahan siya sa kanyang opisina dahil baka nga naroon siya. Dali-dlai aking lumakaf papunta sa kanyang office.
Nang makalapit na ako sa pintuan ay bigla aking knabahan. Nagdadalawang-isip ako kung babasok pa ako roon. May narinig aking tunog sa loob kaya kaagad kong hinawakan ang doorknob. Ngunit nang buksan ko na ito ay nakalock pala.
Kumatok ako ng dalawang beses. "Shawn, nandiyan kaba sa loob?" Biglang nawala ang ingay na narinig ko.
Kinatok ko pa ito ulit. "Shawn! Nandiyan kaba? Pwedi ba tayong mag-usap sandali?!" sabi ko pa.
Wala pa ring sumasagot sa akin kaya nilakasan ko na ang pagkatok ko.
"Shawn!" tawag ko ulit sa pangalan niya.
"Erin, wait. May inaayos lang ako sandali lang. Lalabas na ako," aniya.
"Sige," tipid ko lang na sagot. Naghintay ako ng mga ilang minuto sa labas.
Nang buksan niya ang pinto ay ang nakangiting Shawn ang bumungad sa akin.
"Yes, dear?" malanding sabi nito.
"Ano ba ang ginagawa mo sa loob?" Niyakap ko siya ng mahigpit. "By the way congrats nga pala sa mga achievements ng Kompanya mo. Proud girlfriend here!" sabi ko pa.
Ngumiti lang ito. "You know what, kung hindi dahil sa iyo hindi ko ito nakamtan ngayon. Thanks to you Dear," sabi naman nito habang hinahaplos ang likuran ko.
Nakatayo kami sa may pintuan habang nagyayakapan kaya niyaya ko siya na doon kami mag-usap sa loob ng office niya.
Medyo nag-aalinlangan pa siya na papasukin ako pero sa huli wala din naman siyang nagawa.
Umupo ako sa kanyang upuan. Napansin ko na panay lunok si Shawn ng laway noya at pinagpapawisan ito.
"Bakit may problema ba? You look nervous," nakakunot-noo kong sabi.
Bigla naman siyang napatawa sabay pahid sa kanyang mga pawis. "Ang hot mo kasi kaya pinagpapawisan ako," sabi nito sabay kindat. Kinilig naman ako sa sinabi niya. Napansin ko ang damit nito na nalukot, tila hinubad niya ito at isinuot ulit.
Inikot ko ang aking mga mata sa loob ng opisina ni Shawn, bigla naman siyang umupo sa tabi ko at hinalikan ako sa leeg.
"Pasensiya na masama kasi ang pakiramdam ko ngayon. Pwedi bang bukas nalang tayo mag-usap?" pabulong nito na sabi.
Hinawakan ko naman ang ulo niya at isinandal sa dibdib ko.
"Pwedi naman baka kailangan mong magpahinga. Ikaw naman kasi napaka workaholic mo, huwag mo kasing pinapagod masyado ang sarili mo!" sabi ko.
Napansin ko ang kwelyo ni Shawn, may pulang bagay na nakadikit doon. Pasimple ko iyong hinawakan at dumikit sa aking daliri.
"Lipstick ito ah!" sabi ko sa aking isip.
Inamoy lo ang kanyang leeg. Alam na alam ko ang scent ng damit niya. Hindi na ito katulad nga dati, alam ko na may ibang pabango na nakadikit sa kanyang damit.
"Hindi kaya may babae si Shawn dito?" sa isip ko.
Napabuntong hininga ako. Tumayo ako sa upuan at inikot ang buong opisina niya. Bawat sulok ay chineck ko pero wala namang tao.
"Why? Is there something wrong?" nakangiti pa nitong tanong.
Ginantihan ko rin siya ng ngiti. "Maybe, i don,'t know, i mean hindi ako sigurado. Sasabihin ko nalang sa iyo kapag sure na ako sa bagay na nasa utak ko ngayon." Biglang nanikip ang dibdib ko na tila ba ay pinipiga ito. May kirot aking nararamdaman kapag iniisip ko na may ibang babaeng humalik kay Shawn ngayong gabi. Kahit itanggi pa niya alam na alam ko iyon.
"Dear, ano ba ang iniisip mo? Tell me! Tungkol ba sa akin? O sa Kompanya?" sunod-sunod nitong tanong.
"Shawn, mahal mo ba talaga ako?" Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata ng seryoso.
Lumapit naman siya sa akin ay hinawakan ako sa may beywang. Idinikit niya ang kanyang katawan sa katawan ko.
"Erin, oo mahal na mahal kita. Noong una palang gusto na kita. Hindi ha sinabi ko na iyon sa iyo?" aniya.
Bigla ko siyang nginitian. "Umaasa ako na hindi mo ako lolokohin Shawn, ngayon kang ako umibig ng ganito. Kaya kapag niloloko mo ako, ngayon palang sabihin mo na sa akin para hindi na ako umasa ng sobra," sabi ko.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon