Agad naging alerto ang tatlo sa sinabi ni Scarlett. Si Scarlett ay kayang gumamit ng Abilidad na kung saan ay kaya niyang makipag-usap sa mga puno at sa kahit anong bagay ang konektado sa kapaligiran.Mula sa malayo, may naririnig itong yapak na mabilis kung humakbang, boses na parang nag-uusap, hangin na nagmumula sa kanilang bibig at isang bagay na para sa kaniya ay isa itong masama.
"Papunta na sila." Scarlett
Agad napatingin si Annie.
"Ibig sabihin, marami sila. Dito ba sila tutungo? kalaban ba 'yan?" Tanong ni Annie.
Tumango naman si Scarlett "Oo, nararamdaman kong apat ang paparating. Ngunit ang isa sa kanila ay ramdam kong maitim ang kaniyang presensya." Scarlett
"Ibig sabihin may kalaban na humahabol sa kanila." Annie.
"S-sandali tatlo na lang sila." Gulat na saad ni Scarlett.
Napakunot ng noo si Annie dahil papaanong nawala ang isa.
"Hindi kaya napatay ang isa sa kanila?" Annie.
"Hindi ko alam." Scarlett.
"Hintayin na lang natin sila na makarating dito." Saad ni Annie.
Samantala ang dalawa naman ay tahimik lamang. Panay lingon si Lena sa likod nito o di kaya sa gilid upang masiguro na walang kalaban.
Sa wakas, narinig na nilang apat ang yapak na tumatakbo at papalit ito sa kanila mismo.
Doon na lamang sila nakahinga ng maluwag dahil tatlong babae ang papalapit sa kanilang kinatatayuan.
"Waaah buti na lang dito tayo dumaan." Sabi ng babae na may kulay itim ang buhok.
Naka hawak silang tatlo sa kanilang tuhod at pilit na hinahabol ang kanilang hangin. Nang maging maayos na ang pakiramdam ng tatlo, napatingin na sila sa apat na kasama nito.
" Pasensya na sa inyo. May humahabol kasi sa amin na isang halimaw." Saad ng babaeng may matingkad ang buhok.
Ngumiti si Annie samantalang nanatiling walang emosyon si Gayle. Si Lena ay may halong pag-alala. Si Scarlett ay pumikit na parang nakikiramdam sa paligid.
" Halimaw ba ang humahabol sa inyo? " Annie.
Tumango ang babaeng may matingkad na buhok.
" Isang Nuckelavee" Sabat ng babae na may pulang buhok.
Napakunot ng noo si Lena nang marinig niya ang pangalan ng isang halimaw.
" Hindi ba't nabibilang sa Epic Creature ang Nuckelavee?" Tanong ni Lena.
Tumango naman ang tatlo.
Agad naman nagtaka si Annie nang marinig niya ang salitang Epic Creature.
"Paanong nagkaroon ng Epic? Ang pagkakaalala ko tungkol sa pagsusulit, panay common lang ang nagiging kalaban." Annie.
" Hindi namin alam."
"Bigla na lang siya sumulpot."
"Tapos tsismoso pa."
Nalito man si Annie sa sinabi nila, hindi na rin niya nagawang magtanong.
"Guys" Scarlett
Agad silang napatingin kay Scarlett na kasalukuyang nakatingin sa likuran ng tatlong babae. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakaturo ito sa bandang likuran ng tatlo.
BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasíaIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...