Clover's POV
"You will be my maid slash assistant."
Wait what?!
Di man lang tinanong kung gusto ko ba. Ayoko nga! Pero pag sya? Shurrrr whyyy nooot naman diba?
Pero wait nga!
"Wala na akong oras. May trabaho ako at walang free time," Naguguluhang sagot ko.
"Then you need to resign to both of your jobs and be my maid." Pinal na sabi niya.
"Hindi naman pwede y—"
"20,000 per month, missy" dugtong niya.
Napaisip ako. Hindi ganon ang kikitain ko sa dalawa kong trabaho kada buwan at sasakto din yung sahod hanggang sa birthday ko.
"Sino ba nagsabi na ayaw ko? Bukas na bukas mag reresign na ako!"
"Why are you resigning?" Tanong ni Kuya Caleb. Parehas ng tinanong ni Ma'am Karille sakin kanina.
Huhu ang hirap naman na kailangan ko pang sabihin yung rason.
"Nakahanap po kasi ako ng fulltime job Kuya," Sagot ko.
"Okay, I understand but you won't quit on the band naman diba?" Mabilis akong napatango.
"Alam ko naman po ang schedule kaya pwede po akong makapunta kapag tutugtog na."
"Okay, that's good then. You should be careful," Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
Alam na din ni Cha-cha dahil nandoon siya sa restau kanina.
Nang makauwi ako ay kinuha ko na ang mga nakaayos kong gamit. Doon daw kasi ako sa bahay nila maninirahan para tuwing kailangan niya ako ay magagawa ko agad ang utos niya.
"Sure ka ba dyan nak?" Nag-aalalang tanong ni Tita.
"Opo, tsaka siguradong mababayaran po natin yung utang pag naging katulong po ako." Sagot ko.
Nakita ko naman si Nova na umiiyak.
"Nova, napag usapan na natin to." Pag wawarning ko.
"Pero Ate, mamimiss kita huhu," hagulgol niya.
"Ano ka ba! Di naman ako mag-iibang bansa. Tsaka dadalaw naman ako lagi dito." Sabi ko sakanya habang tinatali ang buhok niya.
"Tita ito oh," Inabot ko sakanya ang pera na sinahod ko nung nakaraan. "Wag na po kayong magtrabaho sa palengke. Dito nalang po kayo sa bahay kasama si Nova."
"Ayos lang naman, naku! Ikaw talagang bata ka," Napakamot si Tita sa ulo niya. "May pera naman kami dito," binalik niya saakin ang pera.
"Tita sige na po, para na din po yan sa gamot ni Nova," Ngumiti nalang si Tita at kinurot ako sa baywang bago tanggapin ang pera.
Nang makalabas ako ng bahay ay nakita ko pa ang mga tropa ko na tambay. "Oy Pablo! Raul! Tulungan niyo nga ako sa maleta ko!" Tawag ko sa kanila.
"Saan ang punta natin, Miss Ganda?" Tanong ni Raul.
"Mangangatulong na ako. Baka pag balik ko di na ako maganda," Pagbibiro ko na ikinatawa nila.
"Ikaw pa rin pinaka maganda sa lugar natin!" Sabi naman ni Pablo kaya nahampas ko siya.
"Ang brutal ha?" Natatawang sabi pa nito.
"Oy! Bantayan niyo lagi sila Tita ha? Bubugbugin ko talaga kayo isa-isa pag may nangyaring masama diyan," Pananakot ko na ikinatawa lang nila.