( Noelle )
Dumidilim na at napapagod na rin ako kakatakbo. Wala rin akong suot na kahit ano sa paa kaya naman sumasakit na ang talampakan ko.
Medyo nakalayo naman na ako sa bahay at panigurado hindi na niya ako masusundan dito. Hinihingal na sumilong ako at umupo sa waiting shed. Walang mga tao, mangilan ngilan lang dahil wala naman kami sa city.
Nilinga linga ko ang paligid. Hindi ko napansin na liblib pala itong napuntahan ko. Ngayon ako nakaramdam ng takot sa paligid. Madilim dahil wala masyadong kabahayan at mangilan ngilan lang din ang ilaw na nasa poste. May daraan namang mga sasakyan dito ngunit wala naman akong nadala na kahit ano. Yung wallet ko naiwan din sa kwarto ko kasama ng bag ko, pati cellphone ko naiwan din. Hindi ko man lang tuloy matawagan si Cherry para humingi ng tulong. Nauuhaw na ako dahil sa pagtakbong ginawa ko. Gumiginaw na rin dahil gumagabi na. Napayakap na lang ako sa sarili. Sumasakit na rin ang mga sugat ko.
Ang malas naman. Naaawa ako sa sarili ko. Bakit ganito ang buhay ko? Tumingala ako sa kalangitan. Wala na akong mga magulang at ni minsan hindi ko sila nakilala o nakita man lang sa litrato. Ang sabi sa akin ni nanay Beth nakita lamang daw niya ako sa labas ng bahay niya noong sanggol pa lamang ako. Balak pa niya akong itapon noon o ipamigay sa iba dahil wala siyang ipangtutustos sa akin. Ngunit naawa raw siya at naisip na makakatulong sa kanya kapag lumaki na ako.
Pagak kong napatawa sa sarili. Kaya pala niya ako kinupkop ay siguro dahil nga babae ako at maaari niya akong pagkakitaan sa club. Ibubugaw sa mga kliyente nito.
Napaiyak ako sa kinahinantungan ng buhay ko. Nagpapasalamat ako at kinupkop ako nito ngunit hindi ko kayang gawin ang gusto nito. Kaya kong magtrabaho araw at gabi ngunit hindi sa club. May pangarap ako at iyon ay ang makapag tapos sa kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho.
Namaluktot ako habang yakap yakap ang sarili.
"Paano na ako ngayon? Saan ako pupunta?"
Nagsimulang manubig ang aking mga mata at tuluyan nga iyong mamasa hanggang sa hindi ko na mapigilan bumuhos na ang luha ko.
Napakislot ako ng may marinig na kumaluskos sa paligid. 'Ano 'yun?' naitanong ko sa sarili habang kinakabahan na palinga linga sa paligid.
Madilim na dahil gabi na. Wala akong masyadong maaninag.
Pinanayuan ako ng balahibo dahil naulit ang kaluskos. Napatayo ako sa kinauupuan.
Muntik na akong mapahiyaw ng isang kuting lamang pala iyon. Nakahinga ako ng maluwag babalik sana ako sa pagkakaupo ng makarinig naman ako ng mga yabag.
"Hanapin niyo riyan. Hindi pa iyon nakakalayo."
Rinig kong sigaw ng isang lalake. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi kaya ako ang hinahanap nila?
"Malalagot tayo kay boss kapag hindi natin siya nadala pabalik."
Nagmadali akong nagtago sa likod ng waiting shed. Mabuti at may mga sukal roon at may talahib. Nagpasalamat na rin ako dahil madilim, hindu kaagad ako mapapansin roon.
Kahit alam kong marumi roon wala na akong pagpipilian dahil baka makita nila ako. Hindi man ako sigurado kung ako man ang hinahanap ng mga kalalakihan na iyon mas mabuti pa rin na magtago ako.
Dumapa ako at tinakpan ang sarili ng mga basura na naroroon. Mabaho, dahil naghalo halong basura iyon. Napapikit ako at halos hindi na huminga ng makarinig ng yabag malapit sa kinaroroonan ko.
"Sigurado bang ito lang ang daan mula sa bahay ng babae na iyon?"
"Mahihirapan tayong hanapin 'yon kung kanina pa. Madilim na rin."
"Gusto m pa bang mabuhay?" asik na tanong ng isang lalake sa kasama nito. Ito marahil ang leader nila. "Alam mo kung anong ginagawa ni bossing sa mga taong walang ginawa kung hindi ang magpasaway."
"Syempre naman boss." bahag ang buntot na sagot naman nito. Para itong takot na takot.
