KABANATA 32

31 3 0
                                    

"Good Morning Maam Juliana.." Nakangiting bati ko,Agad ding sumilay ang ngiti ni Maam Juliana ng makita ako.

"Good Morning rin sayo Vien,May gusto lang sana akong sabihin kaya kita pinatawag ngayon." Sambit nya,Ngunit hindi parin mawawala ang ngiti sa labi nya.

Kaya rin ako naririto sa opisina ni Maam Juliana dahil may sasabihin daw sya,Dahil dun dumaan ang kaba sa dibidb ko.Agad pumasok sa isip kona baka tanggalin ako,o di kaya may mas karapatdapat sa pwesto ko.

Pero nawala lahat ng iniisip kong yun nang marinig ko ito mula kay Maam Juliana.

"Nakikita kong masaya ka sa trabaho mo,Lagi kang active,At maganda lahat ang kinakalabasan ng mga ginagawa mo dito sa kompanya ko.So i decide na maging secretary kita Vien."

Agad tumalon ang puso ko sa tuwa ng marinig ko iyon,Lahat pala ng ginagawa ko dito ay may nakakakita at saksi rin si Maam Juliana dun.

"Kaso ang tanong payag kaba Hija?"

"Opo!Opo Maam Juliana,Payag po ako.Sobrang maraming salamat po talaga Maam." Hindi ko na napigilan ang aking sarili ay agad niyakap si Maam Juliana.

Ramdam ko ang gulat ni Maam Juliana,At ganun din ang naramdaman ko nang gawin ko 'yon,Dahan-dahan naman akong hinaplos ni Maam Juliana sa buhok.

Dahil sa ginawa nya na miss ko si Tita Lira,Wala na akong update sakanya.Pag wala akong pasok pupuntahan ko sya,Kami ni Astrid. At alam kong matutuwa sya dahil okay na kami ni Astrid.

Agad akong kumalas sa yakap at humarap kay Maam ng nahihiya.

"Sorry po masaya lang po talaga ako.." Sabay ngiti ko ng malapad.

"It's okay,Keep smiling Vien."

"Kate!" Sigaw ko nang makitang kumukuha ng kape si Kate,Agad naman akong tumakbo at niyakap sya sa tuwa.

"Why?" Bakas sa boses nya ang pagtataka,Kaya agad akong kumalas sa yakap at humarap sakanya ng nakangiti.

"Secretary na ako ni Maam Juliana!" Masayang sambit ko,Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko,siguro para narin makaiwas sa muka ni Stacy.

"Ang babaw ng kaligayahan?Samantalang ako magpapakukuha palang sya ng kape halos matapon kona ang lamesa sa labas,Tapos ikaw?" Taas kilay nyang saad.

"Magkaiba naman kase tayo Kate.." Sabay tawa ko ng mahina.

"Whatever!Anyway congrats.." Sabay hug nya sakin.Agad akong kumalas nang may maalala.

"Pano ka?Diba secretary ka ni Maam Juliana?" Tanong ko,Agad naman syang tumawa.

"Ayoko na,Tyaka malapit naring umuwi si Kuya Storm.Tapos sabi nya kay Mommy wag kona daw ituloy ang pagiging secretary ko,Ayusin ko nalang daw condo nya," Agad namang sumilay ang nakakalokong ngiti ni Kate sakin,"Alam moba?".

"Hindi?" Tanong ko pabalik,Bigla naman syang umirap.

"Kung nasa'n ang condo ni Jasmine,Dun din ang kay Kuya.Tyaka para naman maganda lagi ang bungad nila sa umaga,pinagtapat ko sila ng condo." Proud nyang saad,Natawa naman ako dun dahil gagawin talaga ni Kate ang lahat mapabago lang Kuya nya.

Hindi ko alam pero kilig ang nararamdaman ko pag nagkita sila,Supportive friend lang hehe.Pero nakikipag away si Mimina sa lalaki e,Goodluck nalang sa Storm nayun.

Masaya akong pumunta sa desk ko kung saan ako nag tra-trabaho,Sinabi rin sakin na bukas daw ay ililipat na ang mga gamit ko sa tabi ng office ni Maam Juliana.

Gusto ko mang sabihin kay Astrid ito pero pinigilan ko ang sarili ko,dahil hindi pa nya alam ang tungkol dito.Buti nga't hindi sya nag tatanong kung bakit gabi na ako umuuwi.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon