"Bakit mo ko dinala dito."hindi ko ng napigilang tanong dito.
Napatingin naman ako sa malaking building na nasa harapan namin ng makalabas ako ng sasakyan niya. Hindi ko rin mapigilan ang mapakunot ang noo, dahil sa pagtataka kung bakit niya ako dinala dito. Kita ko rin ang malaking pangalan ng building. 'X A L INTERPRISES' sa itaas ang nakalagay.
Napalingon naman ako sa tinanong ko na hindi ako sinagot. Nakataas ang kilay na hinarap ko ito.
"What?."tanong ko ditong muli.
Napakamot naman ito sa batok."Gusto lang kitang isama dito may kakausapin lang ako saglit."hindi makatingin nitong aniya na siyang ikinasama ng tingin ko dito.
"May pa-secret secret ka pang nalalaman gagawin mo lang naman pala akong chafeuron hindi mo nalang sinabi."sarkastiko kung sinabi habang may matalim na tingin na pinupukol dito.
"No! its not like that.. i just want you to bring here nothing else and not being my chafeuron that you say."depensa nito na ikinairap ko nalang.
Kung hindi lang niya pinagaan ang loob ko kanina ay baka ngayon ay susungitan ko ito. Mabuti nalang i owe him. So, pagbigyan nalang muna.
"Tsk, tara na sa loob ng matapos na kailangan mong tapusin dito."aniya ko nalang.
Agad naman itong lumapit sakin at agad na hinawakan ang kaliwang kamay ko at pinagsalikop na siyang ikinagulat ko. Babawiin ko sana ang kamay ko ng higpitan niya ito at nauna ng naglakad at hatak ako.
"Hoy ang kamay ko Xander."mahinang sigaw ko dito.
"Please cath, just this one dont argue with me.."nangungusap na aniya nito na siyang kinatahimik ko nalang at tumigil na sa pagpalag sa kanya kaya napatingin ito sakin. Kumurba ang maliit na ngiti sa labi nito."Thanks.."aniya nito bago ibalik ang tingin sa harap.
Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang malakas na pagkabog nito. At sa hindi malaman ay napatingin ako sa magkahawak naming kamay. They fit each other, parang ginawa sila para sa isa't isa.
Napaangat naman ako ng tingin sa may ari ng kamay na may hawak sakin at hindi ko maiwasan titigan ang mukha nito. His so serious now at wala na ang maloko niyang ekspresyon na palagi kong nakikita. He serious now habang hawak niya ang kamay ko at papalapit sa security na nakatayo sa entrance ng building.
Kinausap nito ang security guard na hindi ko naman inintindi dahil naka focus ang paningin ko sa seryoso niyang mukha. I don't know if he is serious about what he say noong nasa vacation trip pa kami, yung sinabi niya sakin sa tabi ng puno ng niyog ilang buwan na ang nakakalipas.
At hindi maipagkakaila na minsan pumapasok iyon sa isip ko. Kung totoo ba ang sinabi niya na yon at seryoso ba siya doon. At mula ng sinabi niya yon, doon mas lalo lumabas ang mga emosyon na hindi ko kailanman naramdaman. Hindi kona alam. Hindi ko na alam kung mapipigilan ko pa ang nararamdaman kung ito kung mas lumalim pa ito.
"Hey, are you okay?.."
Nabalik lang ako sa malalim kung iniisip ng marinig ang boses nito. Nakatingin na pala ito sakin habang may bahid ng pag-aalala ang kislap ng mga mata nito.
"Okay lang ako, tara na sa pupuntahan para matapos na tayo."aniya ko nalang sa masungit na boses na ikinabuntong hininga nalang nito at maingat na akong hinatak papasok sa elevator na nasa harap namin.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng elevator. Ramdam ko rin ang mga tingin ng mga nadadaanan namin mga nagtatrabaho sa mga cubicle nila.
"Kung masama ang pakiramdam mo sabihin mo lang at ng ihahatid na kita sa inyo."aniya nito.
Bumalik naman muli sa isip ko ang nasaksihan ko sa bahay na siyang pagbalik ng sari saring emosyon na nararamdaman."Okay lang ako at nandito na tayo kaya gawin muna ang gagawin mo dito. Ayaw ko pang umuwi."aniya ko.
BINABASA MO ANG
Taming The Mannhasser (Mafia Series#2)
БоевикRhianna Catherine Pineda Alcantara ang babaeng kinasusuklaman ang mga lalaki, dahil sa kanyang past na hindi makalimutan. Xander Lee, a naughty childish man, loves to play around, mostly in girls. A playboy. Fifth boss in mafia world, a ruthless an...