'Panigurado ako nga ang hinahanap nila. Tinawagan siguro ni nanay Beth si Mr. Chen at pinasundan ako.'
"Kaya umayos ka at hanapin natin ang babaeng 'yon."
"Opo boss. Pasensya na."
"Lumarga ka na. Hanapin mo ang ibang kasama natin. Sabihin mong dito kami sa kanan kayo doon sa kaliwa maghanap. Hindi pa iyon nakalalayo, ang sabi walang kahit na anong dala iyon."
Napasinghap ako dahil ako nga ang hinahanap nila.
"Ano 'yon?"
Kinakabahan na pinigil ko ang paghinga. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko ng marahang humakbang ang isang lalake palapit sa kinaroroonan ko.
'Please Lord. Huwag sana nila akong makita. Please, please.' piping dasal ko.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyare. Napaigik na lang ako sa sobrang sakit at halos mawalan ako ng hininga. Tinadyakan nito ang likod ko at halos mabalian ako ng buto at maging at ribbs ko. Namaluktot ako sa sobrang sakit.
"Sinasabi ko na nga ba. Magtatago ka pa riyan babae ka."
"Ayos boss. Ang galing mo."
"Katangahan mo. Malapit ka na rito kanina hindi mo pa alam."
Hindi pa ako nakakabawi ng hiklatin naman nito ang hubok ko at marahas akong itinayo mula sa pagkakadapa ko.
"Kawawa ka naman pero hindi mo kami matatakasan."
Napaiyak ako sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.
"Bitiwan niyo na po ako. Please po."
"Ano ako tanga? At bibitawan kita." tumawa ito na parang baliw. "Sumama ka na lang at huwag mo kaming pahirapan. Kami ang malalagot kapag hindi ka namin dinala sa boss namin."
"Bitawan mo ako." Nagpumiglas ako sa pagkakasabunot niya sa buhok. Masakit dahil mas humigpit iyon. "Aray ko! Nasasaktan ako." sigaw ko kasabay ng pagtulak sa lalakeng may hawak sa buhok ko.
"Punyeta kang babae ka. Hindi ka talaga mapakiusapan ng maayos ha." gigil nitong turan.
Sinampal ako dito na halos matulig ako sa sobrang lakas. Tumalsik ako sa gilid ng waiting. Nahilo ako at nanlabo ang paningin ko. Nawala ang lakas ko.
"Kung hindi ka na sana nagpapasaway, hindi ka masasaktan." rinig ko pang turan nito. "Tawagan mo ang driver sabihin mong bilisan para madala na natin ang babaeng ito kay boss."
Kinaladkad ako nito mula sa aking buhok. Sa nanlalabong paningin nakita ko ang mga mukha nila at ang paghinto ng isang itim na sasakyan. Binuksan iyon ng isa pang lalake na lulan ng sasakyan. Mukha silang mga sanggano at puno ng tatoo ang mga katawan.
Binitawan ng mukhang leader ang buhok ko at mabilis akong binuhat para ipasok sa sasakyan.
"Maawa na kayo. Huwag niyo na akong dalhin sa boss niyo." mahinang pakiusap ko dahil nawawalan na ako ng lakas.
"Tumahimik ka!" asik nito at magkakasunod na sumakay na rin sa sasakyan ang mga kasama pa nito.
Naiyak na lang ako sa kinahinatnan ko ngayon.
Sana pala hindi ako huminto sa pagtakbo. Sana pala kahit pagod na pagod na ako tumuloy pa rin ako. Hindi sana ako nasundan ng mga lalakeng ito. Naramdaman kong umagos ang luha sa bisngi ko bago ako nawalan ng malay.
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ilang kurap pa ang ginawa ko upang mag-adjust ang paningin ko. Nanlalabo iyon ngunit maya maya lamang luminaw rin iyon. Sa nanghihinang katawan pinilit kong bumangon at umupo ngunit mabilis ko rin itinakip ang kumot sa aking katawan dahil kakarampot na damit lamang ang suot ko, kung matatawag ba iyong damit. Napakanipis niyon at sobrang ikli. Mas nagimbal ang buong pagkatao ko ng higitin ko ang kumot ay isang hubad na lalakeng walang saplot na kahit ano sa katawan ang nakita kong nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)
عاطفيةNoelle Santarin, isang mahirap at hindi nakatapos sa pag-aaral. Kinupkop siya ni Beth Santarin, hindi niya tunay na magulang. Nagtatrabaho siya sa mga part time jobs na nakikita niya para kahit papaano makabawi rito sa pagpapalaki sa kanya. Gusto ri...