ɪɴ ᴛʜᴇ ɴᴀᴍᴇ ᴏꜰ ʟᴏᴠᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ꜰɪꜰᴛʏ
⟮ ᴀ ꜰʀɪᴇɴᴅ'ꜱ ᴀᴅᴠɪᴄᴇ ⟯
『 ʀᴇɴᴢ ᴋʏʟᴇ ꜱᴀʟᴠᴀᴅᴏʀ'ꜱ ᴘᴏᴠ 』
Nandito ako ngayon sa caféteria kasama ang mga kaibigan ko kumakain since snacks time naman.
It's been two days after nangyari ang pag-aaway namin ni senior Ace...at tulala pa din ako sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring 'yun.
" Kyle, Kyle ?! "
Bigla naman akong nabalik mula sa malalim na pag-iisip ng may biglang kung sino ang tumawag sa pangalan ko.
" H- huh ? S- sino 'yun ? " nagtatakang tanong ko habang may tanong sa mukha na nakatingin sa kanila.
" Gaano ba kalalim ang iniisip mo at hind mo halam kung sino ang tumawag sa pangalan mo ? Kanina ka pa ganiyan'ah ? " nagtatakang tanong ni Janine sa akin.
Napabuntong hininga naman ako at walang ganang sumagot.
" May iniisip lang na mga bagay... " mahinang sagot ko saka sumubo ng tinapay.
" Sigurado ka ? Para kasing may, you know...weird talaga sa'yo !? " tanong ulit ni Janine na hindi sang-ayon sa sinabi ko.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya sapagkat napayuko nalang ako sa harapan nila. Naramdaman ko naman na nakatingin sa akin si Ashley.
" O- okay, okay. Tama na kay Kyle, pag-usapan naman natin ang upcoming birthday ng baby brother ko. " pangingibang topic ni Ashley, napatingala naman ako sa kaniya at nagpasalamat.
" ( Thank you ) " I mouthed. Ngumiti naman siya sa akin.
" Huh ? Birthday ng kapatid mo ? Sino sa dalawang kapatid na lalaki mo ang magb- birthday ? Yung Grade 4 ba ? O yung hottie mong kuya ? Ackk ! " tanong ni Janine na tumitili pa.
Napatawa naman ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga eh. Hindi nagbago.
" Gaga, ang landi mo. Bahala ka nga diyan, 'di ka invited sa birthday ng baby brother's kong kambal. " saway ni Ashley dito kay Janine at inirapan ito.
" Baby brother's mong kambal ? May kapatid kang kambal ? " excited na tanong ko habang nakangiti abot tenga.
Omg ! May kapatid siya ? Tas kambal pa ? - 'di makapaniwalang tanong ko sa isipan ko.
" Oo noh. Bakit ? 'Di mo pa alam ? " nakakunot-noong tanong sa akin ni Ashley.
" Hindi noh. Ang alam ko lang kasi ay may nakatatanda kang kapatid at nakababatang kapatid, yung grade 4 na sinabi ni Janine. " nakangusong sagot ko sa kaniya.
" Oo nga, kaya nga yun ang nasabi ko eh kasi hindi ko alam na may baby brother's ka pala, kambal pa! " nakangusong sabi din ni Janine sabay irap kay Ashley.
Haha, nakapag-higante na ang malandi. - sabi ko sa isipan ko.
" Sorry okay? 'Di ko naman din alam na hindi niyo pa alam eh!? " sabi din ni Ashley at napaismid. " Anyways, oo may baby brother akong kambal and this upcoming July 30th na ang 5th birthday nila. " excited at nakangiting sabi ni Ashley.
Napasigaw naman kaming lahat sa sinabi niya except ni Jason since hindi siya mahilig sa sigawan, napangiti lamang siya dahil sa pagsigaw namin.
" Sobrang lapit na niyaaann ! " excited na sigaw ni Janine.
YOU ARE READING
In The Name Of Love - Bxb [ Ongoing ]
Teen Fiction•⟮ ᴍᴘʀᴇɢ ⟯• •ꜱᴇᴀꜱᴏɴ ᴏɴᴇ• An identical twin brothers namely, Axcel Zachary Constantino is Jung Sung-hyun and Renz Kyle Salvador is Jung Seongyeon. Son's of a President in the country of Korea but got alienated from their real family because of someon...