CHAPTER 19

9 3 0
                                    

Walang gana akong napatingin sa kanyang mga kasamahan. Isa isa nila akong nilapitan at inamoy.

Seriously though, it doesn't excite or frightened me.

"Ang anak ng Mandirigma"

Bulong ng isang lalaki.

"Sa wakas. Kusang sumuko ang anak ng mandirigma. Ano, ha? Pinagtabuyan ka ba ng mga pinuno niyo gaya ng kanilang ginawa sa amin?"

Tumawa ng tumawa ang lalaki. Sumunod naman ang pagtawa niyon bata. Ngunit habang patagal ng patagal ang kanyang pagtawa ay unti unti ring nagbabago ang kanyang anyo. Galing sa batang balat ay naging kulubot ito at tuluyan na nga siyang naging matanda.

Napangiwi ako. Nakakadiri tingnan.

Walang humpay ang sigawan nila sa kaligayahan.

"Maaari niyo ba akong dalhin sa mga magulang ko?"

Mahinahon kung sabi na nakapagpatahimik sa kanila.

Nagkatinginan silang lahat saka ako pinasunod noong bata–matanda.

Naging seryoso ang kanilang mga mukha at expression. Palingon lingon naman ako sa paligid.

Wala ng mas idudumi pa ang lugar na ito.

Dinala nila ako sa isang malaking gusali. Parehas ang pormang ito sa aming palasyo. Iyon nga lang. Mas madilim ang aura dito.

"Dito ka"

Dumaan kami sa masikip na hallway.

"Ano ba ito? Bakit ang sikip"

Hinawakan ako ng mahigpit nong isang lalaki. Napangiwi ako. "Huwag ka ng mag inarte at hindi ka na makakalabas dito"

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

Nagyon ay nakagapos ang dalawa kong kamay sa aking likuran. Walang usapang ganito.

Tinapon ako sa madilim na silya. Wala akong nakikita at ang tanging ilaw doon ay patay sindi na ilaw. Isa. Dalawa. Tatlo.

Tatlong segundos kong ni adjust ang mga mata ko sa dilim ng silya.

"D'yan nababagay ang mga maduduwag na mandirigma"

Sabay sabay silang nag tatawanan.

I spit in the corner and I heard a moan.

Napatigil ako saka pinakiramdaman ang aking paligid.

Nawala ang ungol kaya kumalma ang laman ko. Subalit muli akong napaayos ng tayo nang muli ko itong naramdaman. Narinig.

Isang ungol ng babae. Umuungol sa sakit. Hindi sa sarap.

Ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo habang palapit ng palapit ang tunog na iyon.

Habang tumatagal ay napagtanto kong hindi lang pala ungol iyon. Naririnig ko ang mga kataga niyang sinasabi. Palapit ng palapit ay ganon din naging klaro sa akin ang kanyang sinasabi.

"Zafia...." Paungol nitong sabi.

Pabaling baling ang tingin ko sa kaliwa at kanan ngunit gaya ng dati ay wala akong nakikita.

Humagod ang kaba sa aking kalamanan. Nabobosesan ko siya ngunit hindi ko mawari kung saan, at kailan. Hindi ko rin alam kung sino iyon.

Sobrang pamilyar nito sa akin. Napapikit ako at inalala ang mga taong posibleng pinanggalingan ng boses na iyon. Pero hindi. Wala sa kanila.

Huminga ako ng malalim at napamulat nang narinig ulet ang tawag niya. Ngayon ay iba na. Ibang iba kompara sa kanina.

"Zafira, anak ko...."

A White WarriorWhere stories live. Discover now