Yam's POV
Nagising ako ng mga 8 am at si vina natutulog parin.
Anong oras na kaya to umuwi? Inaantay ko siya kagabi pero di naman sumating. Hay nako.
Nag ayos muna ako at bumaba sa canteen. Para kunin yung pagkain namin ni vina.
"Ah ate yung Russett and McAllister po." Sabi ko.
"Ah sige ija, sandali ah." Sabi niya.
Habang inaantay ko yung pagkain. May umorder na babae.
"Ate johnson po" sabi niya. Tas tumabi sa pwesto ko.
Lumayo ako ng konti. Arte ko noh?
"Yam right?" Sabi niya.
"Ah oo. Ikaw si?" Tas humarap ako sakanya.
"Ah Via. Pakisabi kay Faye na kita kami sa garden ah." Sabi niya tas sabay namin kinuha yung order namin.
"Faye?" Sinong faye to?
"Your roommate." Kinindatan niya ko at umalis na siya.
"Faye? Si vina?"
Kelan pa naging faye si vina? Ang layo naman ng Vina sa faye diba?
May sapak ata yung Via na yun eh.
Umakyat na uli akobsa room namin ni vina at ang babaita? Tulog pa rin hahaha.
Naghanda na ko ng paper plates para makakain na ko. Maya maya gigisng narin tong babaeng to.
Habang kumakain ako ay nakatutok ako sa laptop at dun sa libro ko. Nagrereview ako. Mahirap bumagsak noh.
Marami pa kong kakabisaduhin noh. Ayokong mag fail.
"Huy. Pagkain ko to?".
"Ah oo. Kumain ka na jan." Sabi ko habang patuloy na nagbabasa.
"Toothbrush lang ako." Tas tumayo na siya.
Vina's POV
tinitignan ko si Yam habang nagbabasa. Haha bagay pala nakasalamin sa kanya eh haha.
"May grado yan?" Tanong ko sakanya.
"Syempre." Pero hindi siya tumitingin.
"reading glass ba yan?" Isa pang tanong ko.
"Oo." Maikling sagot niya. Haha kulitin ko nga.
Kanina pa ko kumukuha sa ulam niya pero wala parin siyang nahahalata. Hahaha.
Napatingin siya sa pagkain niya.
"Ulam ko?" Sabi niya sakin tas tumingin nang masama sakin. Hahaha.
"Ewan ko." Tas sumubo ako ng ulam.
"Ughhhh!! Ano ba yan vina haha!!!" Sigaw. Tumayo siya papunta sakin kaya tumayo din ako.
Lumabas ako nang room namin at ganon din siya.
Habang nagtatakbo kami ay may nabangga akong babae. As in nakapatong ako sakanya.
"Via?"
"Tayo ka na vina. Ayos ka lang? " sabi sakin ni yam at tinayo ako.
"Ayos ka lang ba via?" Tanong ko sakanya.
"Haha ayos lang ako. Sanay na kong makabangga ka"
May point siya hahaha.
"Tara na Vina." Tapos hinila ako ni yam. Kumaway nalang ako kay Via at umalis na kami.
"Sayang di kita napakilala kay Via"
"Wala akong planong makilala siya." Sabi niya.
Ang seryoso naman nito. Anmeron dito? Sabagay. Mataray naman talaga siya eh.
-- --
BINABASA MO ANG
In Love With Her
Romansaabout ito sa babaeng na-in-love sa kapwa babae. kahit sobrang napakababae nilang dalawa. kahit ayaw nang mga magulang nila, lumaban parin sila hanggang sa dulo. hanggang san kaya aabot ang relasyon nila? makamit kaya nila ang hinahangad nilang happy...