CHAPTER THIRTEEN | Love made me do it

5.5K 72 6
                                    


You reclaim your power by loving what you were once taught to hate – Bryant H. McGill

CHAPTER THIRTEEN | LOVE MADE ME DO IT

STAS

I was expecting Sofia to choose the most expensive ring from the jeweler. After all, women love shiny things. Expensive things that men could buy for them. I knew women. Iyon lang naman ang nagpapasaya sa kanila. To be associated with the surname that I got, to have the fame that they could have even for just a short period of time when they were with me, the extravagant gifts that I could give them. Alam na alam ko na 'yon dahil sa dami ng mga babaeng dumaan sa akin. And I knew Sofia was not an exemption. Katulad lang din naman siya ng mga babaeng iyon na mabababaw ang kaligayahan. Kaya nga siya na ang pinapili ko para hindi na ako mapahiya dito. At least it was her choice.

Kaya hindi ako makapaniwala nang makita ko ang singsing na suot niya sa daliri niya.

What the fuck was that?

Agad kong hinawakan ang kamay niya at nanlalaki ang matang nakatingin sa singsing na may kakapiranggot na bato.

"What the fuck is that?" Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Patek at sa daliri ni Sofia. Nagtatanong ang tingin ko kay Patek dahil bakit ito ang nakikita kong suot ng babaeng ito. Umiiling lang si Patek at nagkibit-balikat kaya nagtatanong na tumingin ako kay Sofia.

"What?" Tingin ko ay parang nagugulat pa siya kung bakit nagtataka ako sa suot niya.

Nagtagis ang bagang ko. "That damn garbage on your finger. What the hell is that?" Muli ay tumingin ako sa gawi ni Patek at napaikot lang ito ng mata at napahinga ng malalim.

Lalo akong napikon sa nakita kong reaksyon ni Sofia. Hindi ba siya nag-aalala na hindi ako natutuwa sa singsing na suot niya?

"A ring." Tanging sagot niya sa akin.

"Gosh, what kind of ring is that? So cheap looking."

Si Ilyenna na ang sumabat noon at napapikit ako dahil ang lakas ng boses ng babae kaya kahit sila daddy at ang mga bisitang naroon ay nakatingin na sa gawi namin.

"A ring? Let us see it. I know Stas will never give you a cheap ring. I taught him how to take care of our woman." Si Dad ang nagsalita noon. Alam ni daddy kung gaano ako kagalante sa mga babae kaya alam kong inaasahan niyang hindi basta-basta ang singsing na ibibigay ko kay Sofia.

Bago pa ako makapagsalita ay kinuha na ni Ilyenna ang kamay ni Sofia at ipinakita sa lahat ang suot nitong singsing. Damn it.

"This is her ring. Look at it." Natatawang pang sabi ni Ilyenna. "And I thought Stas will wow us today." Komento pa nito at natatawang napapailing. Tiningnan ko ng masama si Ilyenna pero hindi niya ako pansin. Alam kong sinasadya niya ito. Gusto niyang mapahiya si Sofia sa mga narito. At sa ginagawa niya ay napapahiya din ako. That cheap ring would reflect on me.

-------------

Full chapter exclusively posted on PATREON and FB VIP group

  https://www.patreon.com/posts/rozovsky-heirs-5-63764791?utm_medium=clipboard_copy&utm_source=copy_to_clipboard&utm_campaign=postshare

(If you are having a hard time joining Patreon, you can join the exclusive FB VIP group instead. Now is the best time to join to access all the exclusive stories not available anywhere. You can message Helene Mendoza's Stories FB page to know how)

ROZOVSKY HEIRS SERIES 5: STANISLAV VAUGHN BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon