Chapter Four: Away
Yuri P.O.VSINAMAAN KO NANG TINGIN si Ate Mira sa sinabi niya sa akin. Ano kayang nakain nito?
"A-ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
Nginitian ako ni Ate Mira na parang may sinasabi. Kinunutan ko siya ng noo sa hindi malamang dahilan. Anong problema niya?
"Wala naman." Tumingin siya ng diretso habang ako ay nasa tabi niya. Pinagmamasdan ko na rin ang kanyang tinitingnan. Ang swimming pool. Puro ilaw ito at kulay blue. Tiyak kong malinis ito kaso hindi ako marunong lumangoy.
Habang pinagmamasdan ang buong paligid umagaw ang tingin ko sa lalaking nakabunggo ko. Nakatayo siya sa labas na kung saan naroon ang swimming pool.
May hawak itong selpon at may kung anong pinipindot. Ano naman?
"Yuri," rinig kong pagtawag ni Sir Makilan sa akin.
Mabilis ang ginawa kong paglingon sa kanya bago sumagot, "Po?" mahinang wika ko.
Bago magsalita si Sir Makilan. Sandali muna siyang lumapit sa akin at ngumiti gano'n rin ang ginawa ko. Naka-t-shirt lang si Sir Makilan at simpleng pajama habang ang kanyang ulo ay basang-basa. Mukhang kaliligo lang ni Sir Makilan.
"Are you happy to see your self here at my house? It was greatness to see you here. But... I don't know if you were happy too."
"Sir," sabat ni Ate Mira, "kahit hindi mo na sabihin. Masayang-masaya kami!" patiling dagdag niya.
Napakamot nalang ako ng batok. Kailan kaya hihina ang boses ng katabi ko.
"Yuri."
"Sir," sagot ko.
"Nakita mo naman na ang anak ko, hindi ba?" tanong ni Sir Makilan.
Hindi ako nakaimik sa tanong ni Sir Makilan sa akin.
Yes, Sir. Nakita ko na ang anak mo at dalawang beses na!
Gusto kong isigaw iyon mismo sa harap ni Sir Makilan para malaman niya kung ano ang ginawa ng anak niya sa akin. Ngayon na nakilala ko na ang Keifer na iyon, hinding-hindi ko tuturuan ang matandang 'yon.
Pilit akong ngumiti bago sumagot, " Opo. Nariyan po siya sa labas."
"That's great. Ano , papayag ka na ba sa trabahong iyon?"
"Nope," mabilisang sagot ko na nagpanganga sa kanilang dalawa. " I don't want to be a temporary teacher of your son, Sir Makilan. I know that this is great opportunity but I hope that you will understand me. Knowing that, your son is very spoiled I know that. I'm really sorry, Sir," I said with apologize tone.
Napayuko si Sir Makilan sa narinig niya mula sa aking bibig. Kahit alam ko na masakit iyon para sa kanya. Masakit rin iyon para sa akin. Ang ganoong klaseng lalaki ay hindi ko tuturuan. Tama pala ang sinabi ni Sir Makilan sa akin. Hindi nga siya natuturuan ng magandang asal. Nakakaawa naman ang magulang niya gaya ng ama niya na si Sir Makilan. Naghahanap na nang teacher na mas malawak ang isip .
"Gano'n ba?" rinig kong sabi ni Sir Makilan bago umangat ang kanyang mukha patungo sa akin at ngumiti, "Thanks."
Mapait ko siyang nginitian. "W-wala pong anuman," nahihiya kong sagot.
**
NAPAILING-ILING ako sa ginagawa ni Ate Mira kasunod ng mahinang pagtawa. Paano ba naman kasi ay kumakanta ito sa videoke habang namamaos ang boses. Kulang nalang sumabog ang aming tenga sa lakas ng boses niya.
BINABASA MO ANG
The Last Tears
Novela JuvenilSimple lamang ang buhay ng labing anim na taong gulang na si Yuri Sevillena, isang matalino, mabait, mapagmahal, maalaga, maganda, simple, at hinahangaan ng lahat. Nang mamatay ang kanyang kapatid, ang kanyang buhay ay nagbago. Kailangan niyang m...