Chapter forty-two- take you home

646 13 0
                                    

"Because me, I like you. I really like you, baby." Napanganga ako sa sinabi, as-in laglag panga!!!

"Wh-at?" Hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Gusto niya ako? Wait, how?

"I like you." Pag uulit niya. Dinig ko naman pero gusto ko lang ulitin para ma sure ko talaga na ’yun talaga ang sinabi niya. Mahirap na baka namaling dinig lang edi umasa ako.

"Gusto mo ako?" Kinakabahang tanong ko, ang lakas pa naman ng tibok ng puso ko. Para akong maiihi na ewan!

"Hmmm," at tumungo para mag pantay ang muka namin. "Do you like me also?" Gosh! Hindi ko alam kong anong isasagot ko. Nangangatog pa ang tuhod ko dahil sa biglaang pag amin niya. How can he like me? Paano? I mean, wala naman akong signal sign na napansin na may gusto siya sa akin.

Pinagluluto niya lang naman ako ng pagkain tuwing umaga, binibigyan ako ng kape kasi alam na alam niyang coffe lover ako. Lagi ring naka tambay sa opisina ko at gusto na ngang dito narin mag office sa opisina ko dahil gusto daw akong makita at boring na mag isa lang. Laging nagagalit pag binibigyan ako ni Michael ng pagkain or pinag titimpla ng ibang ka works mate ko ng kape. Nagagalit din pag maiiksi ang mga suot kong mga damit, dahil baka daw mabusohan ako. Siya lang naman kaharap ko araw araw, takot atang makita yung private part ko. Hahahha! Joke.

"I have a crush on you, but I don't think I like you. I mean, I think papunta narin ako diyan. Nauna ka nga lang, hehehe." Nasabi ko nalang habang nakapikit. Nahihiya ako!

Tapos yung kalabog pa ng dibdib ko parang may nag dadabog sa loob. Yung mga butterfly sa tiyan ko hindi mapakali! Damn. Anong feeling ’to?

"Well, I'm sure na mas higit pa sa I like you ang sasabihin mo sa akin soon." Nakangising saad niya na para bang sure na sure. Kahit ako ay alam kong higit pa sa I crush you o I like you ang masasabi ko sa kaniya sa huli.

"I don't like seeing you with other man, please, stay away from them. I just want the man by your side always." Aniya habang seryuso na namang nakatitig sa akin.

"Hmmm, I promise." Matamis ko siyang tinitigan kaya ang nakakunot at salubong niyang kilay ngayon ay maayos na at nakangiti na.

"I'm still hungry, I didn't eat much before because I prepared my stomach for now.  I want you to eat with me today, baby." Nagmamakaawang sabi niya. Ngumoso nalang ako at hinila siya pabalik sa sofa.

"Oorder na ba ako?" Dali dali itong umiling, "e, anong kakainin natin ngayon? Pinakain mo naman sa Erine na'yon ang baon natin.", Ani ko sa kaniya.

Lumapit naman siya sa akin at umopo sa upuan ko, ako naman ay umopo sa kabilang upuan kong saan pweding umopo ang mga bisita.

"Yung para sayo kanina, itinira ko. Yung akin lang ang binigay ko kay Erine, nakita niya kasi at may dala rin siyang pagkain kanina kaya hindi na ako nakatanggi. Gusto ko pa naman kasabay kang kumain kanina," tumayo ito at pumasok sa opisina niya at agad din namang bumalik na may dala ng paper bag na laging pinag lalagyan niya ng pagkain sa akin.

"Anong niluto mo?" Tanong ko sa kaniya. Maagang gumising si Dark para lang mag luto araw araw, na g-guilty naman ako kaya minsan ay nililibre ko siya ng lunch pag hindi niya naisipang ipag luto ko siya tuwing lunch time.

"It's pinakbet? I don't know if that's the really name of this foor, I know you love gulay and I fried a meat. Here." At nilatag ang niluto niya. Hindi na ito mainit pero nakakatakam yung amoy.

"Hmm, sarap naman nito. Grabe, kaya gustong gusto ko mag breakfast dito e. Hahaha, libre na, masarap pa mga ulam. Tataba ako nito e." But that's a lie. Kahit anong lamon ko hanggang dito nalang talaga yung katawan ko.

Kumain kaming dalawa bago bumalik sa kaniya-kaniyang work. Okay na kami at nag kaintindihan, pero hindi ko maintindihan kung ano kaming dalawa. Umamin lang naman kami sa isat isa, nahiya naman ako mag tanong. Kapal muka.

Dito narin siya sa opisina ko nag work, may pumasok nga kaninang empleyado, nag taka sa ayos naming dalawa pero hindi narin nag usisa. Naka pasok lang si Dark sa office niya ng may bisita. Agad din namang lumabas dahil may pinag usapan lang ata.

Kagaya ng nakasanayan namin ay pinag luto ko siya ng lunch, ayaw niya kasing pumunta ng restaurant. Nasasawa nadaw sa paulit ulit na kinakain namin sa labas.

Nag lunch lang kaming dalawa, hindi na namin napag usapan yung aminan kanina kahit na gusto kong iopen kung ano nga ba kami. May hiya naman ako ’no.

"Hatid na kita," aniya nang mag pa alam akong umuwi.

"’wag na, malayo pa bahay namin, umakyat ka nalang at mag pahinga, ang dami mong trabaho ngayon." Ang dami niya ding inasikasong bisita kanina.

"I'm okay, baby. I want to take you home, I don't want you to commute.  I will drive you everyday." Napatingin ako sa kaniya,

"Seryuso ka?"

"Yeah. So, come on, I'll drive you home." Wala akong nagawa dahil hinintay niya talaga ako at gustong ihatid.

Pumayag nalang ako kaya ito ngayon ay nasa harapan na kami ng gate. Inaya ko pa siya sa loob pero tumanggi naman ito dahil uuwi pa daw ng mansion.

"Ingat ka a," kumaway ako sa kaniya.

"Bye. Take care too, aasawahin pa kita!" At sinabayan pa ng kindat.

"Siraulo!" Sigaw ko kahit na tumakbo na ang sasakyan.

"Mommy!" Napatingin ako sa likuran ko at nakita si Dakrlyn na patakbo sa akin.

"Baby!!" Yumakap siya sa akin kaya binuhat ko siya habang naglalakad papasok sa loob.

"How's your day, mommy?" Tanong niya,

"Tiring baby, pero no'ng nakita kita naging okay na. How about you? How's your day? Nagpasaway kaba kay lola?" Tanong ko din sa kaniya habang binubuhat.

"Nandito ka na pala, anak."

"Nay," bati ko kay nanay na nanunuod ng tv.

"No mommy, mabait po ako kay mama lola, we eat ice cream earlier then we watch a barbie!" Masayang sigaw ng anak ko kaya napatawa kami ni nanay.

"Mabuti naman yan, behave ka lang palagi kay nanay, a.", Tumango ito at ibinababa ko.

"Nasaan po si Lander at Ate?" Tanong ko kay nanay at tumabi ss pag upo niya.

"Nasa ’taas si Keiya, si Lander naman hindi pa nakakauwi." Tumango nalang ako sa sinabi ni nanay at nagpahinga pa ng unti bago umakyat.

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now