WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE THEMES AND STRONG LANGUAGE THAT ARE NOT SUITABLE FOR AUDIENCES AT AGE 18 BELOW.
The Cold Body Of Solemn Smith One Shot
Nakaupo...
Nakatali ang kamay at paa sa isang silya. Madilim ang paningin dahil sa piring sa kaniyang mata.
Nanatili ang katahimikan sa lugar ngunit binasag ito ng mga yapak na papalapit sa kaniya. Isang matalim at malamig na bagay ang tumapat sa leeg niya, papunta sa muka niya.
"Solemn Smith... "
" S-Sino—!"
" Did I gave you a permission to speak?! You fvcking stupid bitch!" singhal ng babae na naka-pagpahinto sa tanong niya. Kasabay nito ang pagdiin ng patalim sa leeg niya.
Masakit...
Mahapdi...
Ramdam niya ang pagtulo ng mainit na likido ro'n. Alam niyang dugo niya mismo ang mainit na 'yon.
Takot...
At bilis ng tibok ng puso.
'Yan ang nararamdaman niya ngayon.
"Solemn, you have a nice name. Do you know what time and date right now?"
" February 6... H-Hindi ko alam ang oras... p-pakawalan niyo ako... p-please... "
" It's already 11:29 pm. Nakarinig ka na ba nang pinatay na tao ngayong gabi at ngayong oras?" Umiling siya sa tanong ng babae sa kaniya. Sa pagkakataon na 'yon, doon na siya nakaramdam ng takot. Pinipigilan niya na pahinain ang paghikbi at iyak niya. Ngunit pinangungunahan siya ng takot.
Hindi niya alam kung nasaan siya. H'wala rin siyang maalala kung paaano siya napunta rito at kung ano ang nangyari kahapon sa kaniya. Malabo. Malabo ang mga naalala niya sa isip niya.
Sumabay sa hikbi niya ang pagbuhos ng ulan. Gusto niyang alisin ang itim na tela na naka-piring sa kaniyang mata. Ngunit hindi niya magawa dahil nakatali ang kamay niya.
Umiling-iling ito. "H'wag... please. G-Gusto ko pang makasama pamilya ko. P-Pakawalan mo na ako... s-sige na... promise...! H-Hindi ako magsusumbong... " Humalakhak naman ang babae na nagbigay kilabot sa katawan niya. Sa hindi inaasahan, kasabay ng halakhak ang pagtama ng patalim sa dibdib niya.
"U-Uhh... " usal niya kasabay ng paglabas ng dugo mula sa bibig niya. Gusto niyang huminga, ngunit nahihirapan siya. Hinahabol niya ang hininga niya dahil ayaw niya na mamatay.
Bitin na ang paghinga niya, ngunit pilit parin siyang kumukuha ng hangin. Gusto niyang sumigaw, ngunit wala lumalabas na boses sa bibig niya, kundi dugo lamang.
Pihit pa-kanan...
Pihit pa-kaliwa...
Ganiyan ang ginawa ng misteryosong babae sa kaniya.
Saya, galak, at pagkatuwa.
'Yon ang mga emosyon na nararamdaman ng misteryosong babae.
"I'm so jealous... dear. Sana... ako na lang ikaw... "
INALIS ng babae ang piring ni Solemn sa mata. Bumungad sa kaniya ang mulat nitong mata na may bakas ng luha. Napalunok siya dahil sa kaniya mismo nakatitig ang katakot-takot nitong mata. Nakaawang pa ang bibig nito at may dugong umaagos mula ro'n. Inilapit niya ang muka niya kay Solemn at tiningnan sa mata.
YOU ARE READING
The Cold Body Of Solemn Smith ( ONE SHOT )
Mystery / Thriller"Her cold body . . . Her cold body is following me." This story is work of fiction.