010☆

129 10 35
                                    

010

IRINA IN HIDING

▬▬▬▬▬



"ATE VICE, ATE VICE! Ayon po si Kuya Pres oh!" turo ni Theo sa kanina pa naming hinahanap na si Icarus. Nagwawalis na naman sa paborito niyang lugar do'n sa may mga upuan na walang kadumi-dumi.

Ang kulit-kulit talaga! Sinabi na namin sa kaniya no'n na 'wag na siyang sumamang maglinis dahil hinihika siya kapag nakakalanghap ng alibok. Nakatakip naman 'yong ilong niya ng panyo pero kahit— teka, teka, 'yon ba 'yong panyong binigay ko sa kaniya? Black and white tapos may puso sa baba.

"Shh, 'wag kang maingay, bebi boy. Gugulatin natin siya."

"Ate, Theo po."

Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa likod ni Icarus. Humarap ako kay Theo 'tsaka nag-one two three no'ng nakarating kami.

"Bah!"

"Bulaga!"

"Shit!" Sa gulat niya, nahulog niya pa 'yong hawak niyang walis tingting. Nanglalaki pa 'yong mata niya no'ng humarap sa amin.

Ngumiti ako 'tsaka nag-peace. "Masyado ka naman palang magugulatin, President."

"Dapat naglilinis kayo, bakit nandito kayo?"

"Tapos na po kami, Kuya Pres! Ang sisipag po kasi no'ng mga kasama naming members na maglinis."

"Ikaw, President, bakit naglilinis ka na naman ng alikabok?" tanong ko. "Nakakaloka ka, sabi na namin sa 'yo 'wag ka ng maglinis. Kapag hinimatay ka na naman lagot kami kina Ma'am!"

"Hindi naman ako nakasumpong."

"Kahit na po! Sabi po nina Ma'am in-asthma po kayo dahil sa alikabok."

Tinaas niya 'yong panyong rinegalo ko na gamit niya. "I have—"

"Yiee, ginagamit niya 'yong regalo ko!"

August ko pa binigay 'yon at ngayong October ko pa lang nakitang ginamit niya. Kala ko nga tinapon niya na no'n.

"Regalo niyo po 'yan, ate?" nakangising asong tanong ni Theo sa akin.

"Oo naman! Regalo ko no'ng birthday niya. Ang ganda 'di ba? May pangalan ko pa 'yan!"

Sinilip ni Theo 'yong panyo. "Ay oo nga! Icarus, fr. Riri ♥. Ayieee! Ate Vice, may puso, crush niyo—"

"Maglinis na kayo," putol ni President.

"At tinalikuran na naman tayo. Sa tingin mo, bebi boy, anong nililinis niya dito?"

"Ate, Theo po, hindi po ako baby."

"Tsk. Ang cute kaya! 'Tsaka mukha ka namang baby. Ikaw ang bebi boy ng club natin."

Nginiwian lang ako ng bata. Luh, kaloka, ako na ngang nagsabing mukha siyang baby ayaw niya pa?

"Ayaw mo? Gusto mukha kang matanda?"

"Pwede rin po, kapag matanda na po ako gusto ko pong makapag-publish ng libro ko!" masiglang sabi niya. Kumikinang kinang pa 'yong mata.

Linapitan namin ulit si Icarus. Kinuha ko 'yong walis sa kaniya 'tsaka siya tinulak paupo sa mga upuan. "Irina!"

"Hindi ka ba talaga napapagod? Kanina pa kaya kita nakikitang nakatayo dito nagwawalis ng wala."

"Kapag umupo ako hindi—"

All The Magic We MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon