THIS IS MY SECOND STORY, I HOPE YOU'LL LIKE IT!
Based on a true story, ako mismo ang nakaranas nito.
-
-
-
-
-
Here is goes.....
NANGYARI TO SAKIN NUNG MGA AROUND 10 OR 11 YEARS OLD PALANG AKO. MGA 5 OR 6 YEARS AGO PERO NEVER KO ITONG NAKALIMUTAN. SA LAHAT KASI NG NAENCOUNTER KO, DITO AKO PINAKAKINILABUTAN.
READ IT SO THAT YOU'LL KNOW IT.
THANK YOU :-)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 1 .. SA COMFORT ROOM!
Kakadating pa lang namin sa opisina ng Mama ko, sa Quezon City. (place was not able to tell fo
r the privacy of this office.) Pumunta ka agad ako sa table ng Mama ko. Inopen ko yung laptop ko at
nag wifi ako! Nagfa-facebook ako that time, nung tinawag ako ni Mama. Kakain na kasi kami. Sabi
niya, mag hugas daw ako ng kamay ko kasi magkakamay lang kami. Isda kasi yung ulam namin.
Sumunod naman ako kay Mama. Pumunta ako ng CR. Napakahabang hallway muna ang lalakarin
mo bago ka makarating sa misbong banyo. Nilakad ko yun, sa unang tingin ko palang dun sa
hallway, kinilabutan nako.
Buti nalang kasama ko si Mama na maghuhugas ng kamay kaya hindi
ako tinablan ng takot. Nasa likod ko naman kasi siya. Hanggang sa nakarating na kame sa CR,
naghugas na ako ng kamay, pati yung Mama ko. Bigla akong naihi, nagpaalam ako kay Mama.
"Mama iihi lang ako dyan ka muna wag ka munang umalis" Sabi ko. "Sige bilisan mo." Sabi niya
naman. Tapos umihi na ka agad ako. Habang naka upo ako sa bowl, lumagapak yung pinto sa
kabilang CR. Nagulat ako, napasigaw pa nga ako nun, pero sabi ni Mama, siya lang daw yun kaya
wag akong mag-alala. Edi winalang bahala ko nalang yun, tapos pag-labas ko, Hindi ko na nakita
si Mama. Sigaw ako ng sigaw ng "MAMA. MAMA. NASAN KA NA BA?" Pero walang sumasagot..
Biglang may nakita akong naglalakad, nasa hallway siya papuntang CR. Papunta sa kinakatayuan
ko. Nagsisisigaw ako! Takot na takot! Tapos biglang, pagdating niya sa harap ko, si Mama pala.
Halos maiyak iyak nako nun! Grabe.. Takot na takot ako! "Bakit ka ba nagsisisigaw dyan? Dinaig
mo pa ang nakakita ng multo! Ano bang nangyayari sayo?" Sabi ni Mama. "Mama, kanina ka pa ba
wala dito? Kasi, may tao kanina. Nagsalita. Parang ikaw," Sabi ko naman, "Kaka alis ko lang, nag
CR pa nga ako eh. Nung bumagsak yung pinto, ako yung nakabagsak nun. Nakalimutan ko kasi
na sira na pala yun kaya napalakas ang pagsara ko, Ano bang nangyayayri?" . Sabi ni Mama,
"Kaka-alis mo lang talaga ma? Sure ka? Hayyyyy." "Oo nga! Bakit ba?"
BINABASA MO ANG
Opisina ni Mama
HorrorBased on the true story po ito ha! Kaya, sana kilabutan kayo! :-) Kasi ako, kapag naaalala ko ito, kinikilabutan talaga ako! Pramis!