1

2.1K 56 14
                                    

Irene's POV:

Halos dalawang buwan na rin ang naka-lipas mag-mula ng lisanin ko ang bansang Pilipinas. Sa ngayon ay naka-tira ako sa isang bahay dito na binili ko lang din sa araw na ako'y dumating dito. Maliit lang ito kumpara sa bahay namin sa Maynila ngunit sakto lang para sakin dahil hindi ko rin naman kasama ang mga bata dito. Isang weekend lang sa loob ng isang buwan pinapayagang lumabas ng campus ang mga bata kaya naman madalang ko lang din silang makasama. Mag-mula nang umalis ako sa Pinas ay wala na akong contact kay Greggy at kanino man sa aking pamilya dahil dieactivate ko na lahat ng social media accounts ko mag-mula ng araw na yon. Ang simcard ko naman ay tinapon ko na rin sa airport pagka-baba ko ng eroplano dito sa UK. Tanging mga anak ko lang ang may contact pa sa aming pamilya sa Pinas at isa na don ang ama nila na base sa kwento nila ay halos araw-araw silang tinatawagan. Hindi na rin ako masyadong nag-tatanong pagdating sa kanya dahil ayoko na rin namang maalala ang mga nakaraang saakit. Ang business ko naman ay dito ko na mismo itinuloy sa UK at sa tulong ng mga kaibigan namin nuon ni Greggy na nasa business industry din ay mabilis ko lang din itong napalago.

Ngayon ay nag-kakape ako sa sala habang naka-tanaw sa mga litratong naka-lagay sa isang patungan. Nuong una ay tangng picture lamang ng limang bata ang naka-laga dito ngunit nang makita ito ng mga bata ay agad nilang idinagdag dito ang aming family picture noong pasko at birthday ni Luis. Hindi ko din naman sila mapag-bawalan dahil kahit naman gustuhin kong tanggalin ito ay wala na rin akong magawa dahil aminin ko man o hindi ay natutuwa ako kahit na tingnan ko lang ang mga litratong ito. Hindi ko alam ngunit kahit na anong gawin ko ay talaganng napapa-ngiti nalang ako sa tuwing mapapatingin ako dito. Kadalasan pa nga ay kahiit na pagod na pagod na ko galing opisina ay nawawala bigla ang pagod ko sa tuwing titingnan ko ang mga litrato dito.

"Irene.." tawag ng isang tao mulla sa pinto habang kumakatok.

"Bukas yan." Sigaw ko naman dahil wala pa rin ako sa wisyong tumayo.

"Ano ba?" Tanong nito sakin nang maka-pasok.

Yan si Amanda. Ang asawa ng matalik na kaibigan ni Greggy sa industriya ng negosyo. Nagingkaibigan ko na rin dahi madalas din naman kaming mag-sama nuon sa tuwing nasa meeting pa ang aming mga asawa. Isa din sila ni Oliver sa mga tumulong saking magpa-lago at mag-ayos ng mga papeles ko dito.

"Kape?" Tanong ko ngunit hindi ko parin inaalis ang tingin sa mga litrato.

"Bumalik nalang kaya ko mamaya? Mukang di ka pa tapos makipag-titigan kay Greggy eh." Pang-aasar nanaman nito.

"Ang aga-aga ha!" Sabi ko habang pinanlalakihan ko siya ng mata.

"Ireneeee." Malambing na sabi ng isang pamilyar na boses mula sa pintuan.

Agad namang natingin sakin si Amanda at tinitingnan ang magiging reaksyon ko.

"Jusko!" Tanging nasabi niya ng tunguhin ko ang pinto at papasukin ito.

"Hi Amanda." Naka-ngiti nitong bati dito nang makita si Amanda sa sala.

"Ang aga mo naman ata?" Mataray na sabi ni Amanda.

"Eh naisip ko kasi para sakto sa almusal ni Irene." Sagot nito.

"Irene, hindi mo ba nabanggit kay Manuel na aalis tayo?"

"A-ah oo nga pala. Pasensya ka na, Manuel. Importate kasi tong pupuntahan namin eh." Sabi ni Irene sa kanya.

"Okay lang, makakapag-hintay naman ako eh." Sabi ni Manny.

Hindi pa man ako nakaka-sagot ay pinangunahan na kong muli ni Amnda.

"Irene, hindi ba third week ngayon?"

"Oo, bakit?" Tanong ko dito.

"Edi pauwi din mamaya ang mga bata."

"Ay shit! Oo nga pala. Hindi ko pa naayos yung mga kwarto nila." Inis na sabi ni Irene.

"Kaya halika na at nang maaga tayong maka-uwi."

"Pwede ko naman kayong tulungan." Naka-ngiting sabi ni Manny.

"Manny, pasensya ka na talaga pero baka kasi abutan ka din ng mga bata eh. Next time nalang."

(Manuel A.K.A. Manny)

Wala na rin namang nagawa si Manuel kung hindi ang tuluyan nang umalis a lisanin ang bahay ni Irene.

"Hinay-hinay ka lang naman. Paano naman ako mailigawan neto eh naka-bakod ka agad?" Pag-bibiro ko kay Amanda.

"Talagang babakuran kita! Dahil kay Greggy ka lang!" Natatawang sabi naman nito.

"Hay nako, halika na nga at nang maka-uwi din tayo agad." Sabi naman ni Irene.

Wala naman kasi talaga kaming eksaktong pupuntahan ngunit talagang mapilit lang nung isang gabi si Amanda na lumabas kaya pinag-bigyan ko na. Nag-grocery na rin ako ng pangkain namin ng mga bata para sa mamaya at bukas dahil nga hindi naman lahat ng pagkain ay nakakin nila sa kanilang campus. Sa tuwing lalabas sila ng campus ay talagang pinag-hahandaan ko sila ng kanilang mga paboritong pagkain. Hindi na rin naman kami nag-tagl dahil nga pinaalala din naman niya na uuwi ang mga bata at gusto niyang tumulong mag-luto.

"Anong oras ba ang dating ng mga bata?" Tanong ni Amanda sakin na nag-aayos ng mga rekado.

"Depende, dati kasi umaga. Kaso minsan, hindi pa nga daw sila tapos kaya may mga time talaga na gabi na sila nakaka-uwi."

"Ah ganon ba? Sige na, ako na muna bahala dito. Ayusin mo na muna yung mga kwarto nila."

Hindi ko rin alam ngunit simula din naman ng malaman ng mga bata na may bahay na ako dito at layan nila ito ng kanilang mga gamit ay hindi ko na muling napasok pa ang kanilang mga kwarto. Sila na rin kasi ang nag-aayos ng mga gamit nila dito tuwing bago sila umalis. Alam ko naman na malinis na ang mga ito, ngunit naisipan ko lang talaga na palitan ang mga punda ng kama nila. Kakatiting lang naman ang aayusin ko dahil dalawang kwarto lang naman ang papasukin ko at mag-kasama naman ang mga lalaki at tatlong mga babae kaya dalawang kwarto lang ang aking aayusin. Si Chloe naman kasi ay madalang din namang sumama sa amin sa bahay dahil sinabihan niya si Alfonso na kaming pamilya nalang muna ang mag-bonding habang siya namana a mag-iikot lang sa buong London at mamahinga nalang. Una kong pinasok ang kwarto ng mga bata at nagulat ako ng makita ko ang isang portrait dito na sigurado kong painting ni Victoria dahil may pirma niya ito sa baba. Litrato ito nilang tatlong babae kasama si Greggy na sa tinngin ko ay kuha pa sa campus nila dahil nakasuot pa sila ng uniform.

"Naka-dalaw na pala si Greggy sa kanila?" Tanong ko sa sarili ko ng makita ito.

Agad namang napalitan ng saya ang tanong ko sa isip na yon dahil tuwang-tuwa talaga akong makita ang mga ngiti nila sa painting nayon. Sa saya ko ay hindi ko na namalayang naka-tapos na pala ko sa pag-aayos ng kanilang kwarto. Nang pasukin ko naman ang kwarto ng aking dalawang lalaki ay bumungad sakin ang isang malaking kahon na hindi ko alam ang laman dahil halos tv na malaki ang size nito. Base sa nakikita ko ay nag-mula ito sa Pinas. Nang tingnan ko ang tag na naka-lagay ay tama nga ang hinala ko, galing nga ito sa Pinas at mismong si Imee pa ang nagpadala sa dalawa. Ni hindi ko maalalang pinasok ito sa bahay kaya naman nag-tataka talaga ko kung ano ang laman nito.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon