CHAPTER 28

171 4 0
                                    

Hindi ako maaring magkamali, tama nga ang hinala ko. Nagkikita si Shawn at si Shanella. Pero bakit sila nagkikita? Anong meron sa kanilang dalawa? Impossible naman na may relasyon sila dahil sabay lang namin nakilala ni Shanella si Shawn. Kaikangan matuklasan ko kung ano ang namamagitan sa kanilamg dalawa. Bago ako umuwi galing sa rest house ni Shawn at palihim kong ipinasok ang dress na iyon sa loob ng aking bag. Nawalan na rin ako ng gana na makipag-usap sa kanya. Kanina pa siya tumatawag sa numero ko pero hindi ko ito sinasagot.
Naalala ko si Malerick, ilang beses na niya akong pinayuhan tungkol kay Shawn. Mabuti naman at tinitigilan na ni Shawn ang kakatawag sa akin kaya kaagad kong kinontak si Malerick para kausapin siya.
"Erin, bakit napatawag ka?!" gulat na tanong niya sa akin.
"Hello, kamusta kana Malerick? Pwedi ba tayong magkita?!" tanong ko sa kanya.
"H-huh?! Bakit?" nagtatakang tanong nito.
"Basta, may itatanong lang ako sa iyo." Sinabi ko sa kanya kung saan kaming dalawa magkikita. Naisipan kong magkita kami sa restaurant para kumain na rin. Bigla kasing kumulo ang tiyan ko sa sobrang gutom.
Mabuti naman at pumayag siya kaya kaagad aking nagbihis at umalis sa condo ko.
Pasakay na sana ako sa elevator nang makita ko si Shanella na paparating sa kinaroroonan mo. Medyo marami kaming magkasabay kaya tinakpan ko ang aking mukha at nagtago para hindi niya ako makita. Naka heels siya at sexy ang kanyang danit. Dagdag pa ang makapal nitong make up. Kung titingnan ko siya ngayon ay halatang may date siya. Sino naman ang kikitain niya?
Nang makasakay na siya ay kaagad akong nakisakay sa kabilang elevator para sundan siya.
Pasimple lang akong sumunod sa kanyang likuran para hindi niya ako mahalata. Nakita king pumara siya ng taxi kaya sinundan ko rin siya.
Pumara din ako at kinausap ko ang driver.
"Kuya, nakita mo ba ang taxing umalis bago lang? Sundan natin siya!" sabi ko.
"Ah sige Miss." Binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan at mabilis na pinaharurot para masundan ang taxing sinasakyan ni Shanella.
"Huwag po kayong magpahalata na sunusundan natin siya Kuya, baka kasi makita niya tayo!" sabi ko kay Manong Driver.
"Masusunod po Miss, pero matanong ko lang. Kaano-ano mo ba ang sinusundan natin? Asawa mo? O boyfriend mo?!" tanong naman nito.
"Ahmmm...kaibigan ko lang po," sagot ko naman.
"Ah, alam ko na iyan Miss. Naiisip mo na baka kabit ng asawa mo ang kaibigan mo ano?!" Tumawa siya ng napaka lakas. "Alam mo, napanood ko lamg iyan sa mga teleserye kadalasan ng mga kabit ng asawa o boufriend ng mga bida ay ang kanilang mga kaibigan," sabi pa nito.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at nag focus nalang sa pagsunod ng aking mga mata kay Shanella.
Napakunot ako ng noo. Ang daan na ito ay papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Malerick.
Napabuntong hininga ako. Sino kaya ang kikitain niya dito?
Nang makarating kami sa Restaurant ay pinauna ko muna siyang bumaba tsaka bumaba na rin ako.
"Salamat Kuya ha, ito po ang bayad ko," sabi ko sabay abot sa kanya ng pera. Nang makuha niya ang bayad ko ay kaagad na rin siyang umalis.
Kaagad kong sinundan si Shanella.
Biglang lumakas ang kaba ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila may mga dagang nag uunahan. Nanginginig ang aking mga tuhod.
Naghugot ako ng lakas ng loob at dahan-dahan na sumunod kay Shanella. Nakita ko siyang nakaupo sa may upuan at may kaharap na lalaki. Sa tikas ng katawan ng lalaki at sa pananamit nito ay alam ko na kung sino siya. Bakit nagkita silang dalawa?
Napaatras ako at sa hindi ko inaasahan ay nabangga ko ang isang waiter. Nabagsak ang dala-dala nitong pagkain at baso.
"Sorry po Kuya, hindi ko po sinasadya!" paghingi ko mg pasensiya sa kanya sabay hawak sa kanyang braso.
"Naku Miss, lagot ako sa Manager namin bayaran mo 'to!" sabi pa nito.
Nakita kong nagsitayuan ang mga tao na kumakain sa loob ng restaurant. Napatingin ako sa kinaroroonan nina Shanella at Shawn. Nakangiti si Shanella at busy sila sa pagkukwentuhan.
Kailangan na maayos ko ito dahil baka malaman ni Shanella na nandito din ako ngayon. Kailangan ko oang matuklasan kong ano ang nammaagitan sa kanilang dalawa ng boyfriend ko.
"Ano na Miss? Babayaran mo ba ito o hindi? Irereport kita sa pulis kapag hindi. Naghahanap buhay lang din po ako Ma'am, hindi maaring mabawasan ang sahod ko dahil sa katangahan niyo!" galit na singhal ng lalaking waiter sa akin.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila.
"I'm going to pay for this! Hindi mo kailangang sigawan ang girlfriend ko!" Isang malakas at malamig na boses ang aking narinig mula sa aking likuran. Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Malerick na nakatayo habang may hawak na jacket. Tinaklap niya ito sa ulo ko.
"M-ma-le-rick!" nauutal na sambit ko sa pangalan niya.
Inakbayan niya ako at mahigpit na hinawakan sa balikat. "Stay calm, nakatingin dito sina Shawn at Shanella," pabulong na sabi nito.
Tumango naman ako sa kanya at sumunod sa may counter para magbayad sa mga nasira kong gakit dito sa restaurant.
Pagkatapos naming bayaran ay niyaya na niya akong umalis. Nagmatigas naman ako, gusto kong malaman ang koneksyon ni Shanella kay Shawn.
"Halika na Erin, baka magkakagulo kayo rito kapag makita ka ni Shanella!" ani ni Malerick.
"Hindi pwedi! Kailangan kong malaman kung bakit sila nagkikita ng hindi ko alam. Boyfriend ko si Shawn, kaya may karapatan akong magkakaganito!" galit na sabi ko naman.
"Masasaktan kalang kapag malaman mo!" Tumalikod sa akin si Malerick at napahilot sa kanyang sentido.
Biglang kumunot ang aking noo. "Bakit mo naman nasabi na masasaktan ako? Umamin ka nga sa akin Malerick, may alam kaba tungkol sa kanila?!" taas kilay kong tanong.
Tinitigan lang niya ako. "Umuwi na tayo. Doon nalang tayo mag-usap sa condo mo!" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila pero pumiglas naman ako kaagad.
"Ano ba?! Hindi ka makatingin sa akin ng deritso Malerick, alam ko na may tinatago ka sa akin! Ano ba ang alam mo na hindi mo sinasabi sa akin?!" sigaw ko. Lumakad ako paalis para sana puntahan sina Shawn at Shanella pero hinila na naman niya ako.
"Gusto mo talagang malaman ang totoo?!" ani nito.
"Oo! Gusto kong malaman ang totoo!" sigaw ko.
"Fiancee ni Shawn si Shanella at mahigit dalawang taon na sikang magkarelsyon!" sigaw naman niya sa akin.
Hindi ako nakasagot at bumagsak na ang aking mga tuhod sa lupa. Ang aking mga luha at nangingilid sa aking mga mata. Kung may relasyon sila, ano ang intensiyon ni Shawn sa akin? Bakit nilihim ito ni Shanella?

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon