Chapter 02It's Kielven
Hindi ako maganda, may itsura lang pero hindi ko maintindihan kung bakit may nanliligaw sa akin. Volleyball player lang naman ako sa school na hindi naman ganuon ka-angat dahil hindi simpleng spiker lang naman ako, minsan nga nababangko pa ako.
"Deesten, bakit nandito ka pa?"
"May practice tayo 'di ba?" Kunot-noong tanong ko. Nakakahiya dahil first year college pa lang ako at hindi ko pa kasundo halos lahat ng mga members ng Volleyball team.
"Gaga, walang practice. Wala si coach ngayon, may emergency daw." Tumawa pa siya at tinabihan ako sa hagdaanan na inuupuan ko. "Hindi mo nabasa sa GC?"
Agad-agad kong kinuha 'yong cellphone ko at kinumpirma kung tama ba talaga 'yong sinasabi niya. Tama naman, pero dapat hindi na ako nagdalawang isip dahil kasi siya ang team captain namin. Nahihiya kasi ako dahil bagong salta lang ako tapos first day pa naman ng practice namin. Wala pa talaga akong totally na kakilala.
"Ay, oo nga pala!" Agad akong tumayo at nagpagpag ng shorts ko. "Una na po ako, Cap! Salamat!"
"Kita na lang tayo bukas!" Sigaw pa niya at kinawayan ako.
Kumaway na lang ako pabalik at nagtatakbo. Sinayang ko lang ang paghihintay para sa wala. Ayaw ko pa namang nasasayang 'yong oras ko sa katulad no'n at iyon na ang pinakamatagal kong paghihintay dahil ayaw ko talaga sa lahat ang pinaghihintay ako.
"Deesten, sama ka na kasi sa amin . . . " Tintin daw pangalan niya pero Justin ang nakalagay sa ID niya.
Nahihiya pa rin kasi ako no'ng binuksan at nilibot ko pa talaga ang tingin ko sa apartmet nila ng walang paalam. Nahuli nga nila ako no'n, mabuti na lang hindi nila ako pinagkamalang magnanakaw, nakakahiya talaga.
"Tinatakot mo kasi, bakla," suway naman ni Cole sa kanya na Coleen daw sa gabi. "Tara rito, lilibre kita ng kwek-kwek. Kapag tumanggi ka ipapajombag talaga kita." Hinila niya ako sa may sidewalk.
"Gaga, sinong mas malala sa atin?" Tumawa pa si Tintin at hinampas sa braso si Coleen.
Nilibre nila ako ng tusok-tusok ang sabi pa nila kuha lang ako ng kuha kaya kumuha ako ng marami.
"Hep," nabitin ang pagsubo ko ng pinigilan ako ni Tintin. "Kapag sinubo mo 'yan, wala ng bawian dahil simula sa araw na 'to, lagi na tayong magkasama," nginitian pa ako ni Tintin.
Napabaling naman ang tingin ko kay Coleen na nakangiti rin sa akin. Ilang araw na rin nila akong kinukulit pero kasi . . . nahihiya talaga ako roon sa apartment, thingy. Average lang kasi ako when it comes to socializing. Hindi ako makikipagusap, kapag hindi ako kinakausap at kapag hindi naman kailangan.
Sunod-sunod kong sinubo 'yong kwek-kwek kaya sobrang tinis ng tili ni Tintin. Niyugyog pa niya ako habang nagtatalon siya na akala mo, e nanalo sa lotto.
"Bakla, kalma." Tumawa si Coleen. "Tara, hatid ka na namin," hinila na naman ako ni Coleen kaya napabitaw sa akin si Tin-tin.
"Huwag niyo akong iwan, mga bakla!" Tumakbo pa si Tin-tin habang 'yong paa e ay sobrang taas ng abot at ang kamay ay pumalantik pa.
Tumawa ng malakas si Coleen at hinala ako palayo sa kanya.
"Hoy! Hindi pa bayad 'yong binili niyo!" Sigaw ni Kuya Manong.
Sabay-sabay kaming napahinto sa pagtakbo at nagkakatitigan. Tumawa lang kami nang tumawa ng parang walang bukas habang pabalik kay Kuya Manong.
***
"Bakit naman may bulaklak kang dala?" Tanong ni Coleen sa akin pagpasok ko ng apartment nila.
"Binigay sa akin," sagot ko at nilapag sa lamesa niyang may plates.
BINABASA MO ANG
Interview: A Relationship That Sadly Failed
Fiksi RemajaThere was an interview, which discussed A Relationship That Sadly Failed. *** Deesten Chiara Corpuz is a 20-year-old student currently pursuing a degree in Business Administration with a major in Financial Management. She has many suitors. At the su...