Y/N POV
Simula nung nagsimula ang araw nato ay para akong nahihilo at palagi akong balisa sa mga maaaring mangyari
Ngayon ay patungo na kami sa golf course at sinabayan ko na si Ferdinand. Sa buong byahe papunta ay tahimik lamang ako at paulit ulit na tanong ni Ferdinand ay kung okay lang ako
"Are you sure you're okay? Kanina ka pa mukhang napapawisan" tanong nito pero tango lang ako nang tango
Pagdating namin ay dumiretso na kami sa private lounge para magpahangin muna
"Iniwan ko muna si Andy sa playhouse" sabi ni Rosa at umupo na lang sa sofa
Nakita kong kumuha ng inumin si Greg at inanyahang uminom din si Ferdinand pero tumanggi ito
Tumungo naman ito at dumiretso sa bintana para magmasid masid kung ano na ang nangyari sa kaniyang golf court
Habang ito'y nakatalikod ay nilapitan ako ni Ferdinanad
"Let's tell Greg now" bulong nito sa akin at mas lalo akong kinakabahan at gusto ko nang umiyak
"Everything will be fine after. May mga plano tayo diba?" dagdag nito at hinawakan ang mga kamay ko
Lumingon ulit si Greg at dali kong tinanggal ang aking kamay sa kamay ni Ferdinand
"Ang init!" pagrereklamo ko at inabot ang paypay ko
"Maupo ka muna" sabi ni Ferdinand at ginabayan akong umupo
Umupo na rin ito sa aking tabi at kinuha ang aking mga kamay para itahan
Greg POV
Nagmamasid masid ako sa labas nang paglingon ko balik ay nakita kong magkahawak ang kanilang kamay pero daling inalis ito ni Y/N
Mas lalo akong nagalit sa aking nakita
Inabot ni Y/N ang kaniyang paypay at pinaupo ni Ferdinand
Ano bang problema nitong lalakeng ito?
"So Mr. Marcos, I heard quite a lot about you.." panimula ko
"Talaga? Mabuti naman" sagot lamang nito habang hawak parin ang mga kamay ni Y/N sa ilalim ng lamesa. Akala nila siguro ay hindi ko makikita
"And it's not even from Y/N. It's from the people around that knows you personally like what you had with Dovie. That one is a history in the political sphere"
Lumingon silang lahat sa akin. Sila Rosa, Ferdinand at Y/N
"Greg..." paghinto sa akin ni Y/N
"Bakit sweetheart? Hindi mo ba yan alam? Want me to walk you through the whole narrative?" pasabi ko nang unti-unti nang kumukulo ang dugo ko sa lahat ng mga nangyayari
"You're one to talk" balik nitong paggalit sa akin at bigla siyang tumayo at naglakad lakad sa silid na parang hindi mapakali
"Akala mo bang hindi ko alam ang tungkol sa libo-libong babaeng naghahanap sa iyo sa bahay? Na mismong tumatawag sa telepono? And now you're talking about other people's infidelity?" dagdag ni Y/N
"Y/N, darling, wala akong ibang babae. Ano bang pinagsasabi mo?" tahan kong pagsalita habang nilalapitan siya
Umirap lang ito
"Bakit? I don't think na inosente tayong lahat dito kung pag-uusapan natin ang pangangabit?" tanong ko sa kanilang lahat
Biglang tumayo si Ferdinand