Chapter Five

15 0 0
                                    

          

Mabilis pang lumipas ang mga araw at sa nakalipas ay walang nagbago sa takbo na aking buhay. Mas nagiging busy pa lalo si mom sa company namin kaya hindi na ito nakakauwi at madalas ay sila manang nalang ang nakakasabay ko sa pagkain.

Hindi ko nalang napipigilan minsan ang mapabuntong hininga. Akala ko nga puro pagkukulong nalang sa bahay ang mangyayari sakin ngayon maghapon but not dahil sa tawag ni diane na uuwi daw kami sa baguio to spend there our small time vacation. Hindi naman na ako tumanggi dahil wala naman na akong ginagawa.

Nang natapos namin kunin ang gamit na dadalhin ni kia sa kung nasaan na siya ngayon nakatira ay nagbyahe na kaming patungong baguio sakay sa van nila kevin. Naglalayag ang isip ko ng maramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone sa bulsa ng aking short na suot.

Sa kuryusidad ay mabilis kong hinugot ang cellphone ko sa aking bulsa at tinignan kung sino ang nag message. Napakunot pa ang aking noo at hindi ko mapagilan ang magtaka kung sino ito ng makita na unregistered ang number na nag-text.

Sino naman kaya ito? Wala naman akong natatandaan na nagbigay ako ng number sa kahit sino. Maliban sa kaibigan ko na naka-register na sa phonebook calls ko kaya sino kaya ito.

Unregistered:
Good morning. I hope you enjoy your vacation.

Nang mabasa ang message na nagmula sa isang unregistered ay hindi na maalis sa isip ko ang laman ng mensahe. Simple lamang na mensahe ay bigla nalang may kumislot sa loob ng dibdib ko na siya ko naman ikinapagtaka.

Hanggang sa mahatid na namin si kia sa bahay ng mga magulang nito. Nagtagal pa kami roon dahil sa konting kuwentuhan kay tita. Minsan hindi ko maiwasan mag-inggit sa mayroong pamilyang buo. Minsan naiisip ko ano kaya ang katayuan ko ngayon if buo ang pamilya ko. But reality always hit me na hindi buo ang pamilyang meron ako because of my dad.

Kaya mula noon doon ako nawala ng tiwala sa kahit kaninong lalaki. Naging exemption nalang siguro ang dalawang kung kaibigan na sina biena and kevin dahil bata palang kami ay kaibigan namin silang dalawa.

                       ****

Makikislap na mga bituin at madilim na kalangitan ang siyang karamay ko ngayon kasama ang malamig at preskong hangin na tumatama sa aking buong katawan. Nasa veranda kasi ako ngayon nakaupo sa isang high chair habang nakatanaw sa kalangitan kung saan nakakalat ang mga makikislap na mga bituin.

Hindi ko matanggal ang aking tingin sa kalangitan. Naakit kasi ako sa makikislap na mga bituin sa langit kahit gaano ko pa siya katagal na pagmasdan ay hindi ko pagsasawaan.

Naputol lamang iyon ng maramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone sa ibabaw ng nakatabi sakin na maliit na babasagin na lamesa. Napatingin naman ako dito at napakunot muli ang aking noo ng malaman na ito muli ang nag text sakin dahil sa kuryusidad ay binuksan kona ang mensahe.

Unregistered:
Hey it's me. My catherine.

Hey?

Why you did'nt reply my text?

My catherine.

Yan ang mga mensahe na natanggap ko mula dito. Napataas pa ang isang kilay ko at bumalik ang inis ko ng matandaan kung sino ang tumatawag sakin sa pangalan na ganito. Yung lalaking manyak na ilang beses ko ng na-incounter at kanina ko lang din natandaan na siya yung lalaking na dare sakin na halikan sa bar.

Ang ipinagtataka ko lang ay mula ng mangyari ang bagay na yon ay madalas ko ng naiincounter ang lalaking yon. Hindi ko rin maiwasan mainis dahil sa ginawa nito sakin sa loob ng library. Napaka manyak na lalaki. Ang nakakainis pa ay na-incounter ko muli ito kanina sa bahay na tinatirahan ni kia ang bahay ng kanyang asawa.

Taming The Mannhasser (Mafia Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon