Maaga akong nagising ngayon, binibihisan ko si Lynlyn kasi sabay kaming naligo. Nakapag bihis narin ako at naka pag breakfast narin.
"Omyghod! Justine Kate hindot!!!"
"Mommy!!" Napayakap ako kay Darklyn nang umiyak ito dahil nagulat sa biglaang pag sigaw ni ate Kei,
"Ate naman!" Pagsasaway ko dito. Pano ba naman kasi ay pabigla niyang binuksan ang pintuan habang sumisigaw. Nagulat tuloy kami ni Darklyn,
"Sorry my baby girl, nagulat lang din si ninang ganda. Shhh, sorry na." Lumuhod ito at kinuha sa'kin si Darklyn para patahanin.
"Bumaba ka nga don at may nag hihintay da gate. Jusko ka teh!"
"Bakit po? Ano bang meron?" Tumayo ako,
"Basta, bumaba ka na." Pinag tulakan pa ako,
"Teka lang baby a, baba lang si mommy. Tingnan ko lang kong sino yung bisita sa baba, okay. Dito ka muna kay ate Kei," ani ko sa anak ko. Tumango naman ito at pahikbing yumakap sa ninang niya. Sinamaan ko tuloy ng tingin si ate na ikinatawa niya.
Bumaba aki at nadatnan ko si nanay na palabas na sana, si Lander naman ay naka upo habang humihigop ng kape. Wow, walang trabaho a. Naway lahat.
Tinuro ni nanay na may tao daw sa labas, mukang hinahanap daw ako kaya lumabas naman ako para tingnan kong sino. Pero ganon nalang ang gulat ko nang mamukaan ko kong kaninong kotse ang nakaparada ngayon sa labas ng gate.
"Good morning, Kate." Tsaka lang ako napalingon sa taong nag salita at mas nagulat ako nang pormal na nakatayo ang boss ko habang naka pang office attire pa.
"Dark?" Gulat na tanong ko,
"Hahaha, hey. Bakit naman gulat na gulat ka?" Aniya at lumapit sa akin.
"Hindi ka man lang nag pasabi na pupunta ka dito. Halika sa loob, nakapag agahan ka na ba?" Ani ko at hinawakan ang kamay niya kaya napatingin siya don, awkward na binitawan ko iyon at huminge ng pasensya.
"It's okay. I felt butterfly in my stomach when you touch me," cool niyang sabi na para bang hindi big deal yung sinabi niya. Ako naman ay namumulang nakatulala lang sa kaniya.
"Dark..." Tinawanan niya lang ako sabay halik sa noo,
"Good morning my sweetheart. Mag bihis ka na do'n at mag hihintay nalang ako dito." Aniya kaya para akong robot na naglalakad papunta sa loob. Tsaka lang ako natauhan nang tumambad sa akin si nanay, Lander at ate Kei na buhat buhat si Darklyn.
"What is the meaning of this, Kate?" Supladong ani ni Lander,
"May kayo na ba?"
"Bakit hindi mo pinapasok dito anak?" Mga tanong nila nang maka pasok ako.
"Mag hihintay nalang daw siya sa labas nay, akyat lang ako. Kukunin ko lang gamit ko, akin na si Lynlyn ate," at kinuha ang anak ko kay ate Kei,
"Baby, behave ka kang dito a, may work na ulit si mommy kaya dito ka lang sa bahay. Gusto mo ba ng ice cream mamaya pag uwi ko?"
"Opo mommy! Lynlyn, want an ice cream!!' natawa ako dahil parang kumikinang talaga mata niya sa tuwing makakarinig ng ice cream o makakakita. Hayts, anak. Sana ’wag ka munang lumaki agad, hindi pa ako nag sasawa sa makulit kong anak ngayon.
Nag ligpit lang ako ng gamit ko at dinala na sa baba si Darklyn, iniwan ko siya kay nanay dahil si ate Kei ay may business trip daw, lagi naman yan may business trip e. Si Lander naman ay aalis daw muna. May pupuntahan lang,
"Alis na po ako nay, ate, Lander. Bye, baby Darklyn ko." Humalik pa ako sa pisnge nito at hindi na pinansin ang mapang asar na ngisi at tingin ni ate Kei. Babaeng yun talaga.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
Storie d'amoreJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...