Isang linggo na ako dito sa probinsya nang mga kamag-anak ko sa side ni mama pero kay Lola ako nakatira ngayon. Sinabihan ko na rin sila na kapag tatawag si mama at hanapin ako ay wag ipaalam na nandito ako, kahit sino pang maghanap sa'kin. Mabuti na lamang at hindi sila nagtanong kung bakit."Ate, naa koy gidang mangga para nimo."(Ate, may dinala kaming mangga para sa'yo.) Masayang anunsyo ni Arriane habang may dalang supot na may lamang maraming mangga. Arriane is my cousin, she's 17 years old, maganda at mabait and sobramg sipag pa.
Napangiti ako."Salamat, nag-abala ka pa."sagot ko dito.
Malawak itong ngumiti bago inilagay ang mangga sa mesa dito sa may garden ni Lola kung san palagi akong nakatambay. Ang presko at lamig kasi ng hangin dito, ibang iba sa maynila.
"Aysa te, mukuha rakog kutsilyo."(Sandali lang ate, kukuha lang ako ng kutsilyo.)paalam niya kaya tinanguan ko siya.
Maya maya pa ay bumalik siya habang may dala dalang plato, kutsilyo at asin. Malawak siyang ngumiti at muling umupo sa aking tabi at pinagbalatan ang ng mangga, Indian mango ito.
"Te, oh."bigay niya sa'kin 'nung nabalatan ng mangga.
Nakangiting tinanggap ko ito."Salamat."ani ko bago kinain ang mangga. Shit, ang sarap.
Hindi ko namalayang nakarami na pala akong mangga, kung hindi lang sumakit yung labi ko ay hindi pa ako titigil.
"Hala te, nangluspad na ka."ngisi ni Arriane sa'kin dahilan para matawa ako ng mahina.
"Ang sarap kasi ng mangga, fresh pa."nakangiting sagot ko.
"Pagong pitas lang kasi 'yan te."proud na tugon niya.
Magsasalita na sana ako nang bigla akong maihi.
"Teka lang, Arriane ha! Iihi muna ako."paalam ko dito at dahan dahang tumayo.
"Samahan na kita te."boluntaryo niya kaya tumango ako at naglakad na pero hindi ko pa nagawang maihakbang ang aking isang paa ng may likidong umagos sa mga hita ko.
"Te, nakaihi na ka."(Ate, umihi ka na.)sambit ni Arriane pero hindi ako makapagsalita ng biglang sumakit ang aking tiyan.
"A.. Arriane."hirap na tawag ko sa kanya.
"Bakit te?"agad na tanong niya.
Shit, manganganak na yata ako.
"M..manganganak na yata ako."nakangiwing sambit ko dahil sa sobrang sakit.
"Po? Manganak na ka te? Hala, ginoo. Unsaon naman ni?"(Po? Manganganak ka na ate? Hala, pano na 'to?) tarantang tanong niya.
"T..tawagin mo sila lola dali."pinagpapawisan na ako sa sobrang sakit habang hawak hawak ang aking balakang.
"Sige te."mabilis siyang tumakbo paalis habang ako naman ay namimilipit na sa sobrang sakit.
Baby please, wag mo namang pahirapan si nanay.
"Jusko."takot na sambit nila Lola nang makalapit."Edgardo, buhatin mo si Syria dali."aligagang utos ni Lola kay Tiyo Edgardo na kapatid ni mama.
Mabilis namang lumapit si Tiyo sa'kin at agad aking binuhat, isinikay nila ako sa jeep habang pinaharurot ito papuntang hospital.
"L..Lola ang sakit."iyak ko kay Lola.
Mahigpit na hinawakan nito ang aking mga kamay."Sandali na lang apo, malapit na tayo."kabadong tugon ni Lola habang hinihot ang aking balakang.
Nang makarating ay kaagad akong binuhat ni Tiyo at dinala sa loob ng hospital, may sumalubong sa'ming mga nurse na may dalang stretcher at maingat na inihiga ako doon at dinala sa kung saan.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...