Clover's POV
Kanina pa ako naghahanap ng trabaho. Hindi pa kasi ako 18 kaya hindi ako pumasa sa iba.
Dati kasi pa raket-raket lang. pero ngayon kailangan ko na ng trabaho talaga na malaki magpa sahod.
Nang makita ko ang sign na wanted waitress ay pumasok na agad ako. Pagod na ako at kung di pa ako matatanggap dito ay kakain muna ako bago magpatuloy.
"Miss" tawag ko duon sa nakita kong kumukuha ng order.
"Yes ma'am?" Tanong niya.
"Bakante pa ba yung pag we-waitress?" Tanong ko.
"Ah oo. Pumunta ka lang sa pintuan na yon tapos katok ka" sabi niya.
"Ah sige salamat!" Ginawa ko naman ang sinabi niya at may bumungad sakin na magandang diwata.
Napanganga ako. Literal.
"Hi!" Sabi niya. At ang bait. Mukha siyang anghel.
"A-ah hello, mag aapply sana ako bilang waitress."
"Oh, is that so. Come in" aya niya kaya pumasok ako.
Mukhang ito ang opisina niya. Dirty white ang kulay ng pader at ang linis-linis.
"My name is Karille, manager"
"Ako po si Clover"
"How old are you? Please have a seat." Turo niya sa upuan na kaharap ng lamesa niya.
"17 palang po."
"Oh it's okay. Can I see your resume?" Tanong niya. Ibinigay ko naman yon at tinignan niya.
Napatango-tango siya at itinago iyon. "You can start tomorrow. Alam mo naman siguro ang gagawin mo."
"Ha?" Di makapaniwalang tanong ko.
"I said you ca—"
"Hala! Thank you ma'am! Opo alam ko na ang gagawin ko."
Kumakain na ako ngayon. Dito lang ako sa turo-turo kumain dahil mura.
Pagkatapos nito ay maghahanap naman ako ng pang night shift. Kasi 7am-4pm lang ang shift ko. Malaki narin naman ang sahod pero hindi aabot ng 100,000 yun sa limang buwan.
Sarap na sarap ako sa pagkain ko ng may nakita ako. Si Ryder baby ba yon?
Siya nga! Pero may kasama siyang babae. Nalingat lang ako may kinakalantari na sya?!
Wow! Asawa? Asawa?
Sabi ko wag siyang maghahanap ng iba eh. Hala baka kaya siya masungit eh dahil may girlfriend na pala.
Napatakip ako ng bunganga. Ang baho kasi ng hininga ko. Joke!
Kahit di ako mag toothbrush mabango to ano!
Sinasaktan mo ako Ryder baby ko. Huhuhu.
Hindi na ako lumapit dahil baka masampal ako ng kahihiyan. Ako lang naman tong feeling close eh.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko at naghanap na ng trabaho.
Kanina ay may nadaanan akong bar pero babalikan ko nalang yun pag wala na akong mahanap. Nasa huli yun ng listahan ko.
Natatakot kasi ako sa mga ganon lalo na pag may mga lasing.
Ilang oras pa akong naghanap pero wala na talaga. Kaya binalikan ko yung bar na pabukas palang din.
Nang may makita akong galing sa loob ay tinawag ko na agad ito. "May pwede bang pasukan dito na trabaho, kuya?" Tanong ko.
Noong una ay nakakunot pa ang noo niya pero nawala rin ito agad.