"Yorry, bakit pa tayo nandito?" Tanong ng kaniyang nerd na kaibigan, si Jade.
"Sinabi ko sayo na dapat hindi na natin sinama si Jade. Hindi niya mundo ang mga ganito," pagsasalita ni Mae habang siya ay patalon talon.
"Masasanay din yan siya?" sagot ni Yorry kay Mae.
"Gaya nangyari sa'yo?" Ngiti ang reply sa kaniya ni Yorry.
"I don't think so, mauna na ako sa inyo. May pasok pa tayo bukas sa school." Nang aakama ng maglakad si Jade, hinawakan ni Yorry ang damit niya sa likod.
"Ano ba?" reklamo niya.
"Bahala ka, espesyal pa naman ang birthday celebration natin ngayon dahil magbibigay ako ng five thousand pesos. Bawat isa sa inyo!" ngiti niyang sinabi kaya napa-isip si Jade kung aalis ba siya o hindi.
"Really?!" sambit na may tuwa ni Mae.
"Oo," sagot ni Yorry. Ininom niya ang basong may alak. Tumingin siya kay Jade at tinanong kung aalis ba siya.
"Okay, hindi na ako aalis. Ipangako mo talaga ma ibibigay mo ang pera!" Paninigurado niya.
"Wag ka nga ano diyan. Ibibigay ko nga mamaya," sagot ni Yorry.
Ang tatlo ay nasa loob ng pinakasikat na bar. Dito naisipan na i-celebrate ni Yorry ang kaniyang kaarawan.
"Wait lang, friend. Saan ka naman nakakuha ng maraming pera?" tanong ni Jade sa kaniya.
"Nakalimutan mo ata na may sugar daddy yan na bilyonaryo kaya limpak na limpak ang kaniyang pera sa wallet!" Si Mae ang sumagot sa tanong ni Jade. Nakangiting wika sa kabigan.
"Hinaan mo lang ang boses mo baka may makarinig sayo," nakangiting pagbibiro ni Yorry.
Tumawa sila sa sinabing pagbibiro ni Yorry.
May isang lalake ang lumapit sa kanila. Kinausap niya si Jade dahil nagagandahan siya sa dalaga.
Hindi halatang mas matanda pa ng five years ang lalake sa kanila dahil sa poging mukha nito.
"Hoy kuya kung may balak kang lumande sa akin, wag mo ng ituloy dahil hindi ako interesado sayo!" Pataray na sabi niya sa lalake. Her friends yelled of what she said.
"Pagpasensiyahan mo na ang kaibigan ko. Bitter lang yan. Pwede naman ako nalang ang landein mo. I'm very available and wild!" Sabat na wika ni Mae na may pagbibiro.
Ang pangalan ng lalake ay si Migs, isang lalake na may malakas na sex appeal.
"Talaga? Pwede ba ngayon kita landiin?" Ngiti niyang sabi kay Mae na may pang-aakit.
Tumingin naman sa kanila si Jade na parang nandidiri siya.
"Sige, enjoy kayo!" Taas na boses na sinabi ni Yorry sa dalawa habang naglalakad sila paalis sa kinaroroonan ng dalawang kaibigan.
Nakita ni Yorry ang poging waiter na humihingi ng patawad sa isang lalakeng customer na kaniyang natapunan ng wine.
"Kita mo na, friend. Ang gulo talaga rito! Bakit pa kasi rito mo naisipan magdiwang ng kaarawan mo. Sa bahay nalang tayo, or sa restaurant, or manood tayo sa sinehan ng movie, or namasyal nalang tayo. Bakit ba kasi naisipan mo na rito magdiwang ng kaarawan mo? I don't like this place!" Hindi nakikinig si Yorry sa mga sinabi niya dahil tinitingnan ng dalaga ang lalakeng waiter.
Tinapik niya ang kaibigan, "Nakikinig ka ba?" Awat siya sa pagtitig ni Yorry sa poging waiter.
"Diyaan ka lang friend, may pupuntahin lang ako," nakangiting sabi niya sa kaibigan.
"Really? iiwan mo ako rito?" Naglalakad si Yorry papunta sa waiter. "Kung hindi lang sa five thousands, aalis na ako dito!" Inis niya sinabi sa sarili.
Padabog dabog nilagay ng waiter ang kaniyang dalang baso sa counter. Badtrip siya sa nangyari sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
General FictionPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...