Chapter 1

344 34 44
                                    

(A/N. Pampagoodvibes lang po ito na story. Simple and cute lang siya no more dramas and heavy scenes unlike sa isang story ko na nakaka stress hahaha. Enjoy Reading!)







Halos nagsitinginan lahat ng mga pasahero sa jeep dahil sa malakas at biglaan kong pag-iyak.

Grabe ang iyak ko habang yakap-yakap ang cellphone ko kung saan binabasa ko kanina ang huling kabanata ng "Lovely Yours".

Hindi ko na nga ito nagawang tapusing basahin kasi ang sakit-sakit sa heart ng mamatay ang favorite character ko na si Zhemrel!

"Zhemrel! Bakit ka namatay! Huhuhu!"malakas na hagulhol ko habang pinagtitinginan na ako ng kakaiba ng mga kapwa ko pasahero.

"Lah! Ayos lang siya?" Pag-aalala ng ibang pasahero sa jeep.

"Namatayan siguro!" Rinig ko pang bulungan ng mga katabi ko.

May mabait naman na ale na katabi ko lamang ang humagod sa likod ko.

"Condolence Hija." malungkot na sabi pa nito habang hinahagod ang likod ko. Mas lalo lamang tuloy ako naiyak dahil sa ginawa ng Ale!

"S-salamat po Ale!"Umiiyak ko pang sabi.

Hindi talaga matake ng mahina kong puso ang pagkamatay ni Zhemrel! Ang sakit sakit!

Bakit siya? Bakit kailangan niyang mamatay? Nagmahal lang naman siya ng tapat at totoo sa nobela!

Author naman! Ba't kailangan pang mamatay ni Zhemrel sa ending! Hindi mo na nga binigyan ng lovelife at sawi pa sa pag-ibig! Tapos sa ending namatay pa siya!

Huhuhu! Ang saklap!

Alam kong hindi talaga si Zhemrel ang endgame ni Selene na siyang bida sa nobela. Pero sana naman binigyan man lang ng hustisya ang ending niya!

Pwedi naman siyang gawing single nalang forever ng author, o kaya magliwaliw sa malayong lugar na hindi siya magiging sagabal sa pag-iibigan ng mga bida!

Gustong-gusto ko talaga ang karakter ni Zhemrel simula palang ng umeksena siya sa estorya kahit hindi naman siya ang pangunahing bida!

Isang binatang handang gawin ang lahat alang-alang sa babaeng minamahal niya kahit walang hinihinging kapalit. Sana nga ako nalang si Selene!

Dahil kung ako si Selene mas pipiliin ko si Zhemrel. Pero hindi naman ako si Selene! I will never be Selene! Choss!

Makauwi lang talaga ako ng bahay ay tatadtarin ko talaga ng masasamang comment si Author!!

"P-para po manong!" namimiyok ko pang sigaw sa driver dahil sa iyak ko kanina. Nang inabot ko na ang pamasahe kong bente pesos ay binalik ito ng driver.

"Libre ka nalang daw sabi ni manong." Naawa na sabi nung konduktor ng jeep.

Luh! Naawa siguro sakin si Manong driver. Akala siguro ni manong na namatayan talaga ako ng totoo.

Napaluha na naman tuloy ako ng maalala na patay na si Zhemrel!

"S-salamat po!" naluluha kong sigaw sa driver nung jeep.

Pagkatapos ay bumaba na ako ng jeep sa gilid ng kalasada.

Kinakailangan ko pang maglakad ng ilang metro para makapunta sa bahay namin.

Nakatira kasi kami sa tabi ng malaking ilog. Kaya bago pa ako makapunta sa bahay namin ay kinakailangan ko pang tumawid sa isang mataas at makitid na hanging bridge.

Habang naglalakad sa hanging bridge, ay tinitigan ko ang wallpaper ko sa cellphone.

Digital fanart ito ni Zhemrel na pinagawa ko sa pinsan ko.

Saving the Second Male Lead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon