Raphael's Point of View:
Napabuntong hininga ako nang malaman na wala na si Lucille sa mental hospital at nasa Madrigal na raw ito. Hindi ko naman s’ya masisisi dahil alam ko kung gaano niya gustong maging malaya sa sakit. Ngayon na nakita ko na s’ya ay hindi ko na alam kung ano ba ang dahilan kung bakit gusto ko pa s’yang makasama at malaman ang lahat.
Hinayaan ko s’ya sa gusto niyang gawin as long as palagi ko s’yang makikita na masaya. Nalaman ko rin na bumalik na s’ya sa music industry at masaya ako sa balita dahil alam ko kung gaano niyang gustong bumalik sa unang bagay na minahal niya. I continue the case and I know that I will win this dahil hawak ko si Lucille.
“Goodness! She's’ back na talaga sa music. Kahit papaano ay namiss ko ang boses niya,” sambit ng mga kasama ko sa trabaho during our break time.
“Oh, bumalik na pala s’ya.” Tinignan ako ni Yumi kaya kumunot ang noo ko. “What do you think about that, Vincent? Ikaw na rin ba ang magiging superhero niya ngayon?”
“Ako ang hahawak sa kaso niya. Ano ang problema doon?” mahinahong sagot ko at nagtaas naman s’ya ng kilay.
Alam kong galit pa rin s’ya kay Lucille ngunit wala akong nakikitang dahilan para doon dahil kahit papaano ay naging mabuti si Lucille sa kanya. She averted her gaze at kumain na lamang habang ako ay nag-iisip kung paano kakausapin si Lucille nang hindi kami nag-aaway.
“I go ahead. May gagawin pa ako sa opisina.” Tumayo ako at hindi na pinansin p si Yumi na kunot ang noo habang nakatingin sa akin.
Pumasok ako sa aking opisina at tinignan ang cellphone ko. Nasa ibang bansa s’ya ngayon para sa contract signing niya bilang isang singer writer ng ibang bansa. I smiled habang tinitignan ang maganda niyang ngiti at mas napansin ko ang magandang niyang buhok. I scrolled more at nakita ang iba pa niyang picture wearing a halter dress and damn she’s on fire.
I create a dummy account para hindi niya mapansin na tinitignan ko ang mga litrato niya. I wrote in my bio that I am a fan of Lucianna and I admired her for being a singer. Sandali akong natigilan nang makita ang unang post ko tungkol sa kanya.
Lucianna is the best singer! <3
Natawa ako at napailing na lamang dahil sa ginagawa ko. Tinapos ko ang trabaho ko at inasikaso ko ang kaso ni Lucille, kailangan ko talaga s’yang kausapin para malaman ko kung ano ang dahilan at bakit nangyari sa kanya ang bagay na ‘yun. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang kinausap ni Mrs. Valencia ang kanyang anak.
“Chief, I’ll be the one who will handle Lucianna Garcia’s case. I will be the one who will investigate her case in order to win in court,” seryosong sambit ko.
Napatingin s’ya sa akin at inayos ang salamin niya. “You seem interested in that case. Is Miss Garcia important to you?”
I nodded my head and looked at him directly. “She’s my long time girlfriend and I hope we are clear with that.”
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa bahay ng mga Valencia para magtanong sa ibang impossible na maging dahilan kung bakit ginawa ‘yun ni Lucille. Huminga ako ng malalim at inayos ang aking jacket bago bumaba sa aking sasakyan, tinignan ko ang mansion na dati ay nandito nakatira si Lucille. Pinindot ko ang bell at agad na lumabas ang isang kasambahay.
“Pulis ako.” Pinakita ko ang ID ko. “Gusto kong makausap sina Mr. and Mrs. Valencia para sa ilang tanong na gusto kong malaman ang sagot.”
“Pasok po muna kayo, sir.” Binuksan niya ang gate at agad naman akong pumasok.
Tinignan ko ang bawat paligid at nakitang maayos at maraming halaman ang nandito. Pumasok ako sa loob at nakita si Betty, nanlaki ang mga mata niya at agad na napatayo sa gulat. I looked at her coldly dahil hindi ko makalimutan ang nangyari nung gabing nandoon ako kasama s’ya at si Lucille.
BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomanceShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...