Chapter 1

11 5 2
                                    


Chapter 1: Delicious experience
       Sound: BambooFlute by 陳悅

Makulimlim ang kalangitan at para pa yatang uulan nakatanaw ako mula rito sa itaas ng puno, malaking puno na katabi ng aming maliit na bahay kubo o kubong-bahay. Pareho lang naman eh. Aisst, basta yon na yon.

Sobrang laki ng punong ito. Ang tandang-tanda na nga, yong pinag-iwanan na ng panahon. Matanong ko nga kay tatay kung may kasarian ang mga puno, baka lalake ito o di kaya ay babae. Baka naman may asawa ito, iniwan nga lang ito dahil binabae kaya namatay at naunang natumba sa lupa. Napahagikgik ako sa naisip, nakalimutan ko puno pala ito ng mangga.

Nilanghap ko ang sariwa na may kasamang pait na hangin na sumasangyo galing sa dagat. Tanaw ko ang maaliwalas na malinis at mabughaw na karagatan, may malalaki itong mga bato sa gilid ng maputing buhangin kong saan hinahampas ng maliliit na alon. Isa itong isla na malayo sa bayan. Ang isla ng Paco ang siyang nakamulatan ko na.

Ramdam ko na ang pag-iiba ng temperatura, lumamig. Nanindig o di kaya ay sabihin na nating nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan, mula paa hanggang buhok sa ulo. Joke lang! Yong mga cute kong balahibo sa binti at kamay lang.

Nakapatong na nakahiga ang dalawang kamay sa harapang sanga ng kahoy habang nakaupo ako sa isa pang sanga sa ilalim. Nangalumbabang pinakinggan ko ang huni ng paligid. Mga huni ng ibon na parang nagsisiawitan, tinig ng mga insektong senyales na mawawala na ang kapayapaan ng isla.

Mamaya ay nakatulog ako. Yes, sa itaas ng puno. Suwerte akong walang ahas o di kaya ay gagambang bumulahaw sa akin. Ilang oras siguro ako don ng maalingpungatan ako sa mga patak. Mula sa isa hangang sa dumami na, doon na ako nagmulat ng mata. Umuulan na.

Dinig ko rin ang sigaw mula sa loob ng bahay-kubo. Pinapauwi na ako ni Tatay dahil baka daw magkasakit ako dahil umuulan. May kasamang kidlat pa naman ang ulan. Mabuti na lang at hindi ako takot sa kidlat siguro kanina pa ako nalaglag sa nerbiyos.

Dahil sa naisip ko kaninang umakyat ng mataas ay nahirapan akong bumaba. Basa na ako at ang punong kong saan yon lang ang daan para makauwi na ako ng tuluyan.
Madulas na ang mga sanga, pakiramdam ko ay maling galaw lang ay laglag ang pupuntahan ko. Tiyak bali-bali ang buto ko.

Nang-aabutin ko na sana ang isang sanga gamit ang kaliwang pa ay nakabitaw ang kanan kong kamay. Pitong sanga na lang sana ay lupa na ngunit sa kinamalas-malasan ay nadulas pa kaya pabulusok akong nalaglag.

Dinaig ng sigaw ko ang malakas na kulog. Pakiramdam ko ay nagsiawitan ang mga anghel at nagbukas ang pintuan ng langit. Natawag ko na yata ang lahat ng santo ngunit malas lang talaga ako dahil sa nakabukaka akong bumulusok ay nasentro pa ang gitna ko. Yon na pala ang huling latis bago ako bumagsak ng lupa.

"Aww!" Naluha ako. Ang sakit! Nalasog na huhu!..

A/n:

Ang sakit non! Hehe, o maganda ba? Pakivote nalang follow na din at comment. Try niyo kaya mga cutiepeople.

Next: CHAPTER 2:TEASER

Ering! Bilisan mo diyan. Mauuna pa yatang magbihis ang pagong sayo! Ke babaeng tao ang tagal-tagal." Umikot ang matang napailing na lamang. Hindi na yata ako masanay-sanay sa tawag nito. Tatay ko naman siya so okay lang. Mahal ko kaya iyon.

Naabutan kong naglilinis ng plauta ang Tatay. Nagbebenta kasi ng plauta ang Itay ibig sabihin ay nagbebenta at gumagawa. Kada linggo kasi ay may dinadaos na patimpalak dito sa isla. Labanan ng bawat plauta, pagandahan ng musika at tunog. Naeexcite na nga ako e.

Mabilis na napatakbo kami ng pintuan. Sabay ng pagkalabas namin ay madidinig ang umalingawngaw na tatlong beses na pagtunog ng tambol senyales na may paparating.

ThE BaTtLe Of ThE InStRuMeNtSWhere stories live. Discover now