Chapter 3

685 40 1
                                    

Masayang nagmamaneho si Dawn kahit ramdam pa rin niya ang kirot sa katawan dahil sa nangyaring aksidente. If she mastered how to drive, she also mastered to endure the pain physically. Walang mangyayari sa kanya kung magpakalunod siya sa sakit. Gumagaling din naman iyon sa paglipas ng panahon.

Masaya siya ngayon dahil sa tatlong bagay. Una, hindi na niya kasama sa bahay ang mangkukulam at bruha niyang madrasta. Tahimik na ang buhay niya at hindi na magkakaroon ng additional pain ang katawan niya. Kahit gusto niyang kausapin ang Ama tungkol sa marriage contract, ipinagpaliban muna niya. Maraming oras para roon. Pangalawa, natanggap niya ang tawag ni Magnum at magbabayad na raw ito ng utang sa kanya at pangatlo, na sa garahe ang lahat ng babies niya!

Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Dawn ng makarating sa seaside restaurant. Dito sila kakain ni Magnum ng dinner.

Inayos muna ni Dawn ang park ng kanyang motorsiklo. Natuwa talaga siya ng makita ang kanyang mga babies sa parking kanina. Nagpasalamat siya sa kung sinuman ang nagdala ng mga iyon doon.

Tinawagan niya si Magnum para malaman ang lokasyon nito. Masyadong marami ang tao ngayon at nahihirapan siyang makita ito. 

"Dawn," Sagot nito sa kabilang linya.

"Narito na ako. Nasaan ka?"

Nagtaka siya kung bakit hindi agad ito sumagot kaya tiningnan niya kung namatay ang tawag. Ongoing pa naman.

"Hey, nasaan ka?" Muli niyang tanong.

"Ahm... Dawn, k-kasi, ano-"

"Ano?" Bahagya siyang nag-alala kung bakit kinakabahan ang boses nito.

"N-next time na lang tayo kumain. Busy ako e,"

Nadismaya man pero nauunawaan niya. Ano pa bang magagawa niya, 'di ba? Wala naman siyang magagawa pagdating dito. It's either sasang-ayon o su-surrender siya.

"Okay lang. Kakain na lang ako rito-"

"No!" Kumunot ang noo niya ng bigla itong sumigaw. "I mean, kumain ka na lang sa ibang lugar. Allergy ka sa seafood, 'di ba?"

Ngumiti naman siya kahit hindi nito nakikita. Para siyang teenager na kinikilig sa crush. Peste! Twenty five na siya pero kinikilig pa rin siya sa simpleng pag-alala nito sa kanyang allergy. Hay, naku! Nakakabaliw magmahal.

"Owkey," Gusto niyang hampasin ang kanyang sarili na tila pabebe niya iyong sinabi.

"Gotta go. Bye!"

Nakangiti pa rin si Dawn kahit putol na ang tawag. Ngunit ang masaya niyang ngiti ay biglang napalis ng makita niya hindi kalayuan ang bulto ni Magnum. Ang ngiting halos pumunit sa kanyang pisngi kanina ay biglang lumipat sa kanyang puso. Tila pinupunit iyon habang pinagmamasdan niya itong masayang kumakain kasama ang babaeng kinababaliwan nito.

"Yeah. You're busy," Nasasaktan niyang sabi. "Busy with her," Dugtong niya. 

Mabilis siyang tumalikod sa direksyon ng dalawa at patakbong bumalik sa kanyang motor.

...

...

"Aray naku! Pesteng puso'y umiibig sa'yo, pero iba ang iniibig mo at hindi ako!" Kanta niya habang hawak ang ika-siyam na can ng beer. "Wohhh!!! Magsama-sama ang lahat ng pusong luhaan!" Tumatawa niyang sabi sabay higa sa buhangin. Dito siya dinala ng kanyang tadhana pagkatapos bumili ng isang box na canned beer. Siguro beer talaga ang forever niya. Hindi kasi siya nito iniiwan. Palagi niya itong kasama sa kasiyahan man o kalungkutan. 

Tumitig si Dawn sa langit. Dinama niya ang lamig ng hangin sa kanyang balat. Pinakikinggan ang marahang hampas ng alon.

"Sana ganito kapayapa ang puso ko," Malungkot niyang sabi.

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon