Chapter 6

641 33 1
                                    

"Thelma, please sweetie hear me out!" Nakikiusap na sabi ni Vander sa babae.

Tumigil ito pero sinalubong siya ng malakas na sampal.

"Why, Vander? Why did you do this to me?!" Umiiyak nitong tanong.

Mabilis niya itong niyakap dahil ayaw niyang makita ang luha nito pero pinagtulakan siya nito palayo.

"Thelma-"

"Get off me! Huwag mo akong hawakan!"

Sinubukan pa rin niya itong hawakan pero ginagawa nito ang lahat makaiwas lang.

"I did this for you. Please believe me, Sweetie." Nagsusumamo niyang sabi.

"For me?" Turo nito sa sarili. "Is it to hurt me?"

"No!" Mariin niyang tanggi. "It's for you and your family's safety."

"Alam mo... dapat sinabi mo na lang na ayaw mo na sa'kin. Mas matatanggap ko pa iyon kesa sa walang kwenta mong palusot! Kailan mo pa ako niloloko, Vander? Kailan pa?!" Nasasaktan nitong sabi. 

"Hindi kita niloloko. Mahirap ba akong paniwalaan?" May hinanakit niyang tanong.

Akala ni Vander maiintindihan siya ni Thelma pero sa nakikita niyang reaksyon nito, malabo siya nitong paniwalaan.

"Sinong naniniwala sa'yo? Dawn Indiana Silueta is the sole heiress of the Silueta family. You know how powerful their family is. Every woman in the business world envies her beauty and status even young or old and every man wants her attention. Everyone wants at least a little glimpse from her, Vander. Now tell me, aren't you one of those men?"

Nainsulto si Vander sa akusa ni Thelma tungkol sa pagmamahal niya rito. Ganoon pala kababa ang tingin nito sa kanya.

"If I tell you not, will you believe me?" Tanong niya.

Umiwas ito ng tingin sa kanya.

"Ayokong maging kabit, Vander. Let's end this."

Nasaktan siya sa desisyon nito.

"Please, Sweetie." Hinawakan niya ang kamay nito. "Pag-usapan natin 'to!" Pakiusap niya.

Tinabig ni Thelma ang kanyang kamay. "Wala na tayong pag-uusapan,"

"Thelma-"

"Makinig ka sa kanya, Mr. Monterallo. Igalang mo ang desisyon ng babae," Ani ng boses mula sa likuran niya.

"Anticlair," Pagkilala niya sa lalaki. "You're out of this. Don't meddle with our personal affair," Seryoso niyang sabi rito.

"Affair? I heard she broke up with you and you have no right to her now. Let's go, Thelly!"

Walang nagawa si Vander ng kusa itong sumama sa lalaki.

"Argh! Dammit!" sigaw niya.

He did not expect this to happen between him and Thelma. He expected that she would understand but she chose to break up with him instead of continuing their relationship.

Bumalik siya sa loob para balikan si Indiana, pero wala na ito roon.

...

...

...

"Are you sure about this?" Tanong ni Dawn kay Magnus.

Napansin niya ang paglunok nito bago sumagot.

"Y-yeah," 

"Are you scared?" Nagtataka niyang tanong dahil sa itsura nito. 

"N-no!" Mabilis nitong sabi at umiwas ng tingin sa kanya. 

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon