Nilapitan niya ako at inalalayan akong tumayo. Hinawakan niya rin yung kamay ko.
"Ano bang ginawa mo?! Bakit mo pa hinawakan yung bubog?" Galit niyang sambit, pero nando'n ang pag-aalala.
"Aray!" Napisil niya yung kamay ko na may sugat. Dumudugo na nga ito.
"Hala, sorry! Yan kasi, katangahan mo!" Galit pa rin niyang sabi.
Hindi ako sumagot, sa halip, napatingin ako sa likod ko. Nando'n pa rin siya at nakatingin sa amin.
"Ang laki ng sugat mo, Ayden!" Nag-aalalang sabi ni Zandaya habang sinusuri yung kamay ko. Masakit, pero parang hindi ko na ramdam yung sugat, namanhin na ata.
"You need first aid," nagsalita yung lalaking nasa likod ko. Napatingin tuloy si Zandaya sa kaniya, saka ito tumingin sa 'kin na nagtataka kung sino ba yung lalaki.
Suminyas ako ng hindi ko alam. Magsasalita na sana ako nang may sumulpot sa harapan namin.
"Yisreal? Oh. What happened here?" Takang sabi ng lalaking kapapasok lang. Si Yavin. Tumingin ito sa sahig at sa akin, o tamang sa kamay ko na hanggang ngayon hawak pa rin ni Zandaya.
"Your hands are bleeding! Are you okay?!" Mabilis itong lumapit sa amin at tinignan yung dumudugo kong kamay.
"Kailangan niya ng first aid!"
"Oo, kailangan niya talaga!" Si Zandaya, habang nakasimangot na tumingin sa lalaki.
"Yisreal, get a first aid kit in the kitchen!" Hindi niya pinansin yung sinabi ni Zandaya. Inutusan niya yung lalaking nasa likod ko. Hindi ko na nakita yung reaksyon ng lalaki, basta naramdaman ko nalang ang pag-alis nito at nagtungo doon sa dinaanan namin kanina nang hinatid namin yung pagkain.
"Here, gamitin mo muna para mabawasan ang pagdurugo." Inabot ni Yavin yung blue na panyo sa 'kin. Si Zandaya na rin ang kumuha nito at maingat na nilagay sa kamay ko.
"Jan lang kayo, magtatawag lang ako ng maglilinis nito." Tumango lang ako at hindi naman siya pinansin ng kaibigan ko na busy sa pag-ayos ng panyo sa kamay ko.
"Please be careful." Sinabi niya ito habang nakatingin kay Zandaya pati na rin sa 'kin. Pagkatapos, lumabas na siya papunta sa garden kung saan ginaganap yung party. Magkakilala ba sila?
"Masakit?" Tanong niya at maingat na inaalalayan yung kamay ko.
"Oo, malamang masakit!" Mahina kong sagot. Nakatingin ako sa kaniya, pero siya nakayuko lang at nasa mga kamay ko nakatingin.
"Deserve mo yan! Bakit naman kasi tumatakbo ka?!" Inis niyang sabi.
"Wala, trip ko lang."
Napadaing ako nang pisilin niya yung kamay ko. Alam na may sugat eh! Mapanakit talaga 'tong babae!
"Kung pagtripan ko kaya 'tong sugat mo! Okey lang sa'yo?!" Pagbabara niya. Nagtaas siya ng tingin at binigyan ako ng masamang tingin. Tss!
Nakabalik na rin yung lalaking inutusan ni Yavin. Dala yung may katamtamang laki na box at may sign itong pang Red Cross.
Lumapit ito agad sa 'kin at bahagyang umupo para ilapag yung hawak niyang box saka niya dito binuksan. Pareho pa nga kami ni Naya na pinapanood ang ginawa niya sa pagkukuha ng panglinis ng sugat ko.
"Ako na jan." Binitiwan ni Naya yung kamay ko. Yuyuko na sana siya nang tumayo rin yung lalaki at inabot kay Naya yung bulak na may panglinis.
"M-Mmm. Thanks!"
Hindi niya pinansin yung sinabi nito. Ewan ko kung galit ba siya sa 'kin kasi seryoso at nakasalubong ang kilay niya na pinagmamasdan ako.
"Sorry," Maikli nitong sabi. Hindi ko mawari kung galit ba siya o seryoso lang talaga. Salubong rin kasi ang may kakapalan niyang kilay na sobrang bagay sa mukha niya. Saka niya kami iniwan ni Zandaya na nagtatakang tinignan siya paalis, kung saang daan ko siya nakita kanina, doon siya papunta.

BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceDISCLAIMER: Cover is not mine. Credit to the rightful owners. This part is boys love story.