3. His House

8 1 0
                                    

Chapter Three: Meet Him Again

                         Yuri P.O.V

"YURI, SERVE MO NA!"  utos sa akin ni Ate Mira. Isa rin itong katrabaho ko sa restaurant ngunit siya ang nagluluto o naglalagay sa mga sangkap na ino-order ng mga customer.

Tipid akong tumango at mabilis na kinuha ang isang trey kasama na ang pitsel. Tiningnan ko ang numero ng trey upang malaman ko kung saan ko ito ise-serve. Number seven.

Inilapag ko ang order ng isang pamilya na nasa pitong lamesa. Maingat ko iyon inilapag bago umalis. Ilang beses akong pabalik-balik sa aming customer. Tila'y hindi na yata mauubos ang mga ito. May umaalis may bumabalik. Ganito na ba talaga masarap ang luto dito? Kahit anim na beses palang ako rito. Hindi ko pa napapansin na kumonti ang customer.

Naupo ako sa bangko ng matapos ang aming trabaho. Mamaya ay magsisimula ulit kami. Kailangan lang namin na magpahinga.

Napansin ko agad si Ate Mira na naglalakad palapit sa akin bago maupo sa upuan na nasa tabi ko. Malawak na ngiti ang ibinigay niya sa akin kaya nginitian ko rin siya.

"Sipag mo naman, Yuri. Journalist ka na nga waitress pa. Buti nalang na walang nagpapa-authograph sa iyo rito? Dahil kung hindi, baka wala ka pang natrabaho kahit isa."

Natawa ako sa sinabi ni Ate Mira sa akin.

"Buti nalang , Ate Mira. Ayoko naman na nagpapa-authograph sila sa akin kasi hindi ako sanay. Kahit alam kong sikat ako bilang isang Journalist. Hindi talaga ako sanay," sabi ko.

Napatango nalang si Ate Mira. "'Lam mo, hangang-hanga ako sa iyo. Hindi ko nga alam kung bakit pero sa hitsura mo tiyak kong swerte ang mapapangasawa mo."

"Si Ate Mira naman. Wala pa sa isip ko iyon. Grade ten palang kaya ako. Saka masyado pa akong bata at..." Sandali kong pinutol ang aking sasabihin at muling pinagpatuloy. " ayokong mag-asawa. Mag ma-madre kaya ako."

"Hala ka. Ikaw mag ma-madre? Sira ka ba? Sa ganda mong iyan magiging madre ka. Sayang naman ang ganda mo at ang katalinuhan mong iyan doon mo ibibigay at ilalaan," wika ni Ate Mira sa akin.

Muli akong natawa. "Joke lang naman, Ate. Siyempre may pangarap ako."

"Ano ang pangarap mo naman? " tanong niya sa akin.

"Architect,"  tipid kong sagot.

Kumunot ang noo ni Ate Mira sa sinabi ko. "Architect."

"Opo. I like drawing."

"Galing naman. Talagang matalino ka talaga. Mag-asawa ka na kasi," pangungumbinsi sa akin ni Ate Mira.

Napanguso ako at umiling. "Gaya nga ng sinabi ko, ayaw ko mag-asawa at bata pa po ako. You know I'm just 16 years old," pagpapaalala ko.

"Sixteen ka palang. Akala ko ay nineteen ka na."

Sinamaan ko nang tingin si Ate Mira sa sinabi niya sa akin. Nineteen talaga?

"Are you kidding me?" I asked.

"Mukha ba akong nagbibiro?" pabirong tanong sa akin ni Ate Mira.

Umiling ako. "Sixteen palang ako, Ate. Ginawa mo pa akong nasa legal age na," nayayamot kong sabi sabay higop ng ice tea na nakalagay sa table.

"Sa customer iyan, ah?"

Tiningnan ko ang bottle  na kung saan ako uminom. Ice tea nga ng customer.

"Ano naman? Sayang naman kung itatapon, 'di ba?" walang emosyon kong sagot sa kanya bago muling humigop.

"Kung trip mo palang uminom ng ganyan. Free to pick some tea like that, beh," aniya niya.

The Last TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon