Chapter 2

313 28 29
                                    

'Lovely yours' ang cliche lang ng title pero mapanakit siya mga bess!

Iyan ang nobelang matagal ko ng sinubaybayan online.

Ang kwento ay hinggil sa pagmamahalan ng duke na si Rhegio at ng dalagang si Selene.

Pero hindi naman ako nakafocus sa love story nilang dalawa, kundi kay Zhemrel lang, ang second male lead sa nobela!

At ako si Clarissa Legaspi, isang 20 years old, at second year sa college engineering.

Insert: walang jowa since fetus!

Ay hindi pa rin makapaniwala na nagtransmigrate sa mundo ng nobela.

At sa dinami-dami pa naman ng katawan na mapupuntahan ko, kay Luissa pa talaga! Huhuhu.

Pwedi naman akong maging kabayo nalang ni Zhemrel Diba! Eh di sana nagkaroon pa ako ng pakinabang sa favorite character ko! Hayyy!

Pero ayos lang! Babaguhin ko nalang ang mga nakatakdang events sa hinaharap! Total alam ko naman ang takbo ng kwento!

Ezeey!

Ililigtas kita Zhemrel sa nakatakda mong kamatayan! Pramis itaga mo yan sa bato ni darna!

"Kaya niyo ho bang tumayo, kamahalan?"Magalang na tanong ni Zhemrel. Tumayo ako tapos umarte na parang nanghihina ang tuhod.

"A-aray, masakit tuhod ko!" Pang eechos ko lang.

Nag-aalala naman akong dinaluhan agad ni Zhemrel.

"Buhatin mo ko!" Pagpapabebe ko pa sa kaniya. Seryoso naman akong tinitigan lamang ni Zhemrel.

Ang gwapo talaga ni Zhemrel as in! He's beyond my expectation! Naks napa-english tuloy ako!

Kulay puti ang buhok niya na tila inuuban!

Pointed nose, sharp jaws,kissable lips at higit sa lahat purple ang mga mata niya. Yun lang tapos na!

Naguguluhan ang mga tingin nito sakin, at parang nawewerduhan. Pero in the end binuhat niya pa rin ako!

No choice siya eh! Sa nobela ay isang general knight si Zhemrel at tapat sa kaniyang katungkulan. Kahit pa ang huklubang si Luissa ang pinagsisilbihan.

Ay ako na pala yun ngayon!

Tinulungan niya kong makasampa sa kabayo, tapos sumakay rin siya. Feel na feel ko naman ang mainit niyang katawan sa likuran ko.

Yamete Kudasai!

Pagkatapos ay pinatakbo niya na ang kabayo papunta raw ng palasyo.

Habang nakasakay ay feel na feel ko pa ang hangin na sumasalubong sa aking mukha at magandang view na nadadaanan namin. Feeling ko nga ang romantic ng eksena namin ni Zhemrel!

Pero natigil ang pag-iilusyon ko ng may pana na biglang tumama sa dibdib ko.

"Ughhh!" Daing ko dahil sa sobrang sakit at hapdi.

What the hill!

Narinig ko naman ang labis na pag-aalala ni Zhemrel sa likuran ko.

"Kamahalan!" Pag-aalala niya.

Unti-unti na akong nawawalan ng malay at nanlalabo na rin ang paningin ko. Napasandal na ako sa abs niya, dahil sa panghihina ko.

Kakalunod ko lang, ngayon naman napana na naman! Ano to happy death day!

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay dinama ko muna ang mga abs niya. Sayang naman kasi ang pagkakataon! Tapos tuluyan ng dumilim ang paningin ko.

~~~~~~~~●♡●♡●♡●♡●~~~~~~~~~~~~

Saving the Second Male Lead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon