Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Shanella. Hindi ko na rin siya kinulit dahil baka mag-away na naman kami ulit. Nandito ako ngayon sa bahay nina Sir Ricardo dahil inimbitahan nila ako na magdinner diyo sa bahay nila. Alam na din ni Sir na magkasintahan na kami ni Shawn. Sa totoo lang nang malaman niya na sinagot ko na ito ay labis siyang natuwa dahil daw sa wakas ay nagkaroon ng mabait at magandang kasintahan.
Habang nakaupo ako sa harap ng lamesa at hinihintay sila ay naisipan kong umikot sa buong bahay. Maganda, malawak at mga marble ang nakapalibot sa bahay na ito. Sobrang yaman talaga ng angkan ni Sir Ricardo. Sa pagkakaalam ko rin ang bahay na ito ay minana pa ni Sir Ricardo sa kanyang mga magulang. Napansin ko ang mga magazine sa ibaba ng isang maliit na table. Tumingin tingin muna ako sa paligid, nang makita ko na walang tao ay kaagad kong kinuha at nagbasa. Mahilig akong magbasa ng mga magazines. Halata naman sa magazines na old stock na ito. Kadalasan na makikita kong news na nakasulat sa magazine noong 2018 pa. Pagkatapos kong pakialaman iyon ay dali-dali ko ring binalik kong saan ko nakuha. May isang maliit na album ang naroon. Since, wala pa namang tao at maboboring akong maghintay sa mag-ama, pinakialaman ko na naman ang almbum na iyon. Mga litrato iyon si Sir Ricardo simula noong bata pa siya. Kahawaig niya talaga si Shawn, pogi rin at matikas ang katawan.
"Hayts, bakit kaba nangingialam ng bagay na hindi naman sa iyo Erin," sabi ko sa aking sarili. Itiniklop ko na ang album na iyon ngunit isang bagay ang nakaagaw sa aking pansin. Isang litrato kung saan kasama ang mga magulang ko. Tinitigan ko iyon ng husto, hindi nga ako nagkakamali. Si Mama at si Papa nga iyon tapos pinapagitnaan nila si Sir Ricardo. Naka shake hands pa si Sir kay Papa.
Inilapit ko pa sa aking mga mata ang litratong iyon at nakita ko na may nakasulat sa kanilang likuran. "Ricardo's Soup Boutique"
Ano ang ibig sabihin nito? Kilala ba ni Sir Ricardo ang mga magulang ko? Paano sila nagkaroon ng litrato? May narinig akong mga yapak na pababa sa hagdan kaya kaagad kong ibinalik ang litratong iyon sa kung saan ko kinuha. Dali-dali akong bumalik sa upuan na nasa harap ng lamesa.
Ang gulo ng aking isipan, nais ko nang mga kasagutan na manggagalubg mismo kay Sir Ricardo.
"Erin, pasensiya kana at pinaghintay ka namin ng matagal. May pinag-usapan lang kami ni Shawn na importanteng bagay," nakangiting sabi ni Sir Ricardo sa akin.
Ngumiti din ako sa kanya. "Okay lang po," tipid ko lang na sagot.
Tinitigan ko si Ricardo, sana nga mali ang iniisip ko. Impossibleng si Sir Ricardo ang nagmamay-ari ng Kompanyang pinagtatrabuhan ng mga magulang ko noon? Amg balita ko umalis na ang mga taong iyon dito sa Pilipinas simula nang mamatay ang mga magulang ko.
"Hey, is there aomething wrong? Kanina kapa tinataning ni Daddy pero ang lalim ng iniisip mo," ani ni Shawn sa akin sabay hawak sa kamay.
"H-hah?! Ahmmm...may iniisip lang kasi ako. Ano po iyon?" tanong ko sabay baling ng tingin kay Sir Ricardo.
Napatawa naman ito. "Ang sabi ko paano mo natutunan ang paggawa ng sabon? Isa kang magaling Erin, akalain mo na mahila mo pataas ang Kompanya ko?!" sabi niya sabay tawa.
Tiningnan ko naman siya ng husto. "Itinuro 'yun ng mga magulang ko sa akin. Kaso nga lang wala na sila," malungkoy kong sabi pero nakatitig pa rin ako sa kanya.
"Kaya nga e, pero hindi porke't wala na sila ay hindi mo ipagpatuloy ang talento mo. Sa kanila nagsimula iyan kaya dapat ipakita mo sa kanila na magaling ang kaisa-isa nilang anak," aniya.
Alam na ni Sir Ricardo na wala akong mga magulang noon paman. Kaya kahiy boss ko siya ay itinuring niya ako na parang kanyang anak, sobrang bait niya sa akin.
"Kaya nga po, tama po kayo. Alam mo Sir kung ano nakakalingkot? Dahil hanggang ngayon ay wala pa aking ideya kung sino ang pumatay sa kanila. Bago sila namatay nagbilin pa sila sa akin na kilalanin ko ang mga taong nakapaligid sa akin. Dahil baka daw matraidor din ako kagaya nila. Baka raw magamit rin ako kagaya nila. Alam niyo po kung sa akin nangyayari iyon, hindi ako papayag na gagamitin lang nila ako!" Ngumiti ako kay Sir Ricardo. "Hindi ako papayag na ibang tao ang makikinabang sa mga pinaghirapan ko. Hindi ako papayag na uutuin lang ako ng iba. Kung ano ang ginawa nila sa akin, ibabalik ko sa kanila," dagdag ko pa.
Napainom si Sir Ricardo ng tubig.
"Erin, what are you doing? Sinasaksak mo na ang pagkain na nasa harapan mo!" ani ni Shawn.
Tsaka ko lang narealize na hawak ko pala ang bread knife at sinasaksak ang liempo na nasa harap ko.
"Ay, sorry po. Hindi ko sinasadya, nadala lang po ako sa kwento ko, pasensiya na po!" sabi ko naman.
"You know what, let's not talk about your parents. Alam ko kahit hindi ko sila kilala ay proud ako sa kanila dahil pinalaki ka nila ng maayos. By the way, that's why i invite you here dahil gusto ko sanang pakiusapan ka," ani ni Sir.
Sa sinabi palang nitong hindi niya kilala ang mga magulang ko ay alam ko na nagsisinungaling siya. Naka shake hands niya ang Papa ko paanong hindi niya nakilala?
"Si Jason po ang pangalan ng Papa ko Sir Ricardo, Jason De Magiba!" Diniinan ko pa ang pagkasabi. Napatingin naman siya sa akin na nakakunot ang noo. "Pero tama po kayo, huwag na natin silang pag-usapan. Ano po ba ang ipapakiusap niyo po sa akin?" Tumingin ako kay Shawn at ngumiti.
Napaka seryoso ng itsura ni Shawn, umiiwas siya sa akin ng tingin.
"Well,huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko. Pero mahihirapan ka kung ikaw lang ang gagawa ng sabon. Hindi ba maaring turuan mo ang iyong kaibigan na si Shanella para may katuwang ka? And she's your friend kaya mapapagkatiwalaan mo siya!" aniya.
Umiling lang ako sa kanya. "I don't trust nobody Sir Ricardo. I respect you at palagi kong sinusunod ang utos niyo sa opisina and i'm really sorry kung hindi mo ako madadala sa pakiusap ngayon. Hindi ko hahayaan na gagamitin ng iba sa akin ang bagay na ako mismo ang naghirap. Kagaya ng ginawa nang mga taong pinagkatiwalaan ng mga magulang ko!" Ngumiti ako sa kanya at kumuha ng isang pirasong pork chop sabay subo.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Lust
RomantizmWARNING‼️ READ AT YOUR OWN RISK! ANG ISTORYANG ITO AY MAY MGA KATAGANG SOBRANG SENSITIBO.