Prologue

8 2 0
                                    

"Attorney Villamor".

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses na 'yun. Ngumiti ako ng bahagya sa taong tumawag sakin saka dahan-dahan na lumapit sakanya at niyakap siya ng mariin.

"Alivia?" Sagot ko sa taong nasa harapan ko. Matagal na din noong huling ko siyang nakita, mga 1 taon na din siguro base sa pagkakatanda ko at tuwing may mga espesyal na okasyon lamang ako nakakauwi sa amin. Sa loob ng tatlong taon ay sa Batangas ako namalagi upang asikasuhin ang Resort ni Daddy.

"Are you staying here for good na ba sa Manila?" tanong sa'kin ng pinsan ko. 

She's actually the same age as me, 28, at parehas na walang jowa. Minsan naiisip ko din na baka nahawa na 'to sa'kin dahil sa tagal naming nagsama during our years sa Law School.

"Yes, natapos ko na din naman yung mga kailangan ko na asikasuhin sa Resort sa Batangas, nagkaproblema sa lupa na kinatatayuan but it is all set, at saka alam ko namang miss mo na din ako." Sagot ko sakanya. 

She chuckled and laughed a bit before drinking her coffee.

'Coffee Addict.' bulong ko sa'king isipan.

Mga isang oras din kami nag-kwentuhan sa loob ng Starbucks bago namin napag-desisyunan na maglibot sa loob ng Mall. It's our bonding, visiting different boutique.

Our coping mechanism.

"We should be home by 5pm, Ninang Mina is waiting for you madaling ka na kasi namin mahagilap and you rarely contact you Mom. Kuya Reed's wife, Ate Jobel, she already gave birth to their first son slash first grandchild ng family and they will be throwing a party later, you know the oldies." Pagkukwento ni Ali sa'kin,

"Okay, I'll talk to Mom later." Tugon ko. Tumingin ako sa orasan, it's already 4pm and we still have 1 hour. Hindi na rin kami nagtagal at napag-desisyunan na din namin umuwi ni Ali sa bahay.

Ali is the one who drives the car. She likes driving, ever since nang matuto siya mag-drive e lagi na siyang nagpe-presinta na mag-drive. Our family main house is located at the village in Cavite.

Nang makarating kami sa tapat ng gate ng bahay natanaw ko agad sina Kyle at David, my brothers, naguusap ang dalawa habang nagtatawanan.

"Let's go!" Excited na anyaya ni Ali.

Lumabas na ako ng sasakyan at saka tinawag ang dalawa kong kapatid.

"Kyle and David." Tawag ko sa dalawa, sabay naman silang napalingon sa direksyon ko saka nagmamadaling lumapit sakin at niyakap ako parehas. Infairness ha, hindi halata na na-miss ako ng dalawang mokong na 'to kung makayap parang ayaw na ako pahingahin.

Nauna na pumasok sa loob si Ali.

"Ate kong Manika/Ate" Sabay na sabi ng dalawa pagkatapos kumalas sa yakap.

Bahagya akong napangiti, para namang isang dekada akong hindi nakita ng dalawa na 'to.

Pagkatapos ng mini drama namin sa labas pumasok na din kami saka ko sinalubong din ang iba kong kapamilya. Sa mga ganitong okasyon lagi kaming kumpleto. We just don't want to be missed something and also to cherished every moment na mayroon kami.

Hindi rin nagtagal ay dumating na din sina Kuya Reed and Ate Jobel with their cute little son na si Kade. He's bubbly just like Kuya Reed. I congratulate them and play a little with Kade.

"Tomorrow ang binyag niya Evie, be sure to be there at 9am ha, don't be late, Ninang ka." Kuya Reed said to me while I'm playing with little Kade. Mahina din na humahagikhik si Kade habang nilalaro ko kaya napapangiti din ako sa cute niyang mukha.

Breathe (De Mavius #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon