Chapter Two

21 0 0
                                    

             

Lumipas ang ilang araw at ngayon ay ang kaarawan ng isa namin kaibigan na si kevin. Nakagayak narin kami at si kia nalang ang hinihintay namin lumabas ng walk in closet ni diane.

"Ang tagal naman ni kia girl.."

Rinig kong bagot na aniya ni diane. Me i know. Excited lang yan pumunta sa party para sa pagkain. Tsk!. Mabuti hindi talaga tumataba ang isang ito sa kakakain.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at lumabas si kia. Mabilis naman siya hinila ng isa paupo sa isang upuan para ayusan.

Nakapag-ayos narin ako dahil marunong naman akong mag make-up sa sarili ko. Kanina parin akong rinding-rindi sa nakatayong katabi kong si biena dahil sa pagre reklamo nito. Naka toxido kasi siya, Kaya tuloy pagkakamalan na siyang lalaki. Kaya kawawa nalang ang mga babae'ng baliw sa kanya dahil tagilid ito.

Nang matapos ayusan si kia ay napagpasyahan na namin bumaba. At muntik pa akong matalisod sa hagdan pababa dahil sa baklitang nakikipag unahan bumaba, mabuti nalang ay nahawakan niya ang balikat ko.

"Ano ba magdahan dahan ka kasi sa pagbaba. Muntik na akong masubsob.."masungit kong aniya dito.

"Tch.kasalan kona yun huh?.."aniya naman nito na mas lalong ikina-inis ko.

"Hoy bakla, kung hindi ka nagmamadali hindi ako matatapilok. Muntik pa tuloy ako malaglag sa hagdanan dahil sayo.."inis na bulyaw ko dito dahil hindi na ako nakapag-timpi.

"Hoy bruha. Mabuti nga at nahawakan kita, kung hindi sira yang panget mong face. Hindi ka man lang nagpasalamat. chee.."mataray naman nitong tugon na lalo kong kina-inis. Aba!

"Maka-panget ito. Hoy sabihin ko sayo. Itong panget na mukhang sinasabi mo ay pinag-kakaguluhan ng lalaki.chee.."depensa ko naman, na totoo.

Umaktong naman itong nasusuka na siyang ikina-taas ng kilay ko."Bruha. libreng mag-pantasya haha.."aniya nito at malakas na tumawa.

Imbis na mainis ay napangisi ako"Mukha'ng ikaw ang nag-papantasya. Dahil ako kahit gising mangyayari ang sinasabi ko. Dahil i am pure woman than you na kailangan mo pa ng retoki haha.."mapang-insulto ko naman na aniya at nakakaasar na tumawa.

Napahinto naman ito at masama akong tiningnan na inirapan ko lang. Sasabunatan sana ako nito ng pinigil kami ng dalawa. Salamat siya at napigil kami kung hindi baka hindi siya makadalo sa party mamaya dahil magkakaroon siya ng dalawang black eye sa magkabilang niyang mata.

Nag-irapan pa kaming dalawa bago naisipan ng lumabas ng bahay. Sumakay kami sa van nila diane at ang family driver nila ang driver namin.

Nang makarating ay sabay sabay na kaming lumabas at kumapit naman ako sa braso ni kia bago pumasok sa loob ng bahay nila kevin.

Maraming bisita agad ang bumungad samin at winil-come niya pa kami na ikinatawa naman ng mga kasama ko.

"Mabuti nandito na kayo guys. Pasok sa loob and welcome to Family Vargas House guys.."nakangiting sambit ni kevin samin.

"Wow fafa kevin may pa-entrance pa huh?na-touch kami.."malanding sambit ni biena na inilingan lang ni kev dito.

"Lets go pasok na tayo sa loob.."alok nito samin kaya tinanguan namin ito at pumasok na sa loob.

Napabitaw naman ako sa braso ni kia at napatingin tingin sa paligid. May ibang napapatingin samin na hindi ko nalang pinag tuunan ng pansin.

"Kev nasaan banda dito ang food niyo?.."rinig ko naman tanong ni diane.

Kaya napatingin ako sa kanya ganon din pala ang dalawa.

"What? yon naman talaga ang pinunta ko dito. Kaya wag nga kayong OA.."aniya naman samin ni diane ng mapansin niyang nakatingin kami sa kanya bago bumalik muli ang tingin niya kay kevin."Saan na yung direksyon kev?.."tanong muli nito na ikina-iling ko nalang.

Taming The Mannhasser (Mafia Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon