Prologue

5 2 0
                                    

Naalimpungatan ako sa isang mahabang alulong  ng aso.

Sandali? mayroon bang aso sa school na 'to?

Bumangon ako sa kama at pumunta sa may bintana para tignan kung anong meron sa labas at bakit umaalulong ang aso.

Tumambad sa akin ang bilog na bilog na buwan pagkahawi ko ng kurtina at nagbigay ng liwanag sa madilim kong kwarto.

Tinignan ko ang buong paligid.

Payapa at tahimik naman?

Tumigil na din sa pag alulong yung aso. Siguro nakakita lang ng pusa yun kaya nag ingay.

Tinakpan ko na ng kurtina ang  bintana pero bago ko pa tuluyang matakpan ito, nakaramdam ako ng presensya sa likod ko.

Napabuntong hininga ako.

Nagising din siguro si Selena dahil sa ingay ng aso.

Tumalikod ako sa bintana at hinarap ko si Selena.

"Ang ingay nung aso no--"

Natigilan ako ng makitang hindi si Selena ang nasa harapan ko.

Sapat ng makita ko ang malaking katawan ng lalaking nasa harapan ko na may mahahabang kuko, pula ang nanlilisik na mga mata, makapal na balahibo sa braso at mahahabang pangil dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan.

Napasinghap ako ng humakbang siya papalapit sakin.

"S-Sino ka? A-Ano ka?!!" Nagawa kong makapagsalita kahit nilalamon na ako ng takot.

Bakit ko pa siya tinanong kung alam ko namang isa siyang HALIMAW!

"W-Wag kang l-lalapit!" pero tila hindi niya ako narinig.

Umatras ako ng umatras dahil papalapit siya ng papalapit sa akin ngunit napasandal na ako sa bintana kaya wala na akong maatrasan.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Tanging yapak ng kayang mga paa at tibok lang ng puso ko ang tanging naririnig ko dahil sa sobrang tahimik ng kwarto.

Napatingin ako sa kama ni Selena.

Wala siya doon at naalala ko nga palang Sem Break ngayon at lahat ng estudyante dito maliban sa akin ay nasa kani-kanilang pamilya.

"W-Wag kang lumapit, pakiusap." hindi ko namalayang bumuhos na pala ang mga luha sa pisngi. Naninigas na ako sa sobrang takot at sumisikip ang dibdib ko dahil sa pigil na  pag-iyak ko. Kahit gustong gusto ko ng sumigaw at humingi ng tulong, hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit pero para bang may pumipigil saakin na gawin ko iyon.

Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at nakatitig lang siya sa mga mata ko. Kitang kita ko na ngayon ang pula niyang mga mata dahil sa sobrang lapit niya. Lalo akong nilamon ng takot at lalong nanigas

Itinaas niya ang kanang kamay niya at nakita ko ang mahahaba at matutulis niyang mga kuko.

Napapikit na lang ako dahil alam ko na ang mangyayari. Dudukutin niya ang puso ko o kaya sisirain niya ang muka at katawan ko  gamit ang matutulis niyang kuko hanggang sa magkagutay-gutay at  mamatay ako.

Pero nagulat ako ng makaramdam ako ng mainit na palad sa aking mukha at marahang pag haplos. Idinilat ko ang aking mga mata at nakitang wala na ang mahahaba niyang mga kuko.

Unti unti kong nakita kung papaanong ang mapulang niyang mga mata ay unti unting naging kulay blue, hanggang sa naging kulay dark blue.

Hinawi niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya. Kung kanina ay isang kamay lang ang gamit niya, ngayon ay dalawa na. Napapikit ako dahil sa sarap sa pakiramdam ng mainit niyang mga palad.

Kasabay ng pag paghawi niya sa mga luha ko ay nahawi din ang nararamdaman kong takot.

"Nathalia,  sumama ka sa akin." Muli akong natigilan dahil sa ganda ng boses niya. Buong buo ito at tila musika sa aking tainga kahit kakaunti lang naman ang sinabi niya.

Pero teka?

Ano nga ba ulit ang sinabi niya?

"A-Anong sabi m-mo?" mautal-utal kong sabi. Kahit na parang nawala na ang takot ko ay hindi parin nawawala ang kaba sa puso ko.

"Kailangan mong sumama sa akin." parang gusto kong mag bingi-bingihan at paulit ulit na itanong kung anong sinabi niya dahil gustong gusto kong marinig ang boses niya.

Ugh. Ano ba to? Nababaliw na ako. Pero teka? Sinabi niya bang kailangan kong sumama sa sa kanya? Ano daw?!!

"B-Bakit?" Hindi siya sumagot agad at nanatiling nakatitig lang siya sa akin. Tinitigan ko rin siya pabalik. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang ganda ng mga mata niya kumpara kanina. Mas naging kalmado na ito at hindi na nanlilisik. Matangos ang kanyang ilong at makinis ang kanyang mukha. Mukang mas makinis pa ang mukha niya kaysa sa akin, hindi mo makikitaan ng pores. Tumigil ang mga mata ko sa labi niya. Sobrang pula nito at para bang natetemp ako na halikan yun. Argh. Ano bang nangyayari sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla itong gumalaw kaya napabalik ang tingin ko sa mga mata niya.


"Dahil…

nagulat ako sa kanyang ginawa bago niya tinapos ang kanyang sinabi.

ako si Napoleon."


Hinalikan niya ako.

NapoleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon