Chapter 7

1 0 0
                                    

Clover's POV

Omaygash!!!

Gusto kong magpasampal ngayon. Pero ayoko dahil masakit yon.

Pero katapusan na ba ng mundo? At hindi lang ako na inform? Kung bakit ako ganito mag react ay dahil lang naman kay... *drum rolls* RYDER!!

O to the M to the G talaga si ate niyo! Paano ba naman eh nitong mga nakaraang araw ang landi-landi ni Ryder. Syempre lalandi din ako pabalik, ako pa.

Di ko alam kung wala ba siyang magawa sa buhay o ano. Pero sa mga ginagawa niya yung puso ko parang gusto ng kumawala sa katawan ko.

Sumilip ako sa pintuan kung may tao ba o wala dahil kanina pa ako nakakulong dito sa kwarto. Baka kasi atakihin ako sa puso pag nakita ko agad ang gwapong mukha ni Ryder babes ko.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at lumabas sa kwarto. Para akong tanga na naglalakad ng dahan-dahan na akala mo isang maling galaw ay makakabasag ako.

"You look like a monkey,"

"Ay makakabasag!" Sa gulat ko ay natapakan ko pa ang paa niya.

"Ow!" Daing niya habang nakataas ang kaliwang paa na natapakan ko.

"Kasalanan mo yan. Lagi kasing nanggugulat," Paninisi ko. Nag smirk lang sya habang umiiling, naglakad siya pababa na sinundan ko naman.

"Are you going somewhere?" Tanong niya habang naglalakad.

"Uhmm... pupunta ako sa bar ni Kuya Caleb. May gig kami mamaya," Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Until what time?" Naka-cross arm na tanong nya habang nakatingin mismo sa nga mata ko.

"Depende? Bakit, may ipapagawa ka ba?"

"Nothing, ihahatid nalang kita," Napatango nalang ako at sumunod ulit nang magsimula siyang maglakad papuntang garahe.

Traffic nanaman kaya na stuck nanaman kami. At medyo na a-awkward din ako dahil 'di ko alam ang sasabihin.

"Take this," Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang cellphone niyang mamahalin. Tinignan ko siya ng may nagtatanong na ekspresyon.

"Play some music. It's already connected to the car," Kahit naguguluhan ay pumili ako ng kanta.

Ang hirap palang pigilan ng puso natin sa pagtibok ng mabilis. Lalo na pag kasama natin yung taong dahilan non.

Medyo magulo ang buhok niya ngayon na mas bumagay sakanya... ang hot niya pa tignan dahil sa business attire niya.

"Am I that handsome that you will stare at me for a long time?" Napakurap ako dahil kanina pa pala ako nakatitig sakanya. Ngumiti siya at dinilaan ang kanyang labi.

Jusq! Ang pagka-inosente ko!

"Bat kasi ang gwapo," Bulong ko pero namula ako ng narinig ang mahina niyang pagtawa.

"It's all thanks to Mom and Dad," mas lalong nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Where here."

"Thank you sa paghatid," pasasalamat ko.

Nag paalam na kami sa isa't-isa bago ako pumasok sa loob. "Uyy ano yon? Ikaw ha 'di ka nagkukwento," pag usyoso ni Cha-cha.

Pabiro ko lang syang hinampas sa braso at pumunta na kanila Gage na may ngiti sa mga labi.

Maraming oras, araw, at linggo na ganon ang trato saakin ni Ryder. Kahit ako ay hindi na rin naiilang at mas nagiging komportable na sa sitwasyon namin.

Hindi ko alam kung may kami ba o nag i-ilusyon lang ako pero sigurado naman ako na parehas kami ng nararamdaman.

Kapag wala naman syang trabaho ay kami talaga ang magkasama buong araw. Minsan ay dito lang sa bahay at minsan naman ay lumalabas kami.

Debt feeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon