Clover's POV
Ito kami ngayon parehas tahimik. Kahit pag galaw ko feeling ko kailangan tahimik.
Basagin ko kaya yung vase? Ay joke!
Kahit paglalakad ko ay parang hangin lang. Kinakabahan ako. Kahit kasi kanina siya lang ang gumawa ng breakfast niya at di niya ako pinapansin!
Sa katangahan ko kasi kagabi di na ako bumaba para magluto man lang ng makakain niya. Tapos nakita kong umorder pala siya ng pagkain namin.
Nakaka-guilty! T_T
Bilhan ko kaya siya ng gift? Sorry gift ko ay tama ba? Apologize gift? Ano nga tawag dun? Basta ayun 'yon!
Pero wala din naman akong pera.
"I can already see my own reflection on the floor because you've been mopping that side endlessly,"
"Ay asong naulol! Ano ba yan! Nanggugulat kasi!" Nahampas ko siya dahil sa gulat. Mema ako, memasisi.
"Take a shower now and we're leaving in 30 minutes," Diretsong sabi niya bago umalis.
Ha? Ano daw? Take a shower, maligo. Leaving in 30 minutes, aalis in 30 minutes. We're, Kami? Hala!
Dali-dali kong niligpit ang panglinis at tumakbo sa kwarto para maligo.
Di naman niya siguro ako ihahagis sa bangin ano? Baka naman ipalapa niya ako sa alaga niyang buwaya. Teka? May alaga ba siyang buwaya? 30 minutes!!!
"Ehem! Sa...an tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ko.
"You're coming with me in my office. You will be my assistant." Hala may buwaya kaya sa office niya?
"Ilang taon ka na pala? Di ka na nag-aaral? Edi matanda ka na? Hala barkada mo nga pala si Sir!" Ano ba yan! Edi magiging child abuse pag naging kami?
Napalingon ako sakanya pero nagulat ako dahil nakangiti siya. Baliw na ba to?
"You are back to being talkative, your normal self for short," Napasimangot ako.
Oo nga no? Pero curious ako eh! Ganon daw pag matatalino laging curious hehe.
Ilang minuto pang katahimikan ay nagsalita ulit siya.
"I'm 23 and fyi I am not old,"
"Naka graduate ka na ng college?" Tanong ko.
"Yes, just last year," Napatango na lang ako.
Ilang oras akong tumunganga dito sa office niya. Assistant daw pero nakaupo lang ako habang siya ang daming binabasa tapos pinipirmahan. May secretary din siya.
Ano nalang gagawin ko?!
Nakakabagot kayang tumunganga. Nabilang ko na nga ata lahat ng libro niya tapos pati sulok ng office na 'to napapatanong na ako sa isip ko kung paano at saan gawa.
Inisip ko na rin kung sino kaya ang nagpauso ng words pano naging pano ang pano? Diba? Ang gulo?
Ganon ako ka bagot. Di man lang din ako utusan na maglinis o mag timpla ng kape tapos titimplahan ko siya ng lason para makaalis na ako dito.
Ganito din minsan yung feeling pag may history class kami tapos sobrang bagot. Di rin naman ako inaantok.
Kanina sinubukan ko ding lumabas pero di ako pinayagan. Nagdahilan pa ako na naiihi pero may cr naman pala sa office na to.
Para akong kinulong! Huhu T_T
"Sir, it's lunch time," Napatayo ako ng marinig ang secretary niya. Sa wakas!