Lumingon si Ocean sa direksiyon ng pintuan ng veranda na nakagawian na niyang buksan sa gabi para pumasok ang sariwang hangin ng kabundukan kung saan naroon ang subdivision na kanyang tinitirhan. He could see the faint light coming from outside na nagmumula sa papasikat na araw. It was still cold inside his bedroom dahil na rin sa malamig na hangin na malayang pumapasok sa nakabukas na pintuan.
He was still lying in his bed, na kayang tanging ginawa sa magdamag. Hindi na nga niya alam kung nakatulog pa ba siya, but he knew that he only counted the time and waited for a glimpse of light to seeped through the open door of his veranda. He turned his head and again his eyes locked on the white colored ceiling of his room and a sigh was released from his lips. With his right-hand index finger and thumb, he pressed his eyes and then the bridge of his nose. Saka sinuklay ng kanyang kamay ang gulo-gulo niyang buhok.
Ilang araw na ba siyang pinagdadamutan ng antok at tulog? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Halos gabi-gabi sa tuwing manggagaling siya sa bahay nina Aspen ay hindi na siya dinadalaw ng antok at pinagdadamutan ng tulog. Tila ba pinagdadamot iyun sa kanya ni Aspen.
Saka siya lumingon na muli at sa pagkakataon na iyun ay sa direksiyon naman ng side table kung saan nakapatong ang digital clock, kung saan ang kulay asul na neon light digits ay nagsasabing alas-singko na ng umaga.
He expelled another sharp breath at saka niya hinawi ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan at saka siya bumangon mula sa kanyang pagkakahiga at inilapag niya ang kanyang mga paa sa sahig habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama.
Saka niya itinulak ang kanyang sarili para makatayo siya at saka humakbang ang kanyang mga paa patungo sa nakabukas na pintuan ng veranda at doon ay inihakbang niya ang kanyang mga paa palabas at bumati sa kanya ang malamig at sariwang hangin ng kabundukan ng Rizal. Nagpatuloy ang pagtahak ng kanyang mga paa hanggang sa maabot niya ang glass railings ng veranda.
Kumapit ang kanyang mga kamay sa stainless-steel frame at hinayaan niyang dumampi sa kanyang hubad na pang-itaas na katawan ang malamig na hangin. He could feel the coldness beneath his soles sa malamig na tiles na tinatapakan ng walang sapin niyang mga paa.
He looked straight sa magandang view na nasa kanyang harapan, ang nagtatalong kulay ng luntian, tsokolate, at kahel ng mga kabundukang parang mga malalaking alon. Mayroon ding mga cable towers na nakahilera at pantay ang mga agwat na tila ba mga bantay ng kabundukan. At ang liwanag ng haring araw ay unti-unting nagpaparamdam sa nagtatalong kulay asul at abo na kalangitan na may mga pahapyaw na tila mga balahibong mga ulap. At ang malamlam na liwanag ng araw ay unti-unti na ring humahalik sa pisngi ng kabundukan.
Nang mamataan niya ang lugar na iyun sa unang pagkakataon ay agad niya itong minahal dahil sa magandang tanawin, katahimikan, at malamig na klima. Isang seklusiyon sa abalang lugar ng metro kung saan niya binubuno ang halos kabuuan ng kanyang oras sa bawat araw.
He found peace in this place...pero mukhang ang katahimkan at ang magandang tanawin ay nabigo rin siyang tulungan na bigyan ng kapayapaan ang kanyang kalooban at isipan nitong mga nakaraan na araw.
Naalala niya na naman ang nangyari kagabi, kung paanong naramdaman niya ang tuhod nitong kumikiskis sa kanyang hita. Sa tingin naman niya ay hindi iyun sinasadya ni Aspen, dahil sa kailangan nitong idikit ang upuan sa kanyang kinauupuan para maglapit sila at makita at marinig nito ang kanyang ipinaliliwanag.
There were instances when Aspen reached across the table para damputin nito ang isang ballpen at hindi sinasadyang dumampi ang dibdib nito sa kanyang siko. At kahit pa ayaw niyang maramdaman, ay kanyang naramdaman ang malambot nitong dibdib mula sa suot nitong t-shirt.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...