KABANATA 42

737 17 1
                                    

I am deeply in love with him.

Wala akong pakialam kung may sakit siya at kung gaano pa ito kalala. Wala akong pakialam kung hanggang kailan ko nalang siya makakasama.

What matters to me is that I am doing something that my heart says the right thing to do.

Dahil mas masakit kung basta susuko nalang ako.

And the only future I am dreaming right now is with him.

"Ang lamig ng kamay mo," he said holding my hand. Magkatabi kami sa iisang upuan.

Kasalukuyan kaming nasa living room. We are waiting for mom and dad. Nasa school si Akiko kaya sobrang tahimik ng bahay.

"Kinakabahan ako," pag-amin ko.

Tumawa siya.

"Bakit ka tumatawa?"

Umakbay siya sa akin. "Masaya lang ako kasi kasama kita, because when I am with with you, there's no place I'd rather be."

"Ako din," I smiled sweetly at him.

"Wag kang mag-alala, nagbaon ako ng lakas ng loob," natatawang sabi niya. Humarap siya sa akin at humawak sa magkabilang balikat ko, "Magkasama nating haharapin ang mama at papa mo, okay? Gagawin ko ang lahat."

Humawak ako sa kamay niya, mas mahigpit, "No. Gagawin NATIN ang lahat."

Sabay kaming tumayo nang makita namin si Dad na pababa ng hagdan. Nakangiti siya habang naglalakad. But, where's mom?

"Good morning dad," bati ko sa kanya at niyakap siya.

"Good morning Sir," Sayoko also greeted him and laid his hand on him. Malugod naman iyong tinanggap ni Dad.

"Have a seat. Kumusta ka na? How's your dad and your mom?" pangangamusta ni Dad kay Sayoko.

"Okay lang naman po. Regarding mom and dad, they're doing good Sir," he professionally answered.

Hindi ako makasingit sa usapan nila. I want to know where's mom.

"Mabuti naman kung ganon. Anyway, what brought you here young man? I am surprised to see that you're with my daughter. Is there something I need to know?"

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Sir, I want to formally ask for your permission, I want to marry your daughter."

Alam kong nilalabanan niya ang kaba, at hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin sa lakas ng loob na pinapakita niya.

"Dad, where's mom?" sa wakas nakasingit ako.

"Nasa kwarto, kanina pa nagdradrama. Mas mabuting puntahan mo na, gusto kong kausapin ng sarilinan ang lalaking nangngaahas angkinin ang anak ko."

"Dad naman."

"What?" natatawa niyang tanong. "Dali na, bago pa mabasag lahat ng gamit sa kwarto. Alam mo naman yung nanay mo."

"I love you," bulong ko kay Sayoko bago umalis.

"I love you more anak," Dad answered.

I left them two and went upstairs. I knocked on mom and dad's room and opened the door.

Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Alam kong gising siya.

"Anong ginagawa mo dito? At kasama mo pa ang lalaking yon," mom said in a calm voice.

"Mom."

"Bago ka umalis I warned you. Pinayagan kita dahil mapilit ka. You said you're going there for work; no more, no less. At ngayon nandito ka kasama siya, gustong gusto mo bang sinasaktan ang sarili mo?" Hindi pa rin niya ako nililingon.

I know she was afraid. Na baka masaktan ulit ako. Alam kong nasasaktan siya tuwing nakikita niya akong nasasaktan.

"Mmy, ikakasal na po kami ni Sayoko. We came here to ask for your permission and dad's permission," nagsimula nang tumulo ang luha ko. "Mmy, I want you to be there on the day of my wedding. Please?" I hugged her even tighter.

"Umalis ka na. And do not expect me to be there."

"Mommy."

"Aki, umalis ka na."

Wala akong nagawa kundi lumabas na. Nagkasalubong kami ni Dad habang pababa ako ng hagdan.

"Dad." Nagpupunas ako ng luha gamit ang aking mga palad.

"Bakit ka umiiyak? Pinalo ka ba ng mommy mo?" biro niya. Pero hindi ko magawang tumawa. Tinapik niya ako sa balikat at niyakap ako.

"Tama na ang iyak, ikakasal ka na, iyakin ka pa rin. Paano kita maipapaubaya kay Sayoko niyan?"

"You mean..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Naghahalo sa akin ang tuwa at lungkot.

"Yes, pumapayag na ako. Basta tumahan ka na, ako na ang bahalang kausapin ang mama mo. You know how much she loves you and I believe eventually she will understand. If not, I will do everything to bring her on your wedding day, kahit pa kaladkarin ko siya mula Amerika hanggang Pilipinas," he assured.

"Dad..."

"Just kidding anak. Aki, I am very proud of you, you're so brave. Sayoko confessed to me his condition. But you know, there are only two things that might happen; you could get your heart broken again or you could have the greatest love story in this world. But you will never know unless you try."

"Thanks Dad."

"Sige na, puntahan mo na siya. Hinihintay ka na niya."

Bababa na sana ako nang tinawag ulit ako ni Dad, "Aki, just be happy."

"Yes dad." I smiled at him.

Tumakbo ako papalapit kay Sayoko at niyakap siya.

"Thank you," he said.

"Thank you for what?"

"For staying."

"Simula ngayon tayong dalawa na ang lalaban. Kapag pagod ka na, sabihin mo lang. Ako na ang lalaban para sayo. Hinding hindi na ako aalis sa tabi mo."

Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko, "Tama na. Ayaw na ayaw kong umiiyak ka."

At niyakap niya akong muli.

We don't know how strong we are until being strong is the only choice we have.

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